Chapter 21: Ang Maitim na Balak

8 3 0
                                    




"Bahala ka."

"Maghubad ka na, bilisan mo baka magising pa iyan." Mabilis nga niya iyong ginawa, boxer short lang ang itinira niyang suot. Habang nagtatanggal ng mga kasuotan si Gary ay sabay namang hinubaran ni Frederick si Sandra, pero hindi naman totally na hinubaran. Tinanggal lang niya ang outer clothes nito, hindi niya tinanggal ang sando nito. Hindi na rin naman ginalaw ni Federick ang sa may ibaba.

Tumabi si Gary kay Sandra sa pagkakahiga.

Bali, may puting telang tumatakip sa may dibdib ni Sandra pababa, balikat at mukha lang niya ang kita. Pumailalim din si Gary sa puting kumot ni Sandra ngunit kita pa rin ang katawan nito. Ang nakatakip lang ay sa may hips nito pababa. Habang nakahiga si Gary ay niyakap pa niya si Sandra para mas maganda sa mga litrato ang magiging resulta ng pinaplano nila ni Frederick. Kumuha ng maraming litrato si Frederick upang ipakita sa mga magulang.

Ito ang pinaplano ni Frederick, ang i-set up si Sandra sa mga magulang niya nang sa ganoon ay magkaroon ng lama tang kagustuhan nilang ipakasal ang kanilang anak sa babaeng iyon. Matapos kumuha ng mga shots si Frederick ay pinauwi na rin niya si Gary. Siya naman ngayon ang nagtanggal ng damit at tumabi kay Sandra nang sa ganoon sa paggising nito'y hindi ito magduda at magtaka kung bakit ganoon ang mga nangyari.

Pagkagising nga ni Sandra'y mukha kaagad ni Frederick ang nakita niya. Gising si Frederick at nakangiti ito. "Ano bang nangyari?" tanong ni Sandra at napangiti na rin siya, "nilagyan mo ba ng—" Pinatahimik siya ni Frederick sa isang pigil lang ng daliri nito sa kanyang labi.

"Bakit mo pa ba kailangang gawin iyon? Nakakainis ka," sabi ni Sandra.

"Hindi ba dapat?"

"Alam mo, Freddy, excited na ako sa kasal natin. Hindi ako makapaghintay."

"Talaga? Maghintay ka, siguradong magiging masaya ang kasal natin sa Linggo. Ipinapangako ko iyan."

Magkasamang umuwi sina Sandra at Frederick sa bahay ng mga Lacson. Laking tuwa nga ng mga ito nang makitang umuwi na ang sawakas ang anak. Pero mas natuwa sila nang malamang pumapayag na siya sa kasal ng walang anumang reklamo.

Unang bahagi pa lang iyan ng plano ni Frederick, mas magiging intense ang pangalawa at huling bahagi nito.

<<<

Samantala, nasa inaangking kuwarto si Haizel at nagpa-practice para sa pagme-make up nito sa mukha ni Sandra. Mukha niya ang pinagpraktisan niya at para sa kanya'y ayos na iyon. pero hindi siya kuntento, gusto niyang ibang mukha ng tao ang pagpraktisan niya. Sino pa nga ba ang unang papasok sa isip niya kundi ang nag-iisang kasama nito sa bahay na si Riko. Bumaba siya kasama ng make up kit at dinala sa salas kung nasaan si Riko. Halos hindi na nga umalis si Riko sa sofa dahil wala naman siyang magawa maliban sa mahiga roon magdamag.

Bumangon siya nang makita si Haizel. "Ano iyan?" tanong nito.

"Make up kit?" parang nagtatanong pa nitong sagot it means namimilosopo siya.

"Ah talaga?" sagot naman ni Riko na mukhang iritado. -_-

"Can I ask a favor?"

"You can but you may not depending it on what favor you are asking," bawi naman nito.

"Nagpa-practice kasi ako, alam mo na."

"Practice? Hindi ko alam, eh. Ano ba iyon?"

"Make up."

"And then?"

"Gusto ko sanang pag-praktisan iyong mukha mo, eh."

"Huh? Ako?" tanong niya sabay tingin sa paligid just to make sure kung siya nga ba talaga ang tinutukoy nito.

"Oo, ikaw nga."

"Ayoko," sagot nito sabay cross ng mga kamay.

"Sige na, ngayon lang naman 'to, eh."

"Baka nakakalimutan mong may may kontrata tayong "no touch" na dapat na sundin."

"Hoy, excuse me, hinawakan mo kaya ang kamay ko sa harap niyong matandang babae."

"Ibang case naman iyon, eh."

"Walang iba-ia, pare-pareho lang iyon. at saka sige na naman, pumayag ka na. ang cute ko kaya, hindi ka ba naaawa?" pagmamakaawa nito.

"Tsk, tumigil ka nga riyan."

"Sige na po."

"Ayoko."

"Sige na."

"Ayoko."

"Please."


Haizel's POV

Magkaharap na kami ni Rko ngayon, pinipinturahan ko na ang mukha niya. Opo, napilit ko po siya.

Ako pa?

Makinis kasi ang mukha niya at wala siyang gaanong pinagkaiba sa mukha ng babae kaya ang sarap pinturahan ng mukha niya. "Ayusin mo iyan, ha. Dapat maging kasing ganda mo ako."

"Tumigil ka nga, walang makaka 'sing ganda sa mukha ko. Unique yata 'tong beauty ko."

"Hay oo na, wala ka bang sense of humor?"

"Ay nagbibiro ka pala? Sareeh"

Sobra isang oras din ang lumipas nang matapos ko na nga ang lahat. Alam kong maganda ang pagkaka-make up ko sa kanya. Masyado nga lang masagwang tingnan sa kanya dahil lalaki siya. Iba naman kasi ang opposite gender, 'di ba?

Pero kung sa mismong babae ko 'to in-apply, pretty sure, maganda 'to. Ang galing ko talagang magmake-up.

"Anggaling ko talaga," sabi ko pa.

"Talaga? Maganda ba? Paabot nga niyong salamin, gusto ko ring makita," sabi niya at inabot ko nga iyon sa kanya.

Nang tingnan niya ang mukha niya sa salamin, nakita kong nagulat siya. "Bakit ampangit? Nagmukha akong bakla. Ang pangit grabe, hindi ko ma-take. Ang sagwa ng hitsura ko."

"Ikaw lang ang pangit, pero kung papansinin mo iyong make up ko, the best iyan."

"Ah talaga?"

"Ano satingin mo? Maganda ba?"

"No comment, wala akong masabi dahil wala naman akong alam pagdating sa mga ganitong bagay kaya ayoko ring mag-judge. Pero, siguro bawas-bawasan mo lang iyong pagka-red ng lipstick, mukha akong bibe dahil sa lipstick mo, eh," sabi niya.

Tinawanan ko na lang iyong sinabi niya, then pinagmasdan ko nga nang maayos ang mukha niya. And then sa pagmamasid ko sa mukha niya ay bigla na lang akong natawa dahil ngayon ko lang na-realize na mukha nga pala talaga siyang bibe. Nakakatawa grabe, sobrang nakakatawa. Parang kinagat ng bubuyog ang labi niya.

Pramis, kapag nakita niyo iyon matatawa talaga kayo as in.

"Hoy, tumigil ka nga riyan, huwag ka ngang tawa nang tawa r'yan" ignore ko siya, tawa lang ako nang tawa. Nakakatawa naman talaga kasi, eh. Hindi ko mapipigilan ang sarili kong huwag tumawa.

Tiningnan niya ulit ang hitsura niya sa salamin.

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon