"Hoy, Riko, totoo ba iyang sinabi mo kanina?" medyo naiilang nitong tanong.
"Sinabi ko kanina? Alin doon?"
"Iyong ano... iyong kanina, iyong tungkol sa ano, iyong awkward na sinasabi mo kanina."
"Ah, iyong ano, ah oo, totoo nga iyon. Totoo naman talaga iyon."
"Pilosopiya mo ba talaga iyon? O baka naman hanggang sabi mo lang iyan."
"Huh? Bakit imposible na bang may ganoong prinsipyo sa buhay? Actually, parang mas tugma ngang sabihin iyong salitang common sense kaysa sa prinsipyo. Hindi kasi lahat ng tao ay may pare-parehong prinsipyo, pero lahat may pare-parehong common sense."
"Tama ka, common sense nga iyon. Hindi lahat ng common sense eh ina-apply. Ikaw ba ina-apply mo iyon?"
"Iyon? Siyempre naman, hindi naman mahirap gawin iyon, e. Bakit ba ganyan ang mga tanong mo? Parang ngayon ka lang nakakita ng ganito, a."
"Ah hindi naman. Ah nakakamangha lang naman."
"Alam mo kung anong magandang panoorin?" tanong ni Riko.
"Ano?
>>>
Nanonood kami ngayon ng Donald Duck. Kita ko sa mukha niya ang pagka-entertain dahil sa pinapanood. Nayon lang ako nakanood ng Donald Duck dahil noong bata ako ay laging Tom and Jerry at Looney Tunes ang pinapapanood sa akin nina Mama't Papa kaya hindi ko nasubaybayan si Donald Duck o kahit na sino sa Mickey Mouse Club. Nakaka-entertain nga si Donald Duck lalo na kapag nagsasalita siya habang naiinis. Kahit hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi niya eh natutuwa pa rin ako—lalong-lalo naman si Riko.
>>>
Taltlong araw na lang ay ikakasal na sina Sandra at Frederick, ilang ulit nang tinawagan ni Sandra si Frederick ngunit ayaw nitong sumagot. Ayaw ni Federick na magparamdam sa kanila. Unang-una ay dahil ayaw niyang makipag-usap sa mga ito dahil sa galit siya. Pangalawa, hinding-hindi siya sisipot sa kasal katulad sa ginawa nito kay Haizel. At pangatlo, nag-iisip siya ng paraan para walang matuloy na kasal. Iniisip nitong kailangan niyang siraan si Sandra sa mga magulang niya. Alam kasi nitong gusto ng mga magulang niya si Sandra kaya mahihirapan siyang makumbinsi ang mga ito na huwag na lang siyang magpakasal.
At kung magagawan niya ng paraan para siraan si Sandra sa mga magulang ay tiyak ng magiging ligtas na siya sa mula sa iniisip na miserableng buhay. Kailangan nitong mag-isip ng paraan hanggang sa napangiti na lang siya dahil sa masama at magandang ideyang pumasok sa isip niya. Sa kaso niya ngayon, walang dudang isa na rin siyang desperado katulad kay Sandra. Sa ipinapakita nila'y mukhang wala na talaga silang pinagkaiba ni Sandra katulad sa sinabi ni Haizel.
Tinitingnan lang ni Frederick ang cellphone na nag-ri-ring sa center table sa salas ng bagong apartment na tinitirhan. Si Sandra ang tumatawag. Napagniti si Frederick kayat sinagot niya ito. "Hello," sagot niya.
"Nasaan ka na ba, Freddy? Magpakita ka sa amin," galit ang boses nito. Mukhang napaparaning na siya.
"Oh sige, gagawin ko iyan."
Napangiti si Sandra sa tuwa dahil sa sinabing iyan ni Frederick. "Totoo ba iyan?"
"Bakit naman ako magbibiro?"
"Kung gano'n salamat."
"Pero bago iyan, puwede mo ba akong puntahan dito sa bago kong apartment? Kailangan kita ngayon, eh."
"Oo ba, ngayon na ba?" sabik nitong tanong.
"Oo, mismo, bilisan mo lang, ah."
Ibinaba na nila ang kani-kanilang phone. Matapos kay Sandra ay may tinawagan naman siya. "Hello, Gary, puwede ba akong makiusap sa 'yo ngayon?"
"Ano?"
Sinabi nga niya ang lahat ng binabalak niya at sumang-ayon naman doon si Gary.
Sabik na sabik si Sandrang makitang muli si Frederick. Satingin niya'y magkakaayos na silang dalawa. Nag-doorbell siya sa apartment unit sa may fifteenth floor ng building. Kitang-kita sa mga mata nito ang pananabik. Si Frederick ang bumukas ng pinto na mabilis namang niyakap ni Sandra dahil sa sobrang pananabik at saya. Napaluha pa siya sa sobrang saya. Hindi iyon ikinatuwa ni Frederick, gusto sana niya itong itulak pero nagpigil na lang siya alang-alang sa pinaplano niya. Kinamumuhian na niya ngayon si Sandra, sa paniniwala niya'y ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Haizel. Ni hindi niya sinisisi ang sarili niya. Satingin niya'y si Sandra lamang ang sisihin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Dinala niya si Sandra sa salas at doon nakahanda ang dalawang baso ng champagne at dalawang slice ng cake. Lingid sa kaalaman ni Sandra, may halong pampatulog sng inuming nakalaan para sa kanya. Kasama iyon sa pinaplano ng Frederick.
Magkaharap sila ngayon sa sofa at nakatingin sa isa't isa. Walang ibang nasa puso ngayon ni Sandra kundi ang kaligayahan dahil sa inaakalang pagababago ni Frederick sa kanya. Ni wala man lang siya kamalay-malay sa naka-ambang panganib sa mga susunod na oras o ng sandali.
"Inihanda ko 'to para sa 'yo, Sandra. Sana magustuhan mo."
"Freddy, lahat ng effort mo magugustuhan ko. kahit wala kang gawin, basta't nasa tabi lang kita, okay na iyon."
"Talaga? Oh have a drink," sabi pa niya habang kinakabahan. Kinakabahan siya na baka mabisto siya nito.
Ngumiti ang kawawang si Sandra at kinuha nga ang champagne atsaka ininom. Naniningkit pa ang mga mata ni Frederick habang pinagmamasdan ang bawat paglunok ni Sandra sa iniinom. Matapos uminom ni Sandra ay muli niya itong ibinalik sa center table. Tumayo si Frederick at biglang binuhat si Sandra. Nagulat si Sandra sa ginawa niyang iyon. "Teka anong ginagawa mo?" tanong nito na kinikilig pa.
"Malalaman mo rin."
Dinala ni Frederick si Sandra sa kuwarto. Tumigil siya sa paglalakad at nagtinginan sila ni Sandra nang nasa paanan na sila ng kama. "Tingin mo anong susunod na mangyayari?"
Hindi sinagot ni Sandra ang tanong na iyon sa halip ay sinungggaban niya ito ng halik. Nakisama na lang doon si Frederick dahil iyon lang ang puwede niyang gawin. Habang nasa kalagitnaan sila ng paghahalikan ay nakaramdam ng kakaiba si Sandra, mukhang ngayon na umeepekto ang pinainom ni Frederick sa kanyang champagne.
"Anong nangyayari, Frederick?" nanghihina nitong tanong.
"Inaantok ka ba? Gusto mo bang matulog?" tanong ni Frederick.
Inihiga niya ito saka at tinabihan. Pareho silang nakaharap sa isa't isa dahil naka-side view ang pagkakahiga nila. Magkatitigan lang sila, unti-unting ngumiti si Sandra. Napilitang ngumiti rin si Frederick hanggang sa makitang niyang unti-unti nang pumikit ang mga mata ni Sanda. Nang tuluyang bumagsak ang mga mata nito'y muling naging seryoso ang mukha niya. Bumangon siya at kasunod niyon ay ang pagtunog ng doorbell. Binuksan iyon ni Frederick at pinapasok nga ito, si Gary. Dinala niya ito sa kuwarto kung saan naktutulog si Sandra.
"Seryoso ka na ba talaga, Pre?"
"Mukha ba akong hindi seryoso? Tama lang 'to sa kanya."
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...