ESO'S POV:
Giniya ako ni Jessica papasok sa mansyon nina Shin. Mga nakahilerang mga kasambahay ang sumalubong sa amin at binati kami.
"Tara Eso. Gusto kang makilala ni Lolo." Masayang sambit ni Jessica at hinila ang kamay ko papasok sa sala ng bahay. Nakita ko ang mga kapatid ni Shin na nakaupo roon at nagkukwentuhan. Natigil lang sila ng mamataan kami ng pinakamatanda sa magkakapatid na si Xian.
"Siya ba yun?" Tumango si Jessica sa tanong ni Lem, kasunod kay Shin.
"She's beautiful, are you sure she's just your friend?" Nakangising tanong ni Xian.
"Oo nga Kuya! Ang ganda naman ni Eso para maging kaibigan mo lang!" Singit ni Ben sa kanila at inakbayan si Lemuel na nakangisi rin sa kapatid niya.
"Will you stop it?! She's just a friend! Jeez, you're making her uncomfortable!" Singhal ni Shin sa kanila na kinahagikgik ko. Namumula na kasi ang pisngi nito at leeg. Napatingin naman sa akin ang mga kapatid niya, tsaka naman ako kumaway.
"Ako pala si Eso. Kinagagalak ko kayong makilala." Saad ko at nilahad ang kamay ko. Nakita ko ang pagkamangha sa mga mukha nila at nag agawan pang umabot ng kamay ko. Kaya binaba nalang ni Shin iyon at hinila ako papunta sa sofa at pina-upo.
"Eso, anong gusto mong inumin? Kainin?" Napatingin ako kay Ben na nakangiti sa akin.
"Ah kahit ano nalang, salamat." Saad ko at pinasadahan ng tingin ang mga kapatid niya. Yung isa seryoso na nakatingin sa gawi ko, pero ng sundan ko ang tingin niya ay kay Jessica pala ito nakatingin.
"Asan ba si Lolo? Gabing-gabi na, kailangan ng umuwi ni Eso." Bugnot na saad ni Shin at pinatawag ang isang maid upang patawag ang Lolo nila.
Maya-maya ay umalingawngaw ang isang boses ng matanda . Napalingon kami at palapit ang isang matanda sa amin kasama ang isang lalaki. Eto ang Lolo nila.
"Magandang gabi po." Bati ko sa kanya. Ngumiti lang ito at tiningnan si Shin.
"Magandang gabi din hija. Pasensya ka na, ngayon lang ako lumabas ng opisina ko. Marami kasi akong naiwang trabaho." Saad nito at umupo kaharap namin. Tumango lang ako at ngumiti sa matanda. Kung titingnang mabuti may ibang bahagi na may kahawig si Shin sa Lolo niya.
Pero, mas kahawig niya ang Mama niya. Hihi.
"Lo, this is Shin's 'FRIEND'. Si Eso po." Yumuko ako ng konti bilang pag galang sa kanya tsaka niya inabot ang kamay ko.
"Friend? Akala ko Girlfriend." Nadismayang saad nito, bigla rin namang napa ubo si Shin sa tabi ko na kinatawa ng mga kapatid niya kaya napangiti ako.
"Pfft, that's what we thought either Lo. Sayang no?" Saad naman ni Jessica na katabi ko.
"Hehe, di po ako kasintahan ni Shin. Kaibigan lang po, actually may pagtingin po siya kay Henna eh. Kaso naudlot rin kasi umuwi na si Henna sa tunay niyang pamilya."pahayag ko naman na kinatango nila at pinagmasdan si Shin kaya napatingin ako sa kanya na biglang nanahimik.
"Have you eaten dinner, hija? Please, join us." Tatanggi na sana ako at aangal din sana si Shin ng hilahin ako ng dalawang kapatid ni Shin patayo at pumasok sa isang silid na may mahabang mesa at may maraming pagkain sa mesang iyon.
"Ako nga pala si Kief, Ate Eso. Siya naman ang kakambal ko na si Kieth." Pakilala ng dalawang humila sa akin.
"Alam ko. Hehe, ang cute niyong dalawa." Saad ko na kinangiti nilang dalawa at nagtaas baba ng kilay. Napahagikgik nalang rin ako sa ginawa nila at nagpagiya hanggang pinaupo ako sa isang upuan katabi ni Shin at Jessica.
"Don't be shy hija. Kumain ka lang." Tumango naman ako at nagsimula na silang magsikain. Pinagmasdan ko muna sila saglit, ng makita ko si Shin na nilalagyan ng pagkain ang plato ko na kina-ingay ng mga kapatid niya.
"Shut up!" Nagulat pa ako sa biglang pagsigaw ni Shin na mas kinalakas ng tawa ng mga kapatid niya. Napagmasdan ko ang pamumula ng tenga at pisngi ni Shin.
"Just eat Eso, don't mind those morons." Ngumiti naman ako at kumain nalang rin.
Napakasarap ng pagkain kaya, naparami din ang kain ko. Iba to sa mga natitikman kong luto ni Ate Ria.
"She's so simple, walang arte. Ligawan mo kaya Kuya?" Sambit naman ni Chester na pinapanuod akong kumain. Doon naman napa-ubo si Shin ulit kaya dagli ko siyang inabutan ng tubig.
"Shut up Dale!" Mahinahon ngunit may pagbabantang saad ni Shin sa kapatid niyang ngumisi lang sa kanya.
Matapos naming kumain ay pinagpaalam na ako ni Shin at hinatid hanggang sa van, namataan ko pa si Ate Ria na nakikipag-usap sa mga kalalakihan at ilang babae na kasama niya sa trabaho.
"Ingat kayo. Kita nalang tayo bukas. At pasensya ka na sa mga kapatid ko." Tumango naman ako sa kanya.
"Wala yun, nakakatuwa nga sila eh. Sige Shin, salamat pala ah? Ingat ka rin. Wag kalimutang magdasal bago matulog." Saad ko at pumasok na sa sasakyan at pinaandar na iyon ni Ate Ria na nagmamaneho.
Nakangiti ako habang nagbabyahe kami ni Ate Ria, naaalala ko ang mga panunukso ng mga kapatid ni Shin sa kanya at sa akin. Ang pamumula ni Shin at minsang paghawak niya sa kamay ko.
Napahawak naman ako sa dibdib ko ng may maramdamang kakaiba, parang may bumubundol doon na hindi mapakali. Ano to?
Hanggang sa makarating kami sa tirahan ni Ate Ria ay di maalis ang ngiti ko sa labi at di mawaring nararamdaman ko tuwing naiisip ko ang binabantayan kong si Shin.
'bakit po ganun? Sumisikip po ang dibdib ko? '
Naghintay ako ng ilang sandali ay di sumagot si Maestro, dun ko lang naalala na wala pala sa akin ang kwintas ko na siyang tanging nag-uugnay sa akin sa itaas. Mahihirapan akong marinig sina Maestro kung wala ang kwintas ko.
"Mag linis ka na ng katawan Eso. At matulog ka na. Good night." Bati ni Ate.
"Sige Ate. Good night din." Saad ko at pinanuod siyang umakyat sa ikalawang palapag at narinig ko ang pagsara ng pintuan.
Napahawak ulit ako sa dibdib ko. At biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Shin.
"Maestro, di ko maintindihan tong nangyayari sa akin. Ano po ito?"
Walang sagot at tanging malamig na hangin ang naramdaman ko. Napahinga nalang ako at sumuko nalang, paakyat na ako sa silid ko ng mamataan ko ang isang halaman na unti-unting nanghihina kaya nilapitan ko ito at binigayn ng tubig galing sa isang garapon. Tinapat ko ang kamay ko para bigyan ng lakas upang bumalik ang dating anyo nito. Napangiti ako ng nabuhay muli ito at namulaklak.
---------
![](https://img.wattpad.com/cover/73354655-288-k858487.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasía'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...