ESO'S POV:"Galit pa po ba si Shin sa akin?" Tanong ko kay Ate Ria pagka hatid namin kay Shin sa mansyon nila. Nanatili muna kami sandali rito sa mansyon kasi may sasabihin daw si Jessy, na siyang palaging nagliligtas kina Shin.
"Hindi ko alam. Dito ka muna, papasok muna kami." Tumango naman ako at inayos ang maliit na bag ko.
**
"Bakit po ganun? Tinulungan ko lang namang mahanap ni Henna ang pamilya niya, nagalit na sa akin si Shin. Dapat po ba sana hindi ko nalang hinanap si Ginang Felecity Mendez?"
"Tama naman ang ginawa mo, anak. Tanging ayaw lang sana pakawalan ng binabantayan mo ang inaalagaan niya. Kita ko ang pagmamahal ni Shin sa babae'ng yun, anak."
Napanguso ako. "Naging hadlang pala po ako? Pasensya na po."
"May plano si Ama sa lahat anak. At dahil kabilang ka panandalian sa mga tao, alam ko naiplano na niya iyon. Huwag kang mabahala sa ginawa mo, kabutihan ang ginawa mo. Na-ibalik mo si Henna sa pamilya niya. Kabutihan yun anak."
"Opo, kita ko po ang pangungulila ni Ginang Mendez. Masaya na po si Henna, pwede ko po kaya siyang bisitahin?"
"Gawin mo ang gusto mo anak, basta tandaan mo lang. Gawin mo ang tama at nakakabuti."
"Opo hehe. Salamat po Maestro."
"Mag-ingat ka anak, gabayan ka ni Ama."
Nagdasal muna ako ng sandali tsaka na ako lumabas ng aking silid upang puntahan si Ate Ria na may ginagawa sa mesa. Nakalatag ang ilang mga matutulis na bagay at isang baril sa mesa niya habang nililinisan niya ito.
"Ate, gusto niyo po ng maiinom?" Alok ko sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko at napangiti.
"Kape nalang Eso, salamat." Tumango naman ako at tumakbo papuntang kusina. Kahit papaano naturuan ako ni Ate Ria papaano ang gagawin dito sa teritoryo niya. At ang pag-gawa ng kape ay isa na roon.
Dala ang tasa ay dinala ko yun kay Ate Ria na nasa ginagawa parin niya, nilapag ko sa mesa at pinanuod siya na naglilinis ng mga delikadong bagay.
"Napansin ko ang mood ni Sir Shin kanina Eso. May nangyari ba sa ospital?"
Napatigil ako at bumagsak ang balikat na nagpangalumbaba sa mesa.
"Hindi ko po alam, basta ang ginawa ko lang ay hinanap at dinala ang Ina ni Henna roon. Tapos nakita kong nagalit si Shin." Napanguso ako at pinaglaruan ang kutsara sa tasa.
"Ganun ba? Tama naman ang ginawa mo, pero anong nangyari?"
"May pagtingin po ata si Shin kay Henna at ayaw niya itong mapahiwalay sa kanya, kaya po nagalit sa akin." Sambit ko at napahawak sa bag na suot suot ko.
"Aahh, kaya pala. 'Wag kang mag-alala Eso, lilipas rin yun." Tumango naman ako at bumalik sa panonood sa kanyang ginagawa.
Ilang sandali pa ay nagpaalaman na kami upang matulog. Kaya bumalik na ako sa aking silid upang maglinis ng katawan ang nagbihis ng ilang damit na pinahiram sa akin ni Ate Ria.
Dun ko lang naalala na, konti lang pala ang damit ko. At yung damit na sinusuot ko palagi ay nag-iisa lang. Nahihiya na akong manghiram kay Ate Ria. Pero, papano to?
**
Kinaumagahan ay nauna akong magising kay Ate Ria kaya ako na ang nagluto ng umagahan naming dalawa at ako narin ang nag asikaso sa mga gamit niya.
"Eso, teka lang. Kaya ko na yan, maligo ka na at aalis na tayo maya-maya." Napangiti ako at tumango.
"Sige po Ate." Sabi ko at bumaling patungong hagdan ng maalala ko ang iniisip ko kagabi. At bumalik kay Ate Ria.
"Oh, bakit?"
"Ate Ria, may damit pa po ba kayo? Pwede ko po munang mahiram? Pasensya na po, at hindi pa ako nagkaroon ng damit. Pero pangako lilinisan ko kaagad." Saad ko at tinaas pa ang kamay ko. Napatawa naman siya at humarap sa akin at giniya ako patungo sa kanyang silid.
"Parang kapatid na kita Eso, kaya ayos lang. Kung gusto mo bumili tayo ng mga damit mo?" Napatigil ako at umiling.
"Nako Ate, wag na. Nakakahiya." Ngumiti lang ito at inabutan ako ng pantalon at puting t-shirt.
"'Wag ka nang mahiya, kapag nagka libreng oras ako. Mamimili tayo ng masusuot mo." Napailing ako at nilapag sandali ang mga damit na inabot niya.
"Ate, huwag na po talaga. Nakaka abala na ako sayo, ako na po munang bahala sa mga damit ko." Ngumisi naman siya sa akin at nagpamewang.
"Papaano mo naman gagawin yun? Kelangan mo ng pera upang makabili ng damit mo, kailangan mong magtrabaho." Napa-isip naman ako tsaka nalang napakamot sa ulo.
"Basta Ate. Ako ng bahala." Sabay ngiti ko. Napapailing nalang siya at nagkibit balikat at bumaba ulit. Ako naman ay naligo nalang at nagbihis ng pinahiram na damit ni Ate Ria tsaka na kami umalis patungong kina Shin.
Sana hindi na siya galit sa akin.
"Good Morning Sir!" Nagulat pa ako sa biglang pagbati nina Ate Ria kay Shin na nasa labas ng van at nakatingin sa akin, tsaka na siya pumasok at tumabi sa akin kagaya ng kinasanayan na palagi namin siyang sinusundo.
Tahimik lang kami buong byahe at panay lingon sa amin ni Ate Ria at parang inuudyok pa ako na kausapin si Shin pero kinakabahan talaga ako.
"Sorry for yesterday." Napahigit ako ng hininga ko ng bigla siyang nagsalita, nakita kong nakangiti sa amin si Ate Ria kaya napatingin ako kay Shin na diretso lang ang tingin.
"A-ayos lang, pasensya narin." Sabay yuko ko. At tahimik ulit ang buong byhae hanggang sa ospital. May ilang paalala pa si Ate Ria sa akin bago na ako pumasok sa loobng ospital tsaka naman ako sinalubong ng ilang batang pasyente na naghihintay pala sa akin.
Kaya parang biglang nawala ang bigat sa dibdib ko at napalitan ng saya ng makita ko ang mga bata. Niyaya nila ako sa ward nila at nagsimulang maki-usap na kakanta daw ako kaya pinagbigyan ko nalang. At marami pa silang paki-usap sa akin, kagaya nalang ng pagkwento at kung ano-ano pa. Nalibang ako sa kanila at nakalimutan ko ng tuluyan ang galit ni Shin sa akin, at naramdaman ko rin na parang gumagaan narin ang dibdib niya ng hindi ko alam. Basta nararamdaman ko kung anong nararamdaman ni Shin. Dahil konektado na kaming dalawa noon paman.
Winaksi ko muna sa isipan ko ang naiisip ko at nakisaya sa mga bata na nagsasayawan na. Bigla ring dumating si Timothy kaya nakisaya na siya sa amin.
"Biglang mas sumigla ang mga pasyente rito ng dumating ka." Napangiti ako sa sinabi ni Timothy at bigla nalang kaming hinila ng nga bata upang makisabay daw sa kanilang pagsasayaw.
Kahit nahihiya pa si Timothy nang una at dahil sadyang makukulit kami kasabay ng mga bata ay nakisabay nalang siya sa amin. Nahagip pa ng mata ko si Shin na nasa pintuan at bigla ring umalis ng makita ata akong nakatingin sa kanya. Pero di lumagpas sa paningin ko ang pag ngiti niya.
Kaya napangiti narin ako.
--------------

BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasy'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...