"Ahm, ehem, ang totoo niyan, hindi ba gusto na naming magkaroon ng anak. At ganoon din ikaw, gusto mo nang magkaroon ng anak," panimula nito.
Nagulat naman siya dahil sa sinabi ng ama.
"Teke, mukhang hindi kagandahan iyang nasa isip niyo, ah. Well, pero tingin ko nagbago na iyon. Napagtanto ko kasing ayo'ko pang malosyang kaagad. Gusto ko pang maging bata."
"Hoy, gumising ka nga, baligtarin mo man ang mundo. Hindi na magbabago ang katotohanang matanda ka na," sermon ng nanay niya rito.
"Kahit na, mukha naman akong eighteen," sabi naman nito. Sabay tingin naman sa kanya ng nanay at tatay na para bang sinasabing 'mahiya ka nga'.
"Anak, gusto na naming magkaroon ng apo," pakiusap ni Richard.
"Okay," sagot nito na para bang sinasabing 'o ngayon'.
"Papayag ka ba kung magkakaroon ka ng asawa within 3-6 months?" halos maisuka ni Haizel ang nginunguya nito sa sobrang gulat.
"Anong asawa within 3-6 months? Mas posible pang mawala ang kriminalidad sa loob ng 3-6months pero iyong magkaroon ako ng asawa within that time, never!"
"Arrange marriage iyon, iyong anak ng kumare ko. Alam mo guwapong-guwapo iyon."
"Haizel, isipin mo rin 'to nang mabuti, kapag nagkaroon ka na nang asawa, hindi mo na poproblemahin ang maghanap ng asawa," walang kuwentang ideya ni Richard. Napatingin si Melissa sa kanya dahil sa walang katuturan nitong ideya. Natahimik naman si Richard, siguro'y napagtanto rin niya na wala ngang kakuwenta-kuwenta ang sinabi nito.
"Hindi, Papa, ipaglalaban ko ang karapatan ko," paninindigan nito. Tumayo pa siya mula sa pagkakaupo bilang tanda na porsgido nga siya sa ipinaglalaban. Dahil dito, nakaramdam ng lungkot si Melissa, ipinapakita niyang malungkot siya upang makaramdam ng konsiyensiya ang anak. Ganoon na lang kasi ang kagustuhan nitong magkaroon ng apo. Bahagya ngang nakaramdam ng konsiyensiya si Haizel nang makita ang malungkot na mukha ng ina, pero solido na ang kanyang desisyon at tingin niya'y hindi na iyon magbabago.
Nabesuhan ni Richard ang asawa upang magkaroon naman ito ng karamay. Habang nasa kasagsagan ng kalungutan si Melissa ay may naisip ito na baka maaaring magpabago sa isip ni Haizel.
"Alam ko na, Haizel. Paano kung sabihin kong kahit na tumira kayo sa iisang bahay within 1 month, tapos kapag hindi mo siya nagustuhan, malaya kang tumanggi. Hindi ka namin pipigilan," bakas sa mukha nito ang tuwa sa pagbabakasakaling pumayag si Haizel doon.
Nanahimik sandali si Haizel, pinag-iisipan kung papayag ba o hindi sa alok ng ina. Kung hindi siya papayag, baka tuluyan na talagang malungkot ang nanay nito. Inisip niyang kung hindi niya magustuhan ang lalaking iyon ay okay na while kung magustuhan naman niya, eh di okay. Matapos niyang makapag-isip ay okay na. Nagniningning ang mga mata nina Melissa at Richard habang hinihintay ang tugon ng anak.
"O ano nang desisyon mo?"
Sumisimangot siyang tumugon, ikinulot din niya ang kilay niya upang mahalata ng mga magulang niya na napipilitan na lang siya. Nagtitigan siya sa mga magulang ng sampung segundo at matapos ang segudong iyon ay saka siya sumagot.
"O sige, basta one month lang. Malaya akong tumanggi," sabi nito sabay upo ulit sa upuan. Laking tuwa naman ng mag-asawa sa narinig, umabot hanggang tainga ang mga ngiti nila—lalong-lalo na si Melissa.
"Haizel, hindi ka magsisisi, guwapo iyon, matalino at cool guy rin."
***
Kaagad namang naikuwento iyon ni Melissa sa kumare matapos nilang maghapunan. Katabi niya ngayon ang asawa na nakadikit ang tainga sa cellphone na kung saan nakadikit din sa tainga niya. Laking tuwa ni Remmy nang pumayag si Haizel.
"Nga pala, Remmy, gusto nga rin palang kunin ni Haizel ang birth certificate at educational background niyong anak mong si Riko, at idagdag mo pa ang 1x1 & full body picture. At saka police clearance din," sabi nito.
"Oh talaga?" medyo may tonong gulat si Remmy.
"Oo, pagpasensyahan mo na ang anak ko, ha. Masyado na kasing na-trauma iyon dati sa pesteng lalaking iyon. Alam mo na."
"Okay lang, hindi naman iyon mahirap intindihin," nakangiti nitong sagot. Sabik na sabik na siya—na magkaroon ng anak.
"Nga pala, pumayag na ba iyong anak mo?" tanong ng Melissa.
"Si Riko? Wala iyon, never pa iyong nagka-girlfriend, twenty-seven na iyon. Nakakagulat ba? Sa guwapo at kisig niyon napakaimposible pero iyon ang totoo, eh," kuwento niya.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...