Chapter 17

9 3 0
                                    



Biglang kinilabutan si Riko sa ngiting iyon ni Haizel. Nakakapanibago lang kasi na matapos itong halos umiyak na eh bigla na lang ngingiti. Biglang iba tuloy ang naisip ni Riko dahil doon.

"Oh bakit?"

Habang pinagmamasdan ni Haizel si Riko ay ngayon lang niya napansin ang napakaguwapong hitsura ni Riko. Guwapo naman ito nang una niya itong makita pero ngayon lang niya na-appreciate ang guwapong iyon. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya, nagpipigil siya ng ngiti dahil sa hiya pero hindi talaga niya mapigilang mapangiti. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso nito, na katulad sa naramdaman nito kahapon.

Iginilid niya sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng kanyang buhok habang nagpipigil ng ngiti. Pagtataka naman kay Riko ang idinulot niyon. Napapakulot pa ang kilay niya.

"Nababaliw na ba ang babaeng 'to?" tanong nito sa isip. Gusto sana niyang itanong iyan kay Haizel pero nagdadalawang isip siya.

"Teka lang bakit ba ako nahihiya sa 'yo, oh my god," sabi ni Haizel na kung saan-saan ang tingin. Hindi kasi niya kayang tingnan sa mga mata si Riko. "Teka, may joke ka, 'di ba? Parinig naman."

"Huh?" taka ni Riko. "Ah, excuse me, ah. May kukunin pala ako sa taas," sabi nito sabay akyat na roon. Sinundan siya nang tingin ni Haizel habang in love na in love.

Nang mawala na sa paningin niya si Riko ay saka siya nahimasmasan. Nagulat siya sa nagawa.

"Teka lang? Talaga ba talagang in love na ako sa kanya? Ano iyon, instant?" biglang-bigla nitong reaksyon. Hindi siya makapaniwalang ginawa niya iyon. Ganoon lang talaga ang nagiging reaksyon nito kapag nai-in love siya. Parang nawawala siya sa sarili at bumabalik sa pagka-teenager.

Mabilis niyang nai-shake ang ulo niya bilang tanda na hindi niya iyon puwedeng gawin. Kailangan niyang tuparin ang number six sa kontratang siya mismo ang gumawa. Ni hindi pa nga umaabot ng isang araw ang kontratang iyon tapos siya pa mismo ang magdi-disobey n'on?

>>>

Pinag-usapan nina Sandra at Mrs. Lacson ang tungkol sa kasal at nabanggit nga ni Sandra ang muling pagnanasa ni Frederick kay Haizel. Pero hindi lang iyon, dinagdagan pa nito ang kuwento at sinabi nga niyang "inaakit" "ulit" ni Haizel si Frederick at pilit silang pinaghihiwalay. Sinabi pa nitong bini-brainwash ni Haizel si Frederick. Dahil naman doon ay nagpasyang magtungo sa bahay nina Haizel si Mrs. Lacson, at dahil nga wala na ro'n si Haizel ay ang mama ni Haizel ang nakausap nito. Itinanong ni Mrs. Lacson kung nasaan si Haizel dahil may pag-uusapan lang sila, nagtaka pa si Melissa kung bakit nito gustong makausap ang anak. Sinabi naman ni Mrs. Lacson pero hindi ang totoong dahilan.

Alam kasi niyang kung sasabiin niya ang totoo ay hindi nito papayagang magkita sila ni Haizel. Sinabi nga sa kanya ni Melissa kung nasaan ito.

Tinungo nga ni Mrs. Lacson ang sinabing kinaroroonan ni Haizel. Nag-doorbell siya, mayamaya ay isang guwapong lalaki ang lumabas ng gate upang pagbuksan siya. "Sino po kayo?" tanong ni Riko, magalang ang pagkakatanong nito.

"Ako si Mrs. Lacson, gusto ko sanang kausapin si Haizel, nandiyan ba siya?"

"Ah, si Haizel. Nasa loob siya, pasok kayo," sabi ni Riko at saka binuksan nga ang gate.

"Anlakas pala ng loob ng babaeng iyon na akitin pa an anak ko gayong may fiancé na pala siya? Antigas ng mukha niya, sigurado akong gusto lang niyang gantihan si Frederick," sabi sa isip nito habang naglalakad papasok sa maging door. Dinala siya ni Riko sa may salas. Umupo siya roon sabay tawag naman ni Riko kay Haizel

"Haizel, may bisita ka, Mrs. Lacson ang pangalan," tawa niya. Nanlaki ang mga mata ni Haizel nang marinig iyon. Nasa loob siya ngayon ng inaangking kuwarto at nakahilata sa kama dahil walang magawa. Napabangon siya at simulang kabahan. Kahit na nasa baba si Riko nang tawgain siya nito ay narinig pa rin niya iyon, hindi naman kasi ganoon ka naka-sealed ang kuwarto para hindi mag-travel ang particles niyong sound.


I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon