SHIN'S POV:"Paalam Shin, sana nasiyahan ka sa pamamasyal natin!" Nakangiting sambit ni Eso ng makababa ako sa van. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti rin.
Nagpaalam narin ako kina Ate Ria tsaka ako sumabay sa dalawang security namin hanggang makapasok sa mansyon. Umalingawngaw naman ang tunog ng mga nagbabangaang kahoy mula sa training room namin na gym namin noon.
"Chlyde! Wag mong tamaan si Kief, masakit yan!" Sigaw naman ni Lem na nandun rin pala.
Kaya lumingon ako sa kanila at nakikitang nagtetraining na pala, namataan ko si Jessica na nakipagtagisan ng tingin kay Sedrick na kaharap niya.
Napapailing nalang ako at dumeretso sa room ko, nakasalubong ko pa si Kuya Xian na dala ang laptop niya papunta atang training room. Nilagpasan ko lang siya at pumasok sa silid ko, at agad na tinungo ang shower.
Napatingin ako sa salamin at ang pagkinang kaagad ng kwintas ang napansin ko. Hinawakan ko ito at bigla nalang napangiti ng binigay ni Eso sa akin ang kwintas niya. At natandaan ng biglang nakita kong paghirap sa mukha niya ng pagbigay niya sa akin nito. Siguro nga napaka importante ng kwintas na'to sa kanya, but why did she gave it to me?
Napapailing nalang ako ng mahagip ko ng may konting liwanag na lumabas mula sa kwintas na pinagwalang bahala ko nalang, baka dahil nasinagan ng ilaw kaya lumiwanag. Pero kakaibang linawanag at puti ang ilaw na nanggaling dito. What the heck?
Nagshower nalang ako at nagbihis upang sumali sa training ng mga kapatid ko. Ilang mura at pagrereklamo ang naririnig ko mula sa kanila. Habang si Jessy naman ay nakangisi at tila nag eenjoy sa pinapanuod niya. This evil little girl. But I know she's just doing her job.
"Stand up! You're all so weak." Pahayag na kinadagdag ng reklamo ng mga nakakabatang kapatid namin.
"Shut up! We're all tired, can you just give us a break?!" Singhal naman ni Sed. Nanatiling matigas ang mukha ni Jess at hinarap ang kapatid ko na mainit ang dugo sa trainor namin. Ewan ko dyan, simula nung una masama na ang timpla ni Sed kay Jess.
Di nakalagpas ang pagtiim bagang ni Jess sa pagreklamo ni Sedrick pero inirapan niya lang ito at lumapit sa amin nina Lem at Kuya Xian.
"Stop me or I'll hurt your brother big time Kuya!" Mahinang reklamo niya na kinatawa namin. Inakbayan ko lang siya tsaka naman siya umupo at inabutan ng tubig ni Lem.
"Pagpasensyahan mo na Jessy, alam mo namang galit sa mundo yan." Pahayag naman ni Kuya Xian na kinasang ayon ko nalang rin.
Biglang sumagi sa isipan ko si Eso ng mapatingin ako kay Jessy. Nga pala, magpapatulong ako kay Jessy sa paghahanap ng mga magulang ni Eso, makakatulong siya.
"Jess, I'll talk to you later. Hihingin akong pabor." Humarap siya sa akin.
"Sabihin mo nalang ngayon Kuya." Napatingin din sa akin sina Lem at Kuya Xian.
"Oo nga, bakit ipagmamaya mo pa? May sinisekreto ka ba Shin?" Nakangising saad ni Kuya Xian at sinarhan ang laptop niya. Inungusan ko lang siya at tumingin kay Jessica.
"Yung kaibigan ko kasi, well bigla nalang siyang sumulpot. I barely even know her, but she became my friend-"
"Woah! Girl? Sino yan? Teka papaano yung babaeng niligtas mo? Yung Henna ba yun?" Singit ni Lem.
"Nahanap na niya yung totoong pamilya niya. Nasa Mindanao sila ngayon." Saad ko at bumaling ulit kay Jessica. "She kept telling me that she's some sort of Angel that flew down here for a mission, I think she's insane but i observed her but she's not. But, the real point here is she doesnt know where her family is." Nakita kong nakakunot lang din ang noo ng dalawa kong kapatid habang pinapakinggan ako. Si Jessy naman ay malalim ang iniisip at tumango sa akin.
"What's her name? Baka matrace namin kung saan talaga siya galing."
"Eso." Sagot ko. Naghintay pa siya ng susunod kong sasabihin pero nagkibit balikat na ako. "That's her name. Eso lang ang binigay niya sa akin. "
"Eso? Pinapahanap rin ni Ate Ria ang pamilya niya, she's working on it. But can I meet her?"
"Oo nga Shin, dalhin mo siya dito." Napatalon kaming apat sa biglang may nagsalita sa gilid namin. Si Lolo pala kasama ang assistant niya. Minsan talaga tong si Lolo kung saan saan sumusulpot, parang si Eso.
"Lolo naman, nakakagulat ka. Muntik na akong atakihin." Pahayag naman ni Lem na nakahawak parin sa dibdib niya. Napatawa naman ako sa istura niya.
"OA nito. Hambalusin kita eh." Sambit ni Lolo sa kanya, kaya napangisi ako kay Lem. "Basta, dalhin mo siya dito. Teka, saan siya nakatira kung hindi niya alam kung nasaan pamilya niya?" Napakunot ang noo ko.
"Nakikinig kayo sa usapan namin, lo?"
"Hehe."napapailing nalang ako at sinagot nalang ang tanong niya.
"Kina Ate Ria, pinatira muna siya roon."
"Jessy, hija. Samahan mo si Shin bukas, para makasigurado na dadalhin niya yung kaibigan niya. Ha?" Tutol pa sana ako ng makita kong napangisi si Jessy at agad na tango kay Lolo kaya napasapo nalang ako sa mukha ko.
"No worries Lolo, I'll make sure of that." Nagtawanan naman sina Lem at Kuya Xian at panay asar sa akin.
"Maganda ba, Shin?" Agad na tanong ni Kuya Xian sa akin kaya inungusan ko lang siya. Sigurado susurutin niya si Eso, napaka inosente pa naman nun. Minsan pa uto-uto. -_-
"Damot neto! Type mo?" Sinamaan ko lang sila ng tingin at umalis sa training hall, umalingawngaw pa ang tawanan nila kasama si Jessy at boses ng mga nakakabatang kapatid ko na nagtatanong.
Lakas talaga ng trip ng mga yun. -_-
No choice na ako bukas kundi sabihan si Ate Ria tungkol kay Eso. Di rin naman ako makakagawa ng palusot kasi sasama si Jessy. Kung umasta pa naman yun, parang mas matanda sa aming tatlo nina Lem at Kuya Xian.
Minsan napapaisip rin ako dyan eh. Di kaya matanda na yan? Bampira kaya? Hahaha.
"What's with your smile Kuya?" Napatalon pa ako sa gulat ng biglang may nagsalita, kaya napatingin ako sa gilid ko. Si Sedrick lang pala at nakatayo, with his usual cold expression in his face.
"Wala." Sambit ko at dumeretso sa room ko.
-------------
![](https://img.wattpad.com/cover/73354655-288-k858487.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
خيال (فانتازيا)'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...