SHIN'S POV:"Pagkagising sa umaga, gusto ka na agad puntahan eh. Ano ba talaga kayo ni Eso, Shin?" Nagkibit balikat ako kay Ate Ria pagkarating namin sa ospital.
"Hi Lola Espina!" Rinig kong boses niya na binabati ang mga pasyente na nakakasalubong namin.
"Eso! Hay, mabuti naman at nandito ka ulit hija. Halika, hinihintay ka ng mga bata." Saad naman ni Dr. Leila, kaibigan namin ni Timothy. Isa siyang OB.
"Ate Leila! Asan po sila?" Pinanuod ko lang sila na umalis habang si Eso naman galak na galak at excited na puntahan ang mga batang pasyente ng public ward.
"Well, babalik na muna ako sa trabaho, Shin. Ikaw rin." Tumango lang ako kay Ate Ria, tsaka ako dumeretso sa opisina ko.
Di rin ako nakatiis at dahil wala rin naman akong ginagawa sa silid ko kaya naglakad-lakad ako sa loob ng ospital, at napadpad ako sa public ward. Nadatnan ko pa si Eso na kinakantahan ang mga bata na naroroon.
Her voice is angelic!
Tutok lang naman ang mga bata sa kanya ganun din ang ilang mga matatanda, nakangiting pinagmamasdan si Eso na kinakantahan sila. Pati ako parang nahipnotismo sa ganda ng boses niya at pumasok sa loob upang marinig ng maayos ang pagkanta niya.
Pagkatapos niyang kumanta ay nagsipalakpakan ang mga pasyente gayun din ang ilang nurse na nakikinig sa kanya, maski ako.
She's somehow different. She's unique or what?
"Doc, nakatingin po si Ate Eso sayo. Yiee!" Sambit ng isang pasyenteng bata, kaya napatingin ako kay Eso na nakatingin nga sa akin and smiling sweetly at me. Nagkantiyawan naman ang mga pasyente kaya napapailing lang ako.
"Haha! Looks like we have a new couple here, don't we kids?" Sabay sabay naman nagsagot ang mga bata sa tanong ni Leila, napapasapo pa ako sa noo ko sa ginawa niya.
"I'll leave you guys here, i still have work. Bye kids!" paalam ko. But before I went out to the door humabol si Eso kaya mas lalong nagkahiyawan ang mga bata at nagsihagikgikan.
"Sama ako." Nakangiting pahayag niya. I just shrugged tsaka naglakad papunta sa nurse station para kumuha ng recent status ng mga ilang pasyente na nasa private wards.
Pagkatapos kongmag check ay dumeretso ako sa kwarto niya, at chineck ang kalagayan niya.
"Henna?" Tawag ko sa pangalan niya. Napalingon siya sa pintuan at ngumiti sa akin.
"Kamusta ka na?" Tanong ko. She just gave me a thumbs up habang nakangiti sa akin. Napatingin siya sa likuran ko tsaka naman siya may tinuro, pagkalingon ko ay si Eso pala na nakasunod sa akin.
"Kamusta? Ako pala si Eso." Pakilala niya tsaka lumapit sa kanya sa hospital bed. Napatingin naman sa akin si Henna na may pagtataka sa mukha.
"Kaibigan ko." Sagot ko naman at pinanuod sila na nagkakatinginan lang. Tsaka naman lumahad ng kamay si Henna at tinanggap naman yun ni Eso.
Si Henna Fernandez, isang babae na nailigtas ko mula sa isang kapahamakan noon. Nakita ko siya malapit sa eskinita, at naliligo sa sariling dugo niya, bugbog sarado at kita ang pang aabuso sa maliit niyang katawan. Napag-alaman na binubugbog pala siya ng Step-Father niya, at sa araw na iyon ay bigla nalang siyang binunutan ng kustilyo at gusto siyang saktan.
Mabuti nalang at nakita ko siya nun, at baka namatay siya sa kalagayan niya. Napag-alaman ko pa na pipi pa ito, kaya pala hindi siya makahingi ng tulong.
"Masama ang ginawa ng ama-amahan mo, Henna. Pero sana mapatawad mo narin siya, sa bawat kilos ng mga tao sa lupang ito ay may dahilan lahat. At alam ko na may plano si Ama para sayo." Napatingin ako sa kanya na nakikipag-usap kay Henna na nakayuko lang at nakayukom ang kamao.
"Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa ng Ama-amahan mo. Pero sana makita mo sa puso mo ang kapatawaran para sa isang tao." Saad nito at hinawakan ang kamay ni Henna. Nakapagtataka, papaano niya nalaman yun?
"Ang ina mo? Alam ko kung nasaan." Napakunot na ng tuluyan ang noo ko sa mga sinasabi ni Eso, tila ba kinakausap siya ni Henna.
Tanging paghikbi ni Henna ang naririnig ko pero ni isang salita wala akong narinig. Humarap sa akin si Henna na namumula ang mata at tiningnan si Eso, sa mukha niya ay gusto niyang may gawin ako tukoy sa ina na sinasabi ni Eso.
"Alam ko kung nasaan ang ina niya." Napahigpit ang hawak ni Henna sa kamay ko at tila nagmamakaawa na gusto niyang hanapin ko anv Ina rin niya.
"Papaano mo nalaman to lahat?" Napangiti siya.
"Sinabi niya sa akin." Napataas ang kilay ko at tumingin kay Henna na tikom ang bibig.
**
"Sa gusaling yan, Andyan siya." Turo niya sa isang Restaurant. Kaya huminto ako at nagparking sa harapan nito at pumasok kaming dalawa roon.
"Where is she? And tell me honestly, paano mo nalaman yun? She's deaf, how can you say that she told you everything." Ngumiti siya sa akin tsaka niya hinawakan ang kamay ko. That sent some sort of feeling to me. Parang gumaan yung dibdib ko.
"Sinabi ko na sayo, Shin. Alam ko." Saad niya at nilibot ang paningin sa loob ng establisamento at biglang may tinuro sa kung saan.
"What?" Saad ko at sinundan yung tinuturo niya. Isang babae na kinakausap ang isang waiter. Sa tindig at postura neto ay mukha siyang manager ng Restaurant na ito.
"Yun yung ina ni Henna." Napa-upo naman ako ng tuwid at tinawag ang isang waiter at pinakiusapan na gusto kong makausap ang babae.
Maya-maya aylumapit na ito sa amin na nakangiti.
Felecity Mendez.
What? Eh bakit magkaiba yung apelyido nila ni Henna? Pinagloloko ba ako netong ni Eso?
"May I help you Sir and Ma'am?" Umiling lang ako at nakipag-usap sa kanya.
"I just want to compliment your service." Saad ko. Napatingin naman sa akin si Eso. Magsasalita pa sana ito ng nagpasalamat na ako sa babae atsaka ito umalis.
Tiningnan ko ng masama si Eso na kinataka neto.
"Iba ang apelyido niya kay Henna. Papaanong siya ang ina niya?"
"Alam ko Shin, at hindi ako nagkakamali sa sinasabi ko. Siya ang ina ni Henna, paniwalaan mo ako." pagkukumbinsi pa niya. Pero umiling na ako at tumayo.
She's fooling me. I should't just trust her.
------

BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasy'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...