{3}

127 3 0
                                    

Shin's POV:

I'm back at work. And the girl yesterday is also here.

*sigh*

Is she my stalker or something? She's really wierd at times. Kinikilabutan ako. Sayang talaga, maganda sana para naman may tililing.

"Kamusta Timothy! Ay, Dok Timothy pala. Haha, pasensya na." I heared she laughed and so as Timothy.

"Andito ka pala ulit, Binibini." Napapailing nalang ako at napaikot ang mata ko sa pag-uusap nilang dalawa.

"Ah, oo. Gusto ko kasing makita si Shin." Napataas ang kilay ko sa kanya, and I saw Timothy smirked at me.

"Do you like Shin, Miss. Eso?"

"Ha? Naku, mali ang iniisip mo. Haha! Hindi ko gusto si Shin. Ibig ko lang malaman kung maayos lang siya." Napairap nalang ako at bumalik sa ginagawa ko na chinicheck ang pasyente dito sa public ward.

"Doc, sino po yung magandang babae?" Nakangiting tanong ng bata na pasyente ko habang nakaturo kina Timothy na nagtatawanan.

"Di ko kilala eh." Sambit ko tsaka umupo sa higaan niya. "Malapit ka ng gumaling, ang lakas mo talaga. Ipagpatuloy mo lang ang pagpapagaling ha?" Saad ko at hinagod ang ulo niya.

"Ang ganda niya po, Doc. Parang isang anghel." Nakangiting komento biya habang nakatingin sa likuran ko.

"Talaga?" Nagulat pa ako ng bigla itong sumulpot sa gilid ko.

"Haha. Opo Ate, ang ganda nyo po kasi. Ano po palang pangalan nyo?" Masiglang kausap ng bata sa kanya. Ngumiti naman siya at umupo sa higaan ng bata at magiliw itong nakipag usap.

"Ang pangalan ko ay Eso. Hihi, ikaw?" Saad niya. What a weird name.

But, the kid is right about this girl. She is beautiful, parang bata kung umakto pero paminsan-minsan napaka mahinhin rin. Mukha nga siyang anghel, maputi rin ito at medyo singkit ang nga mata. Mapupula ang labi niya at medyo mamula-mula rin ang pisngi niya.

"Anong nangyari sayo bakit ka naospital, Nene?" I snapped back when I heared their conversation.

"Nahulog po kasi ako sa tubig ng naliligo kami sa isang talon, tumama po yung braso ko sa bato." Kita kong nagulat yung si Eso at biglang lumambot ulit ang mukha kay Nene.

"Naku, mag-iingat ka ha? Mabuti nalang nakabantay sayo ang guardian angel mo, baka kung ano pang mangyari sayo pag nagkataon. Baka pati yung ulo mo natamaan din." Napapailing naman ako. Angels? Is there even one?

"Kaya nga po eh, bigla po akong umikot ng papahulog ako sa tubig." Napantig ang tenga ko sa kwento ni Nene kaya nanatili muna ako saglit para makinig sa kwento niya tungkol sa aksidente niya at ng bigla siyang nasalo ng Anghel daw.

"There's no angels, Nene. Magpahinga ka na." Tumango naman ang bata at humiga sa higaan niya. Pansin ko ang titig ni Eso sa akin.

"May mga anghel, Shin. Nasa paligid lang sila." di ko na siya pinansin at lumabas na ng ward nila, pero nakasunod pala sa akin si Eso at panay kumbinsi na may Anghel nga talaga.

"Timothy!" Napalingon ako sa kanya at napatingin sa direksyon na tinitingnan niya. And there stood Timothy smiling at her.

"Are you close? Why are you calling him in his first name? He's a Doctor." She just shrugged at pinanuod si Timothy papalapit sa amin. But as soon as he's with Eso, umalis na ako.

"Wait! Shin, hintay!" And there i heared. She even called me in my name too. Do I know her? Ni hindi ko nga siya nakita noon eh.

"Stop following me!"

"Dude, it's me." Napahinto ako sa paglalakad at lumingon, napasapo naman ako sa mukha ko. It's only Timothy. Where is Eso?

"Lumiko si Eso dun sa public ward. May pupuntahan lang akong pasyente." Tumango naman ako at di naman maalis ang ngisi ni Timothy sa akin.

"Just go." Sabi ko sabay tulak sa kanya. Humalakhak naman ito. Bumalik ako at sumilip sa public ward, and there she is. Entertaining some patients. Napangiti naman ako ng masilayan ang mga ngiti ng mga pasyente na natutuwa sa kanya.

May magagawang maganda rin pala ang babaeng yan dito.

"Doc, nandito na po ang mga bagong gamot. Pakipirma nalang daw po." Lapit sa akin ng nurse na may dalang folder, tsaka ko naman chineck kung kumpleto ang mga nadeliver na gamot tsaka ko pinirmahan at binigay ulit sa kanya.

**

Pagkalabas ko ng opisina ko, nataranta pa ako ng makita siya na naka-upo at hawak ang tiyan niya. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

I still have concern for people. I'm still a Doctor.

"Ayos ka lang? Are you feeling sick?"

"Di ko alam, masakitang tiyan ko. Di ko alam ang nangyayari sa akin, Shin." Pinaupo ko siya ng maayos, tsaka ko siya pinagmasdan at tumawag ng isang nurse.

Ng makarinig akong isang tunog. Napatingin naman ako sa kanya.

"Di ka pa ba kumakain?" She looked at me gamit ang inosente niyang mukha at nga mata.

"Kailangan pa ba nun?" Bagsak ang balikat ko sa kanya tsaka siya pinapasok sa opisina ko.

"Bakit di ka pa ba umuuwi? You've been here all day." Saad ko at inabutan siya ng pagkain. Tiningnan niya lang ito.

What's with this girl?

Umupo ako at tinusok ng tinidor ang ulam at tinutok sa bibig niya. Inamoy pa niya ito tsaka tumingin ulit sa akin.

"Kainin mo." Sinunod naman niya ako at sinubo yung pagkain at ngumuya. Napatawa pa ako sa naging reaksyon niya ng ngumuya siya ng pagkain.

"Hala! Ang sarap, ngayon lang ako nakatikim ng ganyan. Actually, ngayon palang naman ako nakakain eh." Napakunot ang noo ko sa kanya, pero bigla ko ring winaksi. She's really crazy, wala ba siyang pamilya?

"Where's your family?" Tinitigan niya lang ako habang kumakain.

"Pamilya? Nanay at Tatay?" Tumango naman ako. Napatigil pa siya at napaisip.

"Where are they? Bakit di ka umuwi muna sa inyo? Baka hinahanap ka."

She just smiled at me. "Di ko alam eh." Bigla naman akong naawa sa kanya.

"What? Why?"

"Di ko alam kung nasaan sila, di ko nga sila kilala eh. Ang sarap naman neto, Shin. Saan to galing?" Napatahimik naman ako.

She doesnt have any family? Paano siya nabubuhay, then? Baka naman may umampon sa kanya?

"Ikaw na ang pamilya ko, Shin." Nabigla naman ako sa sinabi niya. She's just smiling at me atsaka tinutok sa akin ang pagkain, parang sinusubuan ako.

"WHAT?"

------------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon