Chapter 09: Pagpapanggap

10 4 0
                                    




Mabilis na nagtungo sa salas si Haizel upang pilitin si Riko sa gusto nitong mangyari. Ang balak kasi niya'y pagselosin si Frederick gamit si Riko. At hindi naman iyon big deal sa kanilang dalawa, medyo nahirapan nga lang si Haizel na pilitin si Riko pero matapos ang halong isang oras na pamimilit ang napilit din niya ito. Napilitan lang si Riko dahil sa pang-iistorbo nito rito. Napakaimportante pa naman ang ginagawa niyang pag-iisip ng bagong disenyo ng robot.

Samantala, sabik na sabik si Frederick sa pagdating ni Haizel. Mula sa kanina na malungkot ay naging masaya na ito—isang masaya na may halong kaba. Nang mag-ring ang phone nito, sabik niyang tiningnan kung sino iyon, medyo disappointed nga lang siya nang makitang si Sandra ang tumatawag. Akala kasi niya'y si Haizel na iyon.

"Hello," walang gana ang boses nito dahil na rin sa disappointment.

"Nasaan ka na ba? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na umuwi ka na pa lang Pilipinas? Pero hindi bale, dahil umuwi na rin ako, nasaan ka nga pala ngayon?" tanong nito. Habang nagsasalita si Sandra ay nakaisip si Frederick nang magandang timing para ipagtapat dito na ayaw na niya sa babaeng ito. Kaya nagpasiya siyang papuntahin na rin ito sa bar. Sabik naman ang naramdaman ni Sandra dahil doon.

***

Habang nasa kotse ni Haizel sina Riko at Haizel ay ipinaliwanag nang maigi ni Haizel kay Riko kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Pero hindi lahat ng impormasyo ay ibbinigay niya. Ayaw kasi ni Haizel na kaawaan siya nang kahit na sino dahil lang pesteng kasal na iyon. Tingin niya'y hindi niya deserving ang kaawaan—tingin niya'y ang awa ay ibinibigay lang para sa mga mahihina. At hindi siya mahina, siya si Haizel at hindi siya basta-basta babae lang—iyan ang itinanim niya sa isip niya. Ang sinabi lang ni Haizel ay kailangang magpanggap ni Riko na siya ang boyfriend nito.

"Andami mo kasing alam, eh. Akala mo naman scripted 'to," reklamo ni Riko.

"Scripted lang naman 'to, eh," sagot naman ni Haizel.

"Wala akong paki kung scripted 'to basta bilisan mo nang magmaneho r'yan dahil marami pa akong gagawin."

"Oo na, binibilisan ko na nga, eh," galit na galit na sabi ni Haizel.

***

Nagpasyang ihinto muna ni Frederick ang pag-inom ng alak upang maging maayos ang pag-uusap nila ni Haizel mamaya. Mayamaya ay nakita nitong dumating si Sandra, si Sandra naman ay palinga-linga sa paligid upang hanapin si Frederick. Nagtaas naman ng kamay si Frederick upang mabilis siya nitong makita. Napangiti si Sandra nang makita si Frederick—may napansin nga lang siyang kakaiba rito. Hindi ito nakangiti tulad sa nakasanayan. Binaliwala na lang niya iyon at naglakad na lang siya patungo sa boyfriend. Umupo siya sa tabi ni Frederick

"Ikaw, wala ka man lang pasabing umuwi ka na pala, ha. Alam mo ang sumama ang loob ko niyon." Tingin lang ang sagot ni Frederick doon, na ipinagtaka naman niya.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" tingin lang ulit ang sagot ni Frederick sa kanya.

"Ang wirdo mo, Freddy, ha. Mabuti pa mag-order muna tayo ng makakain. Gutom na rin kasi ako, eh."

Mayamaya mula sa kinauupuan ni Frederick ay nakita na nito si Haizel na pumasok mula sa entrance, ngumiti siya at tumayo, at tinawag.

"Haizel!"

Napatingin si Haizel sa kanya, ganoon di si Riko. Laking gulat ni Sandra nang makita si Haizel sa loob, at base sa mga nangyayari, mukhang inimbitaan na talaga ni Frederick si Haizel—at talagang nakakagulat iyon. Nakaramdam si Sandra ng kaba at takot. Nilapitan ni Haizel si Frederick, sinundan ni Riko si Haizel hanggang sa mapansin na ni Frederick ang lalaking kasama nito.

"S-sino siya?" tanong ni Frederick.

"Ako si Riko, boyfriend ako ni Haizel, naikuwento ka na ni Haizel sa akin, salamat nga pala, ha," pagpapakilala ni Riko rito. Nagulat naman si Haizel sa pagpapakilala nito, makatotohanan.

"For what?" takang tanong ni Frederick.

"Salamat kasi kung hindi mo iyon ginawa, siguradong kasal na kayo ngayon ni Haizel. At kapag nangyari iyon, hindi namin mare-realize na kami pala ni Haizel ang para sa isa't isa." Laking gulat ni Haizel sa mga pinagsasasabi nito. Namangha siya sa pagpapanggap nitong sila. Nakisakay na lang siya, sinabayan pa niya iyon nang ngiti. Wala namang masabi si Frederick sa binigkas ni Riko.

"Ah, Federick, ano ang mayroon?" takang tanong ni Sandra na may halong kaba. Napatayo rin siya upang makapantay ang mga kasamang nakatayo.

"Haizel, hindi iyon totoo, 'di ba?" paniniguro ni Federick, seryoso ang mukha nito. Nagulat doon sina Haizel, lalo na si Sandra, mabilis siyang napatingin sa lalaking pinakamamahal nito. Magkatinginan naman sina Haizel at Frederick. Ang mga mata ni Frederick ay iyong bang mga matang parang nagmamakaawa. Si Haizel naman ay hindi makapaniwala sa mga sinabi nito, hindi niya inakalang matapos niya siyang lokohin ay ganoong mga salita ang bibigkasin nito sa harap niya.

Halos maiyak naman si Sandra, ngunit nagpipigil lang.

Umabot ng sampung segundo ang pagtitiitgan nina Haizel at Federick, ngunit hindi nito sinagot ang tanong ng binata. Pagka-labing limang segundo ay nagulat ang lahat nang makita nilang lumapit si Federick sa harap ni Haizel at dahan-dahang lumuhod. Nagsimula nilang makuha ang atensyon ng mga tao sa loob ng bar.

"Frederick... anong gina-gawa mo...?" maiyak-iyak na tanong ni Sandra. Hindi makapaniwala sina Haizel at Sandra sa ginawa nitong pagluhod. Napatingin naman si Riko kay Haizel upang tingnan kung ano ba ang reaksyon nito. Napaisip rin siya kung ano ba ang nangyari dati at ganitong mga eksena ang nakikita niya sa ngayon.

Sa ginawa ni Frederick, nahabag si Haizel. Ang totoo niyan, hindi pa talaga niya tuluyang nakakalimutan ang lalaking ito. Kaya nahihirapan siya ngayon kung ano ba ang magiging tugon niya. Ngunit ipinangako na niya sa sarili niyang hidni na niya ito babalikan at sisiguruhin niyang pagsisisihan nito ang pangangaliwa niya.

"Haizel, patawarin mo ako, kasalanan ko ang lahat. Pinagsisisihan ko na 'yon," sa sahig ang tingin nito habang sinasabi iyan.

"Frederick, bakit mo ba iyan ginagawa?" tanong ng Sandra.

"Haizel, patawarin mo ako sa ginawa ko dati." Hindi nito pinapansin si Sandra.

E7JD굕X��

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon