Nilapitan ni Riko si Haizel at inilahad ang kamay upang kunin ang kamay ni Haizel, nabigla naman si Haizel doon, hindi alam kung anong gagawin pero nakisama na lang siya kung ano ba ang binabalak nito. Hinawakan nga niya ang kamay ni Riko at napatayo na rin. "Pasensya na po pero mukhang hindi niyo po nauunawaan ang sitwasyon, hindi totoong naghahabol si Haizel kay Frederick. Katunayan si Frederick nga po ang naghahabol kay Haizel, at hindi ko po iyon nagustuhan as a boyfriend ni Haizel. Masaya kaming namumuhay kaya hangga't maaari sana, mapagsabihan niyo po siya."
Inis na inis si Mrs. Lacson, pakiramdam niya'y pinagkakaisahan siya ng dalawa. Wala na lang siyang ibang nagawa kundi ang umalis. Natahimik si Haizel sa ginawa ni Riko. Hindi lang siya basta natahimik kundi maging ang oras niya ay mistulang tumigil din. Bumagal ang oras niya na para ang nagso-slow mo.
Maliban doon ay naramdaman niya ang katulad sa naramdaman niya noong magtapat sa kanya ng feelings si Frederick. Katulad na katulad niyon ang naramdaman niya. Halos mabingi rin siya dahil wala siyang ibang marinig dahil na rin sa kanyang nararamdaman.
Bumibilis ang tibok ng puso niya—bumibilis nang bumibilis. Mayamaya ay may narinig siyang isang boses ng lalaki.
"Hello? Hello? Okay ka lang?" sawakas ay narinig din niyang sabi ni Riko. Kanina pa siya nito kinakausap. Hindi lang niya napansin dahil nawawala na siya sa sarili. Nagkabitaw na rin ang mga kamay nila. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Riko.
"Ahm, ano... ahm, ano, oo okay lang ako," naiilang nitong sagot. Hindi nga niya kayang tingnan ito sa mga mata.
"Sigurado ka? Mukhang masyadong kang inaapi, eh. Tama iyang ginagawa mo, dapat lumalaban ka. Mga mahihina lang ang nagpapaapi at mukhang wala naman sa hitsura mo iyon. Pero, sino ba iyon? Nanay ni Frederick?"
"Oo," maikling sagot ni Haizel at saka mabilis na tumakbo patungo sa inaangking kuwarto. Nasa kasagsagan siya ngayon ng pagtibok ng puso kaya kailangan niyang mapag-isa para hayaang tumakbo ito nang walang nakakaistorbo.
Pagtataka ang naidulot ng behavior na 'yon ni Haizel kay Riko. "Anong problema niyon?"
>>>
Pagkapasok na pagkapasok ni Haizel ay pagsarado ng pinto ang una nitong ginawa. Napahawak din siya sa may pusunan niya.
"Ano bang... hindi naman kaya nai-in love na ako sa lalaking iyon? Iyon lang ang pinakamaLapit na eksplanasyon dito.
Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Riko—si Riko na nakangiti. Para bang may mga sparkling sa mata nito. Bigla ring kuminang ang isa sa mga ngipin ni Riko na kita dahil sa pagngiti niya. Napahiga sa kama si Haizel. "Ang guwapo pala talaga niya, oh my God"
Haizel's POV
Nang sumunod na araw, bumisita sina Mama' Papa sa bahay. Siyempre nasa salas sila ngayon at magkatabing nakaupo. Magkatabi naman kami ni Riko sa isang sofa na nakaharap sa kanila. Tinanong pa ako ni Mama tungkol kay Mrs. Lacson, sinabi ko namang inimbitahan lang niya ako para sa kasal ni Frederick. Nagulat pa nga sila roon, eh. Ang kapal daw ng mukha niyang imbitahan ako, ano raw ba ang gusto niyang ipamukha sa akin—na ikakasal na rin sawakas ang hinayupak na iyon?
Well, hindi naman daw talaga iyon ang ipinunta nila sa bahay at iyan mismo ang itinanong ko sa kanila.
"Teka, ano bang ginagawa ninyo rito? Napadalaw kayo?" tanong ko.
"Ahm," sabi ni Mama sabay may kinuha na kung ano sa shoulder bag niya.
"Gusto sana naming panoorin 'yan kaya lang wala na kamng oras. Ngayon na ang huling showing niyan sa sine kaya dapat panoorin niyo. Sayang naman kasi," sabi ni Papa.
Ipinatong ni Mama sa center table ang dalawang tiket, nang tingnan ko iyon ay Fifty Shades of Grey. Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko ang movie na iyan dahil superduper SPG iyon. "Mama ano ba 'to?" pagalit ang tono kong tanong.
"Blockbuster daw iyan sa takilya. Meaning to say, maganda siya, 'di ba?" sabi naman ni Papa.
"Tama, Hon, hindi naman iyan magiging blockbuster kung pangit, 'di ba?" pagsang-ayon naman ni Mama.
"Kaya lang naman maraming nanood niyan eh dahil sa content—dahil SPG iyan. Sa panahon ngayon hindi na nagki-critics ang mga viewers. Basta may harutan go lang sila."
"Tama po iyon, auntie, uncle, saan ka ba makakakita ng nagse---" Napatingin ang lahat sa kanya dahi sa word na iyon na hindi niya kayang ibigkas. "Basta iyon na iyon, alam niyo na iyon, masyadong awkward banggitin, eh."
"Ano bang concern mo?" tanong ko.
"I mean, naikikintal nila sa isipan ng mga manonod na ayos lang gawin iyon kahit na hindi naman sila kasal, bawal iyon, hindi ko naman sinasabing tinuturuan nila ang mga taong gawin iyon."
Habang sinasabi iyan ni Riko ay talagang na-amaze ako, mayroon pala siyang ganoong paniniwala. Napaka-gentleman ng ganoon. Nakaka-in love kaya iyong gano'n. Iilang lalaki na lang sa mundo ang may mga gano'ng prinsipyo. Akala ko ako lang ang na-amaze sa sinabi niyang iyon, pati pala si Papa at lalo naman si Mama. Lumipat ng pagkakaupo si Papa at tumabi kay Riko, sa kanan niya.
"Riko, dahil sa sinabi mong hiya, maipagkakatiwala ko na sa 'yo ang anak ko," masayang-masayang sabi ni Papa. Lumipat din ng pagkakaupo si Mama at tumabi naman sa kaliwa ni Riko, bali pinagitnaan nila si Riko, halos itulak na nga ako ni Mama nang agawan niya ako ng puwesto, eh. In-ignored lang nila ako.
"Alam mo kung ako ang anak ko, mai-in love talaga ako sa 'yo," sabi ni Papa. Kita ko namang nainis doon si Papa pero nakisama na lang siya, hinigitan pa nga niya, eh.
"Ako naman, kung babae lang ako mai-in love talaga ako sa 'yo kahit na may asawa pa ako, hihiwalayan ko talaga ang asawa ko kapag nagkataon."
Hay, ano ba iyang pinagsasasabi nila, nakakahiya sila...
Pagkaalis na pagkaalis nina Mama't Papa, naiwan kami ni Riko sa salas, magkaharap kaming nakaupo sa sofa. Iyong tiket naman ay nasa table lang. Pinunit ko iyon.
"Walang manonood no'n, masyado 'yong awkward," sabi ko pa. Then nagkaroon ng saglit na katahimikan. Nasa isip ko pa rin iyong sinabi niya kaya sinimulan ko siyang tanungin tungkol doon.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...