Chapter 02: Ang Pagtanggap sa Katotohanan

28 3 1
                                    


Chapter 02: Ang Pagtanggap sa Katotohanan


     Dahil sa mga nangyayari, mukhang alam ko na kung ano ba ang nangyari, kung ano ba ang nangyayari at kung ano ba ang mangyayari.

     "I'm sorry pero hindi puwede, eh," tugon niya sa tanong ko.

     Pumasok ako sa loob, binangga ko siya kaya napaurong siya sa loob. Napaupo siya sa sahig at sarkastiko ko siyang nginitian. "Salamat," sabi ko.

     "Hoy! Bruha ka!" sabi nito pero hindi ko na siya pinansin. Naglakad ako patungo sa kama kung saan tingin ko ay naroroon ang hinayup*ak na iyon. Mga sampung hakbang ang nagawa ko hanggang sa makita ko nga siya, nakahiga nga siya roon, topless siya at naka-boxer short na natutulog. Nakumpirma ko ngang totoo ang mga nalaman ko.

     Hindi ako makapaniwala—si Frederick, magagawa niya ito sa akin? Paano? Hindi ko alam na kaya pala niya itong gawin sa akin.

     "Hoy babae! Ano bang ginagawa mo?" sigaw niyong bruha sa akin. Nasa may pinto siya ng master's bedroom kaya binunggo ko siya nang magtungo ako sa kusina. Nagtungo ako roon dahil may kukunin lang ako, kumuha ako ng dalawang pitcher ng tubig sa ref, iyong malamig na malamig ang kinuha ko. matapos niyon ay bumalik ako doon sa dalawa, una kong ibinuhos kay Frederick iyong isang nasa kanan kong kamay. Kitang-kita ko kung paano ang naging reaksyon niya nang sabuyan ko siya nang napakalamig na tubig. Kung comedy lang sana ang mga nangyayari, baka natawa na ako pero hindi 'to comedy kundi drama. Napabangon siya—mula sa pagkakahiga ay napaupo siya. Gulat na gulat siya pati rin iyong babae.

     "Teka, ano bang ginagawa mo?" pagalit nitong tanong. Nang unti-unti niyang naaninag ang mukha ko ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa sobrang gulat, napatayo siya at pumunta sa kabilang parte ng kama. "I-ikaw?" gulat na gulat ito.

     Tumingin ako nang napakasama sa babae, at sa kanya ko naman isinaboy ang pitcher ng malamig na tubig. Halos humiwalay ang kaluluwa niya sa sobrang lamig na naramdaman niya.

     "Mukhang kanina pa kayo nag-iinit, oras naman siguro para lumamig kayo," sabi ko at inihagis sa tabi ang pitcher. Kanina pa ako halos hindi huminga dahil sa mga nangyayari, at ngayon nakahinga na ako nang maluwag. Pero hindi pa rin maiwasang mag-init ng katawan ko dahil sa mga nakita ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sakit ng mga nangyari. Hindi ko kinakaya. Kahit gustong-gusto ko nang umiyak, hindi ko pa rin iyong kayang gawin dahil hindi ko iyon kayang ipakita sa mga taong tulad nila—at hinding-hindi ko ipapakita sa kanilang umiiyak ako.

     Napa-smirk ako nang makitang todo ang effort ni Frederick na punasan ang katawan nito gamit ang kumot ng kama. "Ayos ka lang ba?"

     "My gosh! Hindi ko 'to kaya, sobrang lamig!" maarte nitong reklamo. Tinanggal niyong babae ang tuwalya niyang Hello Kitty at saka ipinulupot ni Frederick ang kumot. Matapos niyang gawin iyon ay tumingin siya sa akin, iyong tingin naman niyong babae ay sobrang iritang-irita.

     "Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ko rito.

     "Hoy, ikaw, ano ba satingin mo ang ginagawa mo?"

     Napa-smirk ako dahil sa sinabi niya. "Baka gusto mong itanong iyan sa sarili mo?!"

     "Umalis ka na bago pa man magdilim ang paningin ko at kung ano ang magawa ko sa 'yo," pambabanta nito na talaga namang nagpadaloy ng kuryente sa buo kong katawan. Hindi ko inaakalang iyon ang sasabihin niya, hindi rin ako makapaniwalang nasabi niya sa akin ang ganoong klaseng pananakot.

     "Anong sabi mo?"

     "Hoy! Hindi pa ba malinaw sa 'yo ang lahat?" tanong nito.

     Natahimik ako, oo, malinaw na sa akin ang lahat. Pero hindi ko inakalang imbes na magpapalusot siya, iyon pa ang mga sasabihin niya—na para bang wala siyang kasalanan; na para bang hindi pumapasok sa sintido kumon niya ang kasalanan niya.

     Tiningnan ko siya nang masama. "Kung ganoon, hanggang dito na lang ba nagtatapos ang lahat?" tanong ko sa kanya.

    "Bakit ayaw mo?" tanong nito, lalong nagpainit iyon ng ulo ko. Gustong-gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas para gawin iyon.

     "Fine! Mas mabuti na rin 'to, kung ganoon salamat pala at habang hindi pa tayo kasal ay ipinakita mo na ang tunay mong kulay, akala mo ba masaya ako sa buwiset na kasal na 'to? Nagkakamali ka, hindi ko rin 'to ginusto, napapahiya nga lang ako dahil sa mga kagaguh*an mo!" sabi ko sa kanya. ayaw kong sabihing nalulungkot ako sa nangyari dahil hindi iyon kakayanin ng pride ko—hinding-hindi ko ipapakita sa ibang tao na natatalo nila ako.

     "Umalis ka na!" sigaw nito sa akin.

     "Oo, aalis ako, huwag mo akong sigawan dahil wala sa pagkatao mo ang paninigaw sa akin," hindi kumukurap ang mga mata ko nang sabihin ko iyan. Nanggigigil ako dahil sa kanila. Tiningnan ko muna sila nang nakamamatay na tingin saka ako naglakad palabas ng kuwarto. Naglakad muna ako nang naglakad nang makalabas na ako hanggang sa hindi ko na kinaya kaya tumakbo na ako—tumakbo ako patungo sa elevator at doon sumakay. May dalawa akong kasama sa loob na sa tingin ko ay magkasintahan. Nagkaroon ng kaginhawaan ang mga mata ko nang tuluyan na nitong ibagsak ang sandamakmak na litro ng luha na kanina pa nagbabadyang bumagsak.

     Gustuhin ko mang huwag iyakan ang lalaking iyon ay hindi ko magawa, sobrang sakit nang naidulot nito sa akin. Para bang mamamatay na ako dahil sa sobrang sakit. Minahal ko siya nang sobra, kaya sino bang hindi masasaktan?

     Napakasakit...

     Ilang beses kong pinahid gamit ang daliri ang mga luha ko ngunit kahit na anong pahid ko sa mga ito ay hindi pa rin nawawala ang mga markang naidulot nito sa mukha ko. Nasira na rin iyong eyeliner na inilagay ni mama sa mga mata ko—kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana liquid eyeliner na lang ang ginamit ko.

     Nagsimulang magtaka ang magkasintahan kaya tinanong nila ako kung ayos lang daw ba ako pero hindi ko sila sinagot—sobrang obvious ang sagot kaya walang dahilan para sagutin ko ang mga tanong nila.

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon