"Mukhang umiiyak yata," sabi ng lalaki na nasa likod ko, nasa kanan naman niya ang nobya niya.
"Oo nga, eh, kawawa naman. Baka hindi sinipot ng groom," tugon naman ng nobya niya. Hindi ko alam kung nagbubulungan ba sila o ano pero kung nagbubulungan man sila, hindi naman masyadong halata iyon. Tumingin ako nang masama sa kanila, nagulat sila. Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang pag-iyak ko.
Ang lalaki iyon, hindi ko siya mapapatawad, itataga ko sa bato, sisiguraduhin ko sa kanyang pagsisisihan niya ang araw na 'to, sisiguraduhin ko sa kanyang pagsisisihan niya at pinakawalan pa niya ako.
Makalipas ang ilang oras ay nagtungo ako sa isang park, para akong white lady roon, at nasa baba lang ang tingin ko. paano ko siyang hindi makakalimutan instantly eh ganoon ko siya ka-mahal, mahal na mahal ko siya tapos ganoon lang pala siyang klaseng lalaki? Nawawala na rin ako sa sarili ko at minsan nga'y pumapasok sa isip ko ang magpakamatay na lang pero hindi ako ganoon katanga para gawin iyon. Nasa baba lang ang tingin ko habang naglalakad. Ang utak ko naman ay na-stock pa rin sa pangyayari kanina. Naisip ko ring umuwi kaya ginawa ko nga, kailangan kong tumawid ng kalsada at ginawa ko nga pero hindi pa man ako tuluyang nakakatawid ay nagulat na lang ako nang biglang may ilaw na parating papalapit sa akin, napapikit ako sa sobrang liwanag niyong ilaw. Galing iyon sa kotse at kahalating metro na lang ay masasagasaan na ako, pasalamat na lang siya at naka-preno siya kaagad dahil kung hindi pahihirapan ko talaga siya. Napaupo ako sa kalsada dahil sa gulat, akala ko kasi mamamatay na ako.
Mayamaya'y namatay na rin ang ilaw ng kotse at may bumaba nga roon na lalaking naka-suit.
"Ah, okay ka lang?" tanong nito. Nagsimula kaming libutan ng mga usisero at usisera, hindi naman nakakatulong sa problema.
"Puwede ba huwag mo nga akong tanungin ng mga tangang tanong, naiirita ako sa mga ganyan, eh."
"Ah, kailangan mo ng tulong? Dalhin na kita sa ospital."
"Hindi na, kaya ko pa naman." Bumangon ako, pinagpag ko rin ang puwetan ng damit ko saka kamay ko. "Sa susunod, tumingin ka naman sa dinadaanan mo, puwede kitang kasuhan ng attempted murder dahil sa ginawa mo."
"Excuse me, ikaw kaya 'tong biglang tumawid ng kalsada na parang wala sa sarili. At saka, wala ka sa pedestrian lane just to inform you."
"Ah basta, huwag ka na ngang sumagot," galit ako. Sa galit ko kay frederick baka ito pa ang mapagbuntungan ko. naglakad na ako patawid.
"Tsk, ano ba iyon, mangkukulam?" bulong pa niya. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya nang masama.
"May sinasabi ka?"
Umiling lang siya.
Isang taon ang nakalipas...
Unti-unti na akong nakakapag-move on sa nangyaring iyon—sa araw na kung saan ay masasabi kong ang pinakamiserableng araw ng buhay ko. Ginawa ko ang lahat para makalimutan siya nang tuluyan pero nabigo ako. Ang totoo niyan, ultimate crush ko siya since high school kaya nga noong college kami ay sobrang tuwa ko nang niligawan niya ako, umabot sa dalawang buwan ang panliligaw niya at sinagot ko rin siya kaagad, nagpakipot lang ako ng dalawang buwan pero ang totoo niyan ay kahit na hindi siya manligaw sa akin ay sasagot at sasagutin ko pa rin siya.
Ang akala ko bago ang araw na ito, April 4, 2016 ay tuluyan ko na siyang makakalimutan pero hindi pa pala. Nakakainis lang, ipinapakita ko sa lahat ng tao na matagal ko na siyang nakalaimutan—ah mali, ipinapakita ko pala sa kanila na hindi ako apektado nang nangyaring iyon pero katunayan, hindi ko pa rin siya lubusang nakakalimutan. May maliit pa ring espasyo sa puso ko na nagsasabing mahal ko pa rin siya. Pero ayoko na siyang balikan dahil ayaw kong maging cheap, sisiguruhin ko sa kanyang magsisisi siyang pinakawalan niya ako.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...