Haizel's POV
Nagpasya na lang akong pumunta roon sa unggoy na si Sandra. Nakakaawa nga pala ang sinapit niyon kagabi kaya pagbigyan natin. Nasa restaurant na ako ngayon na tulad sa sinasabi niya at nakita ko nga siyang nakaupo sa tabi ng side mirror na wall. Mukhang hinihintay niya ako.
Ngumiti ako nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya, hindi siya ngumiti basta seryoso lang ang mukha niya. Fame whore, eh noh.
Ipinapakita ko sa kanyang masaya na ako sa kung ano ang mayroon ako. Ayaw kong ipakitang malungkot pa rin ako hanggang ngayon—pero, hindi talaga ako malungkot.
Naglakad ako palapit sa kanya at umupo nga sa upuan na nasa harap niya. Table ang nasa gitna namin. Coffee lang ang in-order namin.
Umihip muna ako ng coffee saka sinumulang magtanong. "Ano ba iyong sasabihin mo?"
"Buntis ako, at si Frederick ang ama."
Medyo nabigla ako—medyo lang, ha. Hindi ko lang pinahalata iyon sa kanya.
"Aha," sabi ko na para bang sinasabing 'continue'.
"At ikakasal na kami sa susunod na linggo," sabi pa niya. Medyo nabigla rin ako sa sinabi niyang iyan, hindi ko alam kung bakit pero para bang may something sa akin na nagsasabing kailangan kong maging malungkot. Ang ibig sabihin ba nito, nakaramdam ako ng lungkot dahil ikakasal na siya?
Ah hindi, wala na akong nararamdaman sa lalaking iyon kahit na katiting kaya hindi ako dapat malungkot.
"Kung iyan lang naman ang sasabihin mo, sana sinabi mo na lang iyan sa phone, pasalamat ka at nag-roll back ang gasolina ngayon araw."
"Hindi pa iyon ang sasabihin ko, gusto ko sanang gawin kang make-up artist ko sa darating na linggo, alam kong magaling kang make-up artist."
Nag-isip ako kung tatanggapin ko ba iyong alok niya. Kung iisipin, wala namang dahilan para tumanggi ako, matagal na rin kasi na panahon nang huling may kumuha sa aking make-up artist. Aaminin ko, hindi ako ganoon kagaling pero ginagawa ko naman ang best ko. Ngumiti ako.
"Oh sige ba, payag ako. Hindi ka nagkamali ng taong nilapitan, hindi kita bibiguin."
"Gusto ko sanang kalimutan mo na si Frederick."
Napa-smirk ako sa sinabi nya, sinundan ko rin iyon ng ngiti at mahinang tawa. "Ako? Matagal ko nang ginawa iyon. Pansin ko ngang mukhang gusto niya ulit ako. Pero huwag kang mag-alala, dahil hindi mo naman ako katulad. Hindi ako cheap para gawin iyang iniisip mong gagawin ko," sabi ko at sinundan ko iyan ng isang sarkastikong ngiti.
Halata ko naman sa mukha niya ang pagkainsulto.
"Tumigil ka na, hindi ko siya inagaw sa 'yo, dahil sa akin talaga siya."
"Okay, kung iyon ang paniniwala mo eh may magagawa pa ba ako?"
"Hindi ako nandito para makipag-away sa 'yo, kaya huwag kang magsimula."
"Ah okay, sorry."
Tumayo siya para umalis. "Oh sige, magkita na lang tayo sa Monday, huwag mong kakalimutan. Aalis na ako," sabi nito sabay alis na nga. Sinundan ko naman siya ng tingin. Ano kayang tumatakbo sa isip niyo at naisipan niyang gawin akong make-up artist niya? Siguro gusto niya akong mamatay sa selos. Tsk, sinong mamamatay? Sira ba siya?
Amboring ng buhay nila. Ayoko nang ganoon, mas gusto ko pang tumalon sa Maria Christina falls kaysa sa kung anong klaseng buhay ang mayroon sila. Tsk.
***
Nakabantay lang si Frederick sa labas ng subdivision, alam kasi niyang makikipagkita sa kanya si Sandra. Nakasakay lang siya sa kanyang kotse habang naghihintay. Ang totoo niyan, hindi siya naniniwalang buntis si Sandra, satingin niya'y inimbento lang niya iyon para hindi niya siya hiwalayan. Pero, sa sitwasyon niya ngayon, para siyang nasa isang tulay na kahit na anong oras ay maaaring malaglag at mamatay. Kung mangyayari ngang makasal siya kay Sandra ay satingin niya'y para na rin siyang namatay. At hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya ngayon para hindi matuloy ang kasal nila lalo na't hindi niya puwedeng suwain ang mga magulang niya sa pagkakataong 'to. Nakakaramdam din kasi siya ng konsiyensiya at ng hiya sa ginawa niya sa una nitong naging bride na si Haizel.
Habang naghihintay siya ay nag-isip na rin siya sa kung ano kaya ang puwede nitong gawin. Mayamaya ay nakita nga nito si Haizel na nakasakay sa sariling kotse kaya sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa isang restaurant.
Naghintay lang siya sa labas hanggang sa nakita nga nitong naunang lumabas si Sandra. Ang sama pa ng tingin nito habang sinusundan ng tingin si Sandra. Pumasok siya sa restaurant makaraan at nilapitan si Haizel, umupo ito sa inupuan kanina ni Sandra. Wala namang reaksyon si Haizel nang makita siya.
"Kamusta ka na?"
"Okay naman ako," sagot nito na parang hindi niya ex ng kausap.
"Anong sinabi ng babaeng iyon?" Nangirindi si Haizel sa sinabi niya.
"Babaeng iyon? Sandra ang pangalan niya, 'di ba?"
Nakaramdam naman si Frederick ng pagka-guilty sa harap ni Haizel. "Oo, Sandra nga."
"Well, sinabi lang naman niyang buntis siya at ikakasal na kayo next week," sabi ni Haizel. Nakaramdam ng pagkainis at pagkagalit si Frederick. Naiinis siyang sinabi na kaagad iyon ni Sandra gayong wala naman itong kasiguruhhan kung dadalo nga siya sa nasabing kasal. Naiirita rin siya sa pagsabi nitong buntis siya. Kahit na hindi naman iyon totoo.
"Haizel, huwag kang maniwala sa kanya, hindi siya buntis. Desperada lang ang babaeng iyon, sinabi lang niya iyon para hindi niya ako hiwalayan," may tonong pagmamakaawa na paniwalaan niyang sabi.
"Ano naman ngayon kung ganoon nga? Ano naman ang pakialam ko?"
"Haizel, please lang, maniwala ka."
"Okay, naniniwala ako," sabi nito upang matigil na sa talkshit ang lalaking nasa harap niya. At alam naman iyon ni Frederick, kaya disappointed siya.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan nang titigan ni Frederick si Haizel. Isang seryosong titig na parang nagsusumamong patawarin na siya sa nangyari noong nakaraang taon. Napalunok si Haizel sa tingin na iyon ni Frederick, kaagad pa niyang naiilag ang tingin sa baba matapos ang limang segundo nilang pagtititigan.
Naging seryoso ang mukha ni Haizel dahil doon.
"Sa totoo lang wala tayong dapat na pag-usapan, kaya sabihin mo na ang mga bagay na sasabihin mo," sabi nito na sa baba lang ang tingin.
"Haizel, tumingin ka sa mga mata ko. Gusto kong magsimula tayo ulit."
Bumibilis ang tibok ng puso ni Haizel, hindi dahil nai-in love siya kundi dahil sa sobrang galit sa lalaking kaharap.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...