Chapter 10: Pakiusap

18 4 0
                                    





Ngumiti si Haizel, iyon bang ngiting parang nagpapatawad.

"Frederick, huwag ka nang lumuhod d'yan, dahil matagal na kitang napatawad," sabi ni Haizel sa kanya nan a nagpangiti naman kay Frederick. Kaagad niyang naituon ang tingin kay Haizel, nandidilat naman ang mga mata ni Sandrang nakatingin kay Haizel. Galit na galit ito.

"Totoo ba iyang sinasabi mo, Haizel? Pinapatawad mo na ako?" bakas sa boses niya ang pagkatuwa.

"Oo, Frederick, matagal na kitang napatawad kaya tumayo ka na r'yan," sabi pa ni Haizel. Tumayo nga si Frederick at mabilis na niyakap si Haizel.

Mabilis din naman siyang itinulak ni Haizel nang marahan lang. "Okay na iyon," sabi pa nito.

"Ah, pasensya na, nabigla lang ako, salamat talaga."

"Huwag akong yakapin mo, si Sandra ang yakapin mo dahil siya ang girlfriend mo. Baka kasi magselos siya," sabi ni Haizel habang sa mga mata ni Sandra ang tingin. Iyon bang tipong parang nang-aasar.

Napangiti si Frederick.

"Ah, siya ba? Huwag mo siyang alalahanin dahil nag-break na kami." Laking gulat ni Sandra nang marinig iyon mula sa kanya.

"Anong sinabi mo?"

"Break na tayo."

"Hindi iyan totoo," paninindigan ni Sandra. Para bang ayaw pa nitong mag-break sila. May mga luha na ring gumigilid sa mga mata niya dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Hinawakan ni Sandra si Federick sa may wrist ng kanang kamay nito.

"Hindi pa tayo maghihiwalay."

"Tumigil ka, ikaw ang dahilan kung bakit ko naituloy ang kasal namin ni Haizel, ang sama mong babae. Wala kang kahihiyan." Para bang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Sandra dahil sa sinabi ni Freddy. Tuluyan ding bumagsak ang mga luha nito dahil sa mga masasakit na salitang narinig mula rito. Napa-smirk naman si Haizel dahil hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Frederick sa babaeng iyon sa harap ng maraming tao—lalo na kay Haizel. Gusto rin ni Haizel na danasin din ni Sandra ang pakiramdam na lokohin o saktan ng pinakamamahal ngunit ngayong nangyayari na ito ngayon, mukhang hindi na niya iyon gustong mangyari dahil nakokonsiyensiya siya. Kahit na hindi siya ang gumawa niyon kay Sandra, nakokonsiyensiya pa rin siyang ginusto niyang masaktan ang babaeng iyon.

Napatingin sa paligid si Sandra habang tinitingnan ang tingin ng mga tao sa kanya. Napatakip siya ng bibig gamit ang kamay at saka mabilis na tumakbo palayo upang matakasan ang kahihiyan. Nakakaawa ito—iyan ang tumatakbo sa isip ni Haizel.

"Hoy, baliw ka ba?" tanong ni Riko rito.

"Huwag kang makialam dito."

"Baliw ka nga pala talaga."

"Anong sabi mo?" pikon nitong sagot.

"Bakit mo ba iyon ginawa?" seryosong tanong ni Haizel.

"Gusto mo rin iyon, 'di ba? Pinapadama ko lang sa kanya kung ano ang naramdaman mo." Sobrang naiirita na si Riko kay Frederick, gusto na niya itong sapakin ngunit hindi siya iyong tipo ng taong inuuna ang damdamin bago ang isip. Gumawa na lang siya ng paraan para mapagalit si Frederick. Inakbayan nito si Haizel, nagulat naman si Haizel doon. Medyo nag-blush pa siya pero hindi na lang niya ipinakita. Insulto at nakaramdam ng selos si Frederick dahil doon.

"Baka iniiisp mong gusto kong gantihan ang babaeng iyon, ang totoo niyan, oo. Gusto ko nga siyang gantihan pero napagtanto kong mga taong talunan lang ang gumaganti. At hindi ako ganoon."

"Haizel, ano ba iyang sinasabi mo?" taka nitong tanong.

"Hindi porket pinapatawad na kita, iniisip mo nang babalikan na kita. Ang pagbalik sa 'yo ang pinakanakakahiya at nonsense na gagawin kong desisyon sa buhay ko. At ayokong sayangin ang buhay ko na kasama ka. Iniisip ko pa lang na magkasama tayo sa iisang bahay eh kinikilabutan na ako. Kung tutuusin dapat magpasalamat pa ako sa babaeng iyon dahil kung hindi niya iyon ginawa, baka lalong nasira lang ang buhay ko."

"Haizel, puwede bang bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon para patunayan sa 'yong pinagsisisihan ko nang nagawa ko iyon."

"Pagsisihan mo man iyon o hindi, hindi na magbabago ang katotohanang manloloko ka. Ginawa mo na iyon sa akin, at ginawa mo pa ulit sa babaeng iyon. At hindi ako tanga para magpaloko ulit sa 'yo."

"Naintindihan mo ba iyon, Frederick? Kaya huwag ka nang magkamaling suyuin pa 'tong girlfriend ko. Nga pala, nakatira na nga pala kami sa iisang bahay at isang buwan na lang mula ngayon ay magpo-propose na ako sa kanya—iyon ay kung hindi magbabago ang kapalaran."

Galit na galit na tumingin si Frederick kay Riko, asar na asar siya rito. Alam ni Frederick na hindi ganoong klaseng babae si Haizel. Alam nitong hindi basta-basta makakahanap si Haizel ng panibagong boyfriend dahil kumpiyansa siyang siya lang ang mahal nito at wala ng iba.

"Hindi 'yan totoo, Haizel. Kilala kita, hindi ka ganoong klaseng babae. Ako lang ang mahal mo, 'di ba?"

"Dati, mahal kita. Pero nagbago na iyon kasabay ng pagbabago ng taon."

"Sinasabi mo lang iyan dahil gusto mo akong pagselosin, at gusto mong masaktan ako kagaya sa ginawa ko sa 'yo, pinagsisisihan ko na iyon, Haizel."

"Ah pasensiya na, Frederick, pero tingin ko may hindi tayo pagkakaintindihan. Hindi totoo iyang nasa isip mo, matagal na akong naka-move on sa nangyari," sabi ni Haizel sabay tingin kay Riko ay nangunyapit sa braso nito sabay ngiti. "At saka, kung hindi nangyari ang bagay na iyon, baka sira na ang buhay ko at magkaroon pa ang annulment thingy at ayokong mangyari ang bagay na iyon. Ngayon, natagpuan ko na ang tamang lalaki na nakalaan para sa akin kaya salamat doon."

Ngumiti rin si Riko kay Haizel, inakbayan pa niya ito. "Ang sweet naman ng sinabi mo, Haizel."

Ngumiti si Haizel doon.

"Oh, pa'no, pre, maiwan ka na namin. May gagawin pa kasi kami," sabi ni Riko.

"Haizel, huwag kang sumama sa kanya... pakiusap," pakiusap ni Frederick kay Haizel at kita iyon sa kanyang mga mata. Nakaramdam naman ng habag si Haizel dahil sa mga matang iyon ng dating nobyo. Alam nitong kaya lang niya ito ipinapakiusap ay dahil sa pag-aalalang baka may mangyaring kalagim-lagim sa pagitan nila ni Riko. Naaawa siya rito pero hindi na lang siya nagpahalata sahalip ay lalo lang niyang nilawakan ang kanyang nakapatamis na ngiti.

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon