ESO'S POV:
Pumasok na ako sa tarangkahan at agad akong sinalubong ng nga kaibigan kong anghel na tuwang-tuwa ng makita muli ako.
"Eso! Salamat naman at nakabalik ka na!"
"Nakita namin kung paano ka sa lupa! Ang galing mo!"
"Ikaw talaga, minadali mo ang pag amin sa binabantayan mo!"
Ngumiti ako sa kanila at ang kwento narin ng biglang dumating si Maestro kaya tumigil kami at tumayo sa pagkaupo sa ulap.
"Eso." Saad ni Maestro at inabot ang kamay niya sa akin kaya yumakap na ako sa kanya.
"Nagawa ko po." Masaya kong saad. Tumawa siya ng mahina at hinaplos ang ulo ko.
"Oo, nagawa mo. At naranasan mo rin ang pagmamahal sa isang tao." Napayuko naman ako sa sinabi ni Maestro.
"Patawad po, hindi ko po sinasadya na mahulog ang loob sa binabantayan ko." Saad ko. Ngumiti lang siya sa akin at umiling.
"Walang mali sa ginawa mo anak. Pero!"
"Po?"
Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Maestro at hinawakan ang balikat ko.
"Mabait si Ama. Pinapahayag niyang may nalalabi ka pang oras upang bumalik muli sa lupa upang magpaalam sa pamilya mo." Biglang tumibok ng malakas ang dibdib ko at binalot ng tuwa.
"P-pamilya ko po?" Tumango siya at gayun din ang kapwa anghel ko.
"Panahon na upang makilala mo ang pamilya mo Eso." Saad niya at giniya ako sa ulap na pumormang bilog kung saan namin pinagmamasdan ang kilos ng mga tao sa lupa.
"Sino po sila Maestro?" Di mapakaling tanong ko. At lumapit sa kanya. Sa isang kumpas ng kamay niya at may mga imaheng lumabas.
Isang babae na naka-upo sa sementeryo at kumakanta. Bigla akong natigilan ng mahimigan ko ang boses niya. Maya-maya ay dumating ang isang tao na malapit sa akin sa lupa kasama ang dalawa pang tao na naging malapit sa puso ko.
"T-timothy? Tamtam? Ate Ria?"
"Ma, umuwi na po tayo."
"Mamaya na anak, gusto ko pang makasama si Emily Sol."
Di ko napansin ang pagluha ko habang pinapanuod sila sa sementeryo. Hawak ni Ate Ria si Tamtam habang malungkot na pinagmamasdan si Timothy kasama ang Mama niya, ang ina ko rin.
"Eso, kung saan ka man. Alam kong ginagabayan mo kami. Mahal na mahal ka namin bunso."
Napaluha na ako ng tuluyan ng marinig ang mensahe ni Timothy, or Kuya sa akin.
"Mahal ko din kayo." Saad ko at pinunasan ang luha ko.
"Eso anak, namimiss ka talaga namin."
Naramdaman ko ang kamay ni Maestro sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Anak? Nagsisimula na ang oras." Tumango ako at nagmadali at lumabas muli sa tarangkahan, at tumalon mula sa mga ulap at lumipad.
Ang salitang yan ang minsan kong narinig sa isip ko. Na nasa boses pala ni Kuya Timothy.
Dumeretso ako sa sementeryo kung nasasaan sila. Paalis na sila ng lumapag ako sa lupa at nilapitan ang lapida ko. Napatingin ako sa mga likuran nilang naglalakad palayo.
"Ma? Kuya?" Malambing kong saad na nakapagpatigil sa kanila sa paglalakad. Sabay pa silang napalingon sa akin, halata ang gulat at takot sa mukha nila ng makita ako. Pero napalitan iyon ng pagtataka at pagkagalak. Nilabas ko ang pakpak ko upang makita nila.
Sinulyapan ko ang lapida na kung saan nakaukit ang totoo kong pangalan. Ang Emily Sol na sinasabi ni Timothy noon ay ako pala, kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya ng una palang kaming nagkita.
Nagsimula akong kumanta, at bakas kaagad ang pagkilala sa mukha at pagkagulat sa mukha ng aking ina. May mga luhang dumaloy mula sa kanyang mga mata at dahang-dahan na lumapit sa akin gayundin ang aking kapatid na halata parin ang pagkagulat at takot.
"Eso?" Naiiyak na saad ng aking ina. Tumigil ako sa pagkanta at malamlam ang mga mata ko na tumango sa kanya. Kinuha ko naman ang isang tangkay ng puting rosas at inalay sa kanya.
"Ako nga po. Eto na po ako ngayon." Malambing kong saad at tinanggap niya ang rosas. Walang antubaling niyakap niya ako at napahagulgol nalang, maya-maya ay naramdaman ko rin ang yakap mula sa kapatid ko.
"Namiss ka namin anak. Dito ka nalang, pakiusap. Magsasama tayo." Ngumiti ako at umiling.
"Pasensya na po, pero hindi pwede. Parte na ako sa itaas at kailangan kong bumalik sa kanila. Pinagbigyan ako ni Ama na bumalik dito upang magpaalam ng mabuti sa inyo." Umiling ang aking ina at hinawakan ng mabuti ang aking kamay.
"B-babalik ka na kaagad? Pwede naman na dito ka muna, kahit ilang araw lang." Ngumiti ako sa kapatid ko at umiling.
"Nagkasama na tayo ng matagal na panahon, siguro hindi mo lang matandaan. Nasa ospital ako kung saan ka nagtatrabaho at nakamasid sa iyo, nakilala ko rin ang anak mo." Saad ko at sabay silang lumingon kung saan ang dalawang tao na nakatingin lang sa amin.
Kita ko ang pagkilala sa mukha ni Tamtam ng makita ako, pero takang taka si Ate Ria kung sino ako. Ngumiti lang ako sa kanila.
"'Wag nyong pabayaan ang sarili nyo, babantayan ko kayo palagi." Saad ko at hinawakan ang kamay nila.
"Mama, sana ipagpatuloy nyo ang buhay nyo para sa akin, para kay Kuya at sa pamangkin ko at kay Ate Ria." Saad ko. Tumango naman ang aking ina.
"Kuya. Mamuhay kayo ng masaya ni Ate Ria at ni Tamtam. Pagmamasdan ko kayo mula sa itaas. Palagi lang kayong manalig at magdasal. Hihintayin ko palagi ang mensahe nyo." Saad ko at naramdaman ko na umangat na ako sa lupa.
"Eso, anak. Salamat. alagaan mo rin ang sarili mo. Bibisita kami palagi dito." Tumango naman ako at bumaling sa kapatid ko na hindi parin makapaniwala. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
"Kuya, ikaw nang bahala sa pamilya natin. Aasahan ko ang kapatid ni Tamtam." Saad ko at ngumiti sa kanya. Kumaway ako kina Ate Ria at tuluyan na akong umangat.
"Paalam po!" Saad ko at tuluyan na akong nilamon ng liwanag at pagkadilat ko ay nakabalik na ako at pinapalibutan na ako ng mga kapwa Anghel ko na nakangiti at naluluha pa.
"Eso, anak. Tapos na ang misyon mo." Pahiwatig ni Maestro at niyakap muli ako.
"Kakausapin ka ni Ama, Eso." pahayag ng isang anghel sa akin. Nagkatinginan kaming lahat at sabay na pumunta sa isang portal ng liwanag, pero hindi pa kami nakakapasok doon. Tanging si Ama lamang ang nakakapasok at labas roon. At dito niya kami kinakausap.
"Eso, anak ko."
Ngumiti ako at lumuhod sa kanya.
"Ama, natapos ko po ang aking tungkulin."
"Natutuwa ako para roon. Nakita ko ang lahat ng ginawa mo sa lupa, at paumanhin dahil kinailangan kong alisin sa memorya ng mga naging kaibigan mo ang pagkatao mo. Iilan lang ang binigyan ko ng pagkakataon na manatili sa memorya nila ang pagkatao mo.
"Naiintindihan ko po."
"Nag-iwan ka ng isang masayang ala-ala sa isang importanteng tao na naging parte na sa buhay mo."
Biglang sumagi sa isipan ko si Shin kaya napayuko nalang ako upang itago ang kalungkutang nararamdaman ko.
"Isang kahilingan mo anak ang tutuparin ko, regalo para sa natapos mong tungkulin."
Tumayo naman ako at pinagmasdan ang nakakasilaw na ilaw sa portal.
"Gusto ko lang po na maging masaya si Shin. Pwede nyo po bang paligayahin ang puso niya?"
"Matutupad anak."
Ngumiti naman ako at lumuhod muli upang umalay ng dasal ng pasasalamat kay Ama at para narin sa pamilya ko at kay Shin.
-------------
AN:
Comments? Thoughts? Voilent Reactions? Order in the court! Chaaaar! Hahaha.
Thanks everyone! God Bless.

BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasy'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...