Chapter 28

11 3 1
                                    



Nasa loob kaming dalawa ni Haizel ng salas. Nakaupo kami sa sofa at kumakain nang in-order na pizza, maayos ang upo ko pero si Haizel nakapatong ang mga paa sa table na pinagpapatungan ng pizza. Isang metro ang layo ng pizza sa paa niyang hayop siya. Magkatabi lang kaming nakaupo. Kaagad kong itinulak pababa sa table ang paa niya kaya nagulo ang ayos nang pagkakaupo niya.

"Ibaba mo nga iyang paa mo, amburara mo rin, eh."

"Makatulak ka ng paa diyan, a. Puwede mo namang sabiin nang maayos, eh," galit ang tono niya.

"Tumigil ka nga r'yan, wala nang oras para ro'n, saka wala namang assurance na susunod ka kaagad, puwedeng lumipad iyong germs ng paa mo sa pagkain ano mang segundo," paliwanag ko pero ansama pa rin ng tingin niya habang panguya-nguya pa ng pizza.

"Anong walang assurance ang pinagsasasabi mo? Nasa kumpanya ba tayo?"

"Malay mo lang naman, mataas ang pride mo at ayaw mong utusan, I mean, ayaw mong ipakita sa akin na ganoon ka kadaling utusan, malay ko ba. Anyway, mabuti pa 'wag na tayong magtalo tungkol diyan, kumain na lang tayo. Saka puwede ba, insurance iyon, hindi assurance."

Tumingin lang siya nang masama sa akin then tumigil din at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Malamang nahiya rin iyon sa fact na sinabi ko. Bigla ko lang naalala iyong dalawang mga baliw sa pag-ibig na sina Sandra at si Frederick.

"Haizel, tingin mo kaya si Frederick ang may kagagawan niyon?" tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya, naging seryoso siya. Naging mabagal din ang pagnguya niya n'ong pizza.

"Sa totoo lang kasi, ayaw ko ring mag-judge kasi wala naman talaga akong nalalaman, ang totoo niyan wala naman talaga akong pakialam sa kanila, naiintriga lang talaga ako."

"Huwag mo rin akong tanungin, dahil katulad mo, wala rin akong alam, at ayoko ring mangusga na wala namang nalalaman."

"Iyong pagkakakilala mo lang naman kay Frederick, ano bang klase siyang tao?"

"Anong klase siyang tao? Noong una, mabait at ni hindi pumasok sa isip ko na kaya niyang magloko. Pero, lahat talaga nagbabago, kahit ang kalikasan nagbabago. Lahat ng bagay, material man o hindi, nagbabago. Ikaw ang inaapi sa isang araw, minsan naman ikaw ang magmimistulang nang-aapi sa mga susunod na araw, bahagi na ng buhay ng tao ang pagbabago. Walang tao sa mundo na buong buhay niya, siya ang bida at mabait at ang iba naman ang masama. Minsan ikaw naman ang nagiging kontrabida at masama sa iba. Kaya satingin ko, kung ano man ang personality niya dati, hindi mo na iyon puwedeng i-ugnay ngayon."

"Tingin mo ba, sa nangyayari ngayon, sa pagitan niyong dalawa ni Sandra, sa pagkakataong 'to, ikaw ang kontrabida?"

Tumingin siya sa akin. "Ikaw, tingin mo ba ganoon ako sa pagkakataong 'to?"

"Ginusto mo ring mangyari sa kanila iyon dahil gusto mong maghiganti sa kanila, kaya satingin ko ganoon na nga. Pero ganunpaman, ikaw na rin ang nagsabi na walang tao sa mundo na sa lahat ng pagkakataon ay naging mabait."

Tinanggal niya ang tingin niya sa akin. "Akala ko magiging masaya at panatag ang kalooban ko kapag nangyari iyon sa kanila, pero nakokonsiyensiya ako dahil ginusto kong sirain ang relasyon nila."

"Normal lang na makonsiyensiya ka, pero normal din na gustuhin mong mangyari iyon sa kanila, dahil nasaktan ka. At siyempre gusto mo rin nang hustisya, hindi naman puwedeng magko-commit ka lang ng sin na walang katumbas na punishment, at nangyayari na iyon sa kanila."

"Gusto ko nang putulin ang ugnayan ko sa kanilang dalawa, tutal nangyari na 'yong bagay na gusto kong mangyari. Sabihin na nating hindi sila dumaan sa buhay ko, sabihin na nating hindi ko sila nakilala sa buong buhay ko, sabihin na nating wala kaming nakaraan at walang nangyaring anuman sa aming tatlo."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, siguro naubusan na rin kami ng sasabihin. Napansin ko ring wala nang laman ang bibig ni Haizel kaya sinalpakan ko iyon ng pizza.

"Ayan, kumain ka pa, tigilan mo na ang pag-iisip sa mga iyon, kumukulubot na iyang mukha mo dahil sa stress."

Kita kong kumulot ang kilay niya, malamang nabuwiset iyon sa pagsalpak ko sa bibig niya ng pizza. Nginuya muna niya iyon at nilunok saka nagreklamo.

"Ikaw kaya 'tong nag-umpisang ipaalala iyon sa akin, ikaw ang may kasalanan, e."

"O eh di ako."

Ambili ng kamay niya, bigla rin niya akong sinalpakan ng pizza sa mukha, yes, sa mukha talaga at hindi sa bibig. Peste siya.

"Letse, ano 'tong ginawa mo?"

"Kasalanan mo iyan, akala mo ba nagustuhan ko iyong ginawa mo, ayan ang ganti ko."

"letse ka talagang babae ka."


Isang linggo ang lumipas...

Tinawagan ko si Frederick para makipagkita sa isang restaurant, hindi ko sinabi sa kanya na kasama ko ang mga magulang niya, alam ko kasing hindi iyon susulpot kapag sinabi ko. Kinausap ko na rin sina Mama't Papa na darating ngayon ang lalaking iyon na sumira sa kasal namin. Ipinaliwanag ko na rin kasi sa kanila ang lahat at hindi naman mahirap para sa kanila na paniwalaan ako. nakaupo na ako kasama sina Mama't Papa, hinihintay na lang namin ang anak nila. Dahil nakaharap ang puwesto ko sa main door, kaagad kong nakita si Frederick na pumasok doon, inilibot ang tingin sa paligid upang hanapin ako at nakita nga niya ako, mayamaya ay ang mga magulang naman niya ang napansin niya kaya naging seryoso ang mukha niya, malamang dismayado siya.

"Nandyan ka na pala, Frederick," parinig ko. Napatingin sila sa likod nila at nakita nga nila roon ang anak. Napabuntong-hininga na lang siya sa pagkainis. Naglakad siya palapit sa amin at saka naupo sa tabi ko.

"May sasabihin si Sandra na importante kaya niya tayo ipinatawag rito." Napaisip si Frederick sa sinabi ng tatay, tiningnan niya si Sandra na noong ay nakatingin din sa kanya.

"Ano naman ang kasinungalingang sasabiin mo?"

"uwag mo siyang pagsalitaan nang ganyan, Frederick. Nandito siya para liwanagin ang lahat."

"Ano pa bang kailangan mong iliwanag?" naiirita niyang tanong rito. "uwag niyong sabiing nagpapaniwala kayo sa babaeng 'to, lahat nang manggagaling sa bibig niyan ay puro kasinungalingan."

"Tumahimik ka r'yan, Frederick" mataas ang boses ng tatay nitong sabi sa kanya.

еpM\

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon