{7}

104 4 0
                                    


ESO'S POV:

"Ate Ria, pwede po bang bantayan niyo ng maigi si Shin? Aalis po muna ako."

Nakakunot ang noo ni Ate Ria sa akin habang nag-aayos siya para sunduin si Shinsa mansyon nila.

"Saan ka naman pupunta?" Nakangiti ako sa kanya tsaka ko sinuot ang maliit na bag na binigay niya sa akin, ang laman lang naman neto ay ang 'Pepper Spray' na binigay ni Ate Ria sa akin. Kailangan ko daw yun para pang protekta sa sarili ko.

"Pupuntahan ko po yung Ina ng kaibigan ko. Kakausapin ko po." Malambing kong paalam sa kanya. Tumango naman siya tsaka na kami umalis sa 'unit' niya at sumakay ng sasakyan para sunduin si Shin sa kanila.

**

Pagkarating ko ng Ospital ay tumakbo kaagad ako papasok at hinanap si Timothy.

"Ate, nasaan po si Timothy? Este Doc Timothy?" napangiti yung nurse sa akin tsaka sinabi na nasa opisina pala si Timothy, kaya dumeretso ako roon at nadatnan siya na inaalis ang pang doktor na kasuotan niya na puti.

"Oh, nandito ka na pala Eso. Magandang umaga." Bati niya sa akin tsaka sinabit niya yung kasuotan niya sa upuan niya.

"Magandang Umaga din Timothy, tara na?" Yaya ko sa kanya. Pero bago pa siya makapagsalita ay kinuha ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng opisina niya, narinig ko pa siyang napatawa at nagpahila nalang rin sa akin hanggang makapunta kami sa sasakyan niya.

"Pasok ka na." Pahayag niya matapos tumunog yung sasakyan niya kaya pumasok na ako sa loob at hinintay siya na pumasok rin at binuhay ang makina ng sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho.

"Papaano ka nakasiguro na Ina nga yun ni Henna, Eso?" Panimula ni Timothy ng nasa kalsada na kami.

"Alam ko Timothy, hindi pa ako nagkakamali sa alam ko. At ramdam ko yun." Ngumiti lang siya at napapailing sa akin hanggang makarating ng gusali na pinuntahan namin ni Shin.

Bumaba na ako at hinintay siyang makababa rin upang sabay na kaming makapasok sa loob.

Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay kaba at sobrang pagkasiya.

"Tara na, tamang-tama nagugutom narin ako. Hindi pa ako nakapag almusal eh." Tumango naman ako at sumunod kay Timothy papasok ng gusali.

Giniya kami ng isang trabahante hanggang sa mesa na uipuan namin, nakita ko ulit kaagad ang ina ni Henna na nakikipag-usap sa mga 'costumer' nila.

"Ah, Kuya?" Tawag pansin ko sa lalaking kumukuha ng mga gustong kainin ni Timothy.

"Bakit po Ma'am?"

"Pwede ko bang makausap ang amo mo?" Tukoy ko sa ina ni Henna.

"Si Ma'am Felicity po? Pwede po, saglit lang at tatawagin ko po." Pinanuod ko ang lalaki na lumapit sa ina ni Henna at nakipag-usap at humarap sa gawi namin tsaka na sila sabay na bumalik sa mesa namin.

"Hello, ako ang Manager ng Restaurant. Gusto niyo daw akong makausap, Miss?" Nakangiting pahayag ng ina ni Henna. Sa pagmamasid ko sa mukha niya, hindi ako magkakamali na siya nga talaga ang hinahanap namin.

Kamukha niya si Henna!

"Ikaw nga." Bigla kong saad at napatayo. Kita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mukha niya.

"Excuse me?"

"Ikaw nga ang hinahanap namin. Alam ko po kung nasaan ang anak niyo." Biglang sambit ko na nagpabago sa reaksyon ng babae. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"A-alam mo kung nasaan ang anak ko?" Tumango naman ako, nagulat pa ako ng bigla niya akong hinila at giniya papasok sa kusina ata ng gusali habang nakasunod sa amin si Timothy na naguguluhan sa mga pangyayari. Hanggang sa makapasok ulit kami sa isang pintuan na halata na opisina niya.

"Pakiusap! Sabihin mo kung nasaan ang anak ko. Where's my daughter?" Naiiyak na pakiusap niya habang nakahawak sa kamay ko. Maya-maya ay may kinuha siya sa ilalim ng nesa niya at inabot sa akin ang isang litrato ng sanggol na babae.

"Si Henna to!" Biglang bulalas ko at pinakita kay Timothy ang litrato.

"Henna? Yun ba ang pangalan niya? Nasaan siya, hija? I'm begging you, tell me where is my daughter? I've been searching for her over years, and I never stop searching for her."

"There is similarities to Henna, Are you really sure Eso?" Napatahimik ako at tumango. Napatingin ako sa Ginang na humihikbi at paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni Henna.

"Dadalhin po namin kayo sa kanya." Nakangiti kong saad sa kanya. Sunod-sunod naman siyang napatango at mabilis siyang gumalaw at kinuha ang isang bag niya at sumunod sa amin hanggang sa kotse ni Timothy.

"Are you really sure about this Eso?"

"Ang kulit mo Timothy, gusto ko lang makatulong kay Henna."

"But, what about Shin?" Napatahimik ako at naisip nga si Shin. "I've notice him how he look at Henna before, I'm sure hindi niya basta-bastang ibibigay si Henna sa ibang tao."

"Pero siya ang ina ni Henna, Timothy. Ipagkakait ba niya ang karapatang makapiling ni Henna ang pamilya niya?"

Nagkakausap lang kami ni Timothy ng mapansin ko ang pananahimik ng Ginang at nakapikit ito at narinig ko ang munting dasal ng pasasalamat niya. Napangiti ako hanggang sa makarating kami ng ospital.

Halata ang pagkasabik ng Ginang hanggang sa makarating kami sa harapan ng pintuan ng kinaroroonan ng anak niya.

"I wish she'll recognise me." Narinig kong saad niya. Binuksan ni Timothy ang pintuan at nagulat ako ng nandodoon si Shin sa loob. Nakakunot ang noo sa akin at nagtataka kung bakit naroroon ang babae na nakita namin sa isang Restaurant na sinasabi kong ina ni Henna.

"I-ikaw ba si, si Henna?" Naiiyak na saad ng Ginang habang nakatingin kay Henna na nakatitig lang rin sa kanya. Napatingin sa akin si Henna.

"Siya ba ang ina ko?"

Tumango ako sa kanya at biglang nagtubig ang mga mata niya ng bumaling sa Ginang ang attensyon niya.

"I-ikaw nga! Ikaw ang anak ko!" Biglang bulalas ng Ginang at sinugod ng yakap si Henna na naluluha rin ng makita ang ginang.

"Eso! What's this?!" Napatalon ako sa pagsigaw ni Shin at napa atras pa ako ng makakita ng galit sa mukha niya.

"Bro, we searched for Henna's mother. All Eso want is to help Henna find her family." singit ni Timothy at humarang sa harapan ko para patigilin si Shin sa paglapit sa akin.

"Ikaw nga talaga ang anak ko." Napatingin kami sa mag-ina na naluluha.

"I don't believe this. How come you're so sure that this woman here is Henna's mother?!" Singhal ni Shin na kinatakot ko. Di ko aakalain na ganito siyang nakakatakot kapag nagagalit.

"Para matahimik ka Shin, we'll do a DNA test. And stop scaring Eso!" Singhal rin ni Timothy at giniya ako palabas ng silid ni Henna. Bigla namang nanghina ang tuhod ko sa nangyari.

Galit sa akin si Shin. Natatakot ako sa kanya.

"Hey, cheer up. Ayaw lang ni Shin na mahiwalay kay Henna kaya ganun siya." Pahayag ni Timothy at hinawakan ang balikat ko upang pakalmahin ako.

"P-pero, galit siya sa akin. Ayaw kong magalit siya sa akin. Galit siya Timothy, galit siya sa akin." Pagwawala ko, niyakap niya naman ako pero di mapigil ang pagsabi ko na galit sa akin si Shin.

Galit siya sa akin.

"Tahan na, hindi galit yun." Pagpapakalma niya sa akin sabay hagod sa ulo ko. Nakaramdam naman akong may tumulo sa pisngi ko at ang malamig na bagay na dumaloy rito.

"Ayaw kong galit sa akin si Shin, Timothy." Sabi ko na naiiling. Tumango naman siya at hinawakan ang pisngi ko sabay punas ng dumaloy na malamig roon.

"Umiiyak ka na. Calm down." Sambit pa niya at niyakap pa ako. Unti-unti naman akong kumalma at humawak sa braso niya.

"Salamat Timothy." Pahayag ko.

------------------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon