{12}

111 4 0
                                    


ESO'S POV:

"Shiiiiin!" Tili ko ng makapasok ako ng opisina niya at hawak ang isang liham na kakadating lang at nabasa ko na galing kay Henna iyon.

"Eso! Bakit ka sumisigaw?" Taranta niyang tanong at sinalubong ako. Nakangiti kong winagayway ang lihan na hawak ko sa kanya. Kinuha naman niya iyon at binasa kung kanino galing at ganun nalang ang pagliwanag ng mukha niya.

"Basahin mo dali!" Galak kong sambit at tinilak siya pabalik sa upuan niya. Dali naman niya itong binuksan at binasa ang liham na pinadala ni Henna. Minsan ang pagkunot ng noo niya at pag ngiti habang nagbabasa ng liham.

Nakikita ko na natutuwa siya sa liham ni Henna sa kanya.

**

"Mama!" Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa pamilyar na boses na tumawag ng Mama. Nakangiti ako habang sinasalubong si Tamtam na kasama ang Ama niya.

"Tamtam, bakit?" Tanong ko pagkatapos ko siyang halikan sa matambok niyang pisngi.

"Wala lang po, nakita ka po kasi namin. Saan ka po papunta?" Malambing niyang pahayag na kinagigil ko sa kanya lalo.

"Papunta ako kina Ate Ria, magpapaalam lang ako." Sambit ko sa kanya. "Gusto mong sumama? Dyan lang siya sa labas."

Sunod sunod na pagtango ang ginawa niya at pinagpaalam ko rin siya kay Timothy. Hawak ko ang kamay niya at ako rin ang nagtutulak ng dextrose niya hanggang sa labas. Nang makita ko si Ate Ria ay tinawag ko ito at agad namang binati ang batang kasama ko.

"Kaibigan ka po ni Mama?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Ate Ria at napatingin sa akin.

"Anak po ni Timothy. 'Di ko po siya anak. Hehe, tinatawag lang akong Mama." Paliwanag ko na kinatango lang niya.

"Ah, ganun. Bakit mo nga pala ako tinawag?"

"Ate, aalis kami ni Shin. Pwede po ba? Ipapasyal lang po, mukhang namimiss niya kasi si Henna eh. " nag-isip pa siya at tsaka rin may tinawagan sa telepono at bumaling sa akin.

"Sige, pero sandali lang tayo ah?" Nakangiti akong tumango at binalingan si Tamtam na nakatitig kay Ate Ria.

Tsaka naman ako nagpaalam at dinala ulit si Tamtam papasok sa ospital at dinala sa silid niya kung nasaan ang bantay niyang nag-lilinis ng silid niya.

"Dito ka muna ha? Makipaglaro ka kay Yaya mo." sumunod naman siya sa akin tsaka na ako lumabas at bumalik sa opisina ni Shin. Pero wala siya roon kaya naglakad-lakad ako sa mga pasilyo ng ospital at pinakiramdaman kung nasaan ang binabantayan ko. Sa pagkakawala ng kwintas ko nahihirapan ako sa paghahanap na sa kanya.

'♪Angel of Mine~♪

Kumanta ako ng mahina habang naglalakad at hinahanap si Shin. Ewan ko pero yun palagi ang kinakanta ko, para bang narinig ko na iyon at paulit-ulit pa nangyari ng marinig ko ang musika na iyon. Kaya naging pamilyar na ako sa kanta at yun palagi ang kinakanta ko habang nagtatrabaho sa itaas.

Ng hina-hum ko nalang ang kanta ay namataan ko si Shin na may kasamang nurse at inaasikaso ang isang pasyente. Pinanuod ko muna siya sandali sa pagtulong sa ibang tao.

Napakabait ni Shin, maaalahaning kapatid, mapagmahal, gwapo rin ito, medyo may katangian na suplado pero nasasanay na ata ako doon. Strikto ang mukha, di katulad ng bata-bata pa siya na napaka amo. Malakas ang dating niya lalo na sa mga kababaihang nakakapalibot sa kanya.

"Eso?" Napabalik huwisyo ako ng marinig ko ang boses ni Shin at ng tiningnan ko ito ay malapit na pala siya sa akin, kaya ngumiti ako at pumunta sa gilid niya.

"Nagpaalam ako kina Ate Ria! Mamaya kapag tapos ka na sa trabaho, mamasyal tayo." Masayang sambit ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako at pinaalis yung nurse na kasama niya.

"Marami akong gagawin Eso, sa susunod nalang." Napanguso naman ako at ng mamataan ko ang kwintas na binigay ko sa kanya ay ngumiti ako at umiling. Kailangan niya muna magpahinga saglit sa mga bumabagabag sa isip niya.

"Hindi. Mamamasyal tayo mamaya! Tapos. Sige, alis muna ako!" Paalam ko at tumakbo palayo sa kanya upang hindi na siya makakontra pa. Lumiko ako at tumigil saglit tsaka sinilip siya, nakatayo parin siya sa pwesto niya at parang nag-iisip pa. Napatawa naman ako sa itsura niya.

"Sino sinisilip mo?" Nagulat pa ako kaya mabilis akong tumayo ng tuwid at hinarap ang nagmamay ari ng boses. Si Timothy pala at nakasilip rin
Sa pader.

"Wala! Haha. Anong ginagawa mo dito?"

"Kakatapos ko lang mag round sa ilang public ward. Ikaw? Bakit para kang may pinagtataguan?" Napakamot ako sa ulo ko at umiling nalang.

"Wala! Hehe. Ah, sige nagpangako pala ako sa mga bata ngayon. Kita tayo!" Paalam ko at tumakbo ulit palayo kay Timothy papuntang ward ng mga batang pasyente.

**

Hinihintay ko si Shin na makalabas sa opisina niya, alam ko na matatapos na ang oras ng trabaho niya kaya inaantay ko siya sa labas ng opisina neto.

Habang nakaupo ako ay isang pamilyar na musika at kanta ang narinig ko mula sa isipan ko. Ang boses na 'yun, ilang taon ko rin iyong naririnig. At mas lalong nagpapasaya at nagpapagaan ng loob ko ang malamyos niyang tinig. Kahit hindi ko nakikita ang nagmamay-ari nun ay masaya ako.

"Sino ka kaya?" Mahinang tanong ko at pinakinggan hanggang matapos ang kanta niya.

Maya-maya ay lumabas na si Shin sa opisina niya kaya tumayo na ako at sinalubong ito at hinila palabas ng ospital at sumakay ng van. Hindi narin naman siya tumutol ng dumeretso kami sa parke at namasyal, nakabuntot lang naman sa amin sina Ate Ria at panay linga-linga nila sa paligid. Kahit nga nakakatakot yung dalawang lalaking kasama nila. Malalaking tao kasi.

Napapansin ko ang mga tao na nadadaanan namin ay napapatingin at panay bulungan at hagikgikan nila. Siguro nakikilala nila si Shin kaya ganun. Ng lingunin ko ang mukha niya ay napahinga ako ng maluwag ng makitang ayos naman at minsan ay napapangiti rin. Kaya masaya na ako at panay lakad namin sa parke at minsan ay binibilhan niya ako ng mga pagkain na nakikita naming mga nagtitinda, nasiyahan nga ako dun sa Cotton candy na tinatawag nila.

Parang ulap kasi pero masarap ito at may kulay. Bigla tuloy sumagi sa isipan ko sa itaas. Palagi kasi akong naglalaro ng ulap kasama ang ibang anghel.

Bigla namang sumagi sa mata ko ang sinag na nanggagaling sa kwintas ko na nasanagan pala ng araw. Napangiti ako ng magparamdam ito sa akin.

'Dyan ka muna, protektahan mo si Shin.'

Saad ko habang nakatingin sa kwintas ko.

-------------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon