{18}

114 4 1
                                    


SHIN'S POV:

"We can't locate where she came from. Nakakuha lang kami ng putol na impormasyon. May nagsasabi na nakita daw nila si Eso sa ilang lugar dito. And that's all." Napaisip ako sa sinabi ni Jessy at binigay sa akin ang isang folder na naglalaman ng impormasyon sa pagkalap ng identity ni Eso. Pero putol iyon.

"I'm telling you Kuya. I believe her, I know it. I can feel it from her, she's something different from us." Umiling ako at tinago ang report sa drawer sa mesa ko at hinarap si Jessy na nakapangalumbaba sa mesa at kaharap ko.

"Don't believe some fantasy Jessica. It's not true. Bumalik ka na sa mansyon, sigurado nagdidiwang ang mga kapatid ko kasi wala ka dun upang perwisyuhan ang buhay nila." Napangiti ito tsaka tumayo.

"Ayoko munang makita yung isang kapatid mo na kulang nalang lunukin ako." Bugnot niyang saad at tinali ang buhok niya. Napangisi ako sa sinabi niya sumandal sa upuan ko.

"He's just hiding something, that he won't let you to know. "Inismiran niya ako at inayos ang t-shirt niya.

"Whatever. Wala akong pakealam sa kanya, sige Kuya! Ingat ka dito." Paalam niya at tuluyang lumabas ng opisina ko. Napangiti naman ako sa kanya at napapailing.

Kinuha ko ulit ang folder at binasa paulit-ulit iyon. May nagsasabi na namataan nila si Eso na naglalakad sa ilang streets. Nakikipag-usap sa mga taong lansangan at tumutulong. Napangiti naman ako sa kabaitan niya.

"Woah! Why you're smiling alone?" Nagulantang ako sa biglang nagsalita. Kaya napa angat ako ng tingin at nakita ang dalawa na papalapit sa akin habang karga ni Tim ang anak niya.

"None of your business! Bakit kayo nandito?!" Talak ko, ngumisi lang yung dalawa tsaka pinaupo ni Tim si Tamtam sa sofa at binigyan ng pagkain.

"Wala! Haha." Halakhak ni Leila at umupo sa kaharap na upuan.

"May tuktok ka talaga eh no? Akala ko naman may kung anong importante at pati ako hinila mo rito, pati si Tamtam nadamay." Palatak ni Timothy. Inismiran lang siya ni Leila kaya napangiti ako.

"To naman! May pinapa abot lang na mensahe yung University! Palapit na reuinion natin. Punta ba kayo?"

"Kaklase ka ba namin?" Ngisi ko sa kanya. Tumirik ang isang kilay nito kaya napatawa ako.

"Hoy! Kahit papaano, naging magkaklase tayo sa ibang mga subjects! Ikaw Shin, hanggang ngayon lakas ng pang asar mo eh! Magsama kayo ni Timoteo!" napatawa kami ni Tim sa pagbubulusok ni Leila palabas ng opisina ko na asar na asar. Napano yun? Baka may dalaw. Haha

"Loko ka talaga Shin. May dalaw daw yun, inasar mo pa. Ako siguro hindi makakapunta sa reunion, pagtutuonan ko nalang ng pansin si Tamtam." Sabay lingon niya kay Tamtam na tahimik na nakahilata na sa sofa habang subo-subo ang lollipop na kain nito. Tsaka naman ito tumayo att nagpaalam na babalik sa kwarto niya, tsaka siya kumaripas ng takbo palabas at naiwan kami ng Ama niya.

"Ako narin siguro, alam mo naman na pinaghihigpitan kami ngayon. Delikado ang banta sa amin." Tumango pa ito at nasipat ang leeg ko at napakunot ang noo.

"Pamilyar yang kwintas mo, parang nakita ko na yan kay Eso. Couple necklace?" Nakangising turan nito na kina iling ko lang.

"Lul, hindi. Binigay niya." Saad ko na kinatango lang niya.

"Napapansin ko na palagi kayong magkasama minsan ni Eso? Tuloy ba talaga yung sinasabi niyang 'pagsisilbihan' ka?" Curious lang, naalala ko kasi noon.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya ng bigla itong ngumisi ulit sa akin.

"Selos ka? Psh, don't worry bro. Hindi ko papatulan si Eso para sayo. Haha!" Napapailing naman ako sa kanya at pinukpok yung ulo niya ng papel na nirolyo ko.

"Loko. Napapansin ko lang kasi." Binigyan niya lang ako ng kakaibang tingin at tumango-tango.

"Sige, sabi mo eh. Pero alam mo, napapansin ko sa mga lalaking nurse na nakasunod palagi ang tingin kay Eso. Nalaman ko rin na type pala ni Peter si Eso. Bilisan mo pre." napaikot lang ang mata ko sa kanya. Pero sa loob ko nakaramdam ako ng kakaibang damdamin lalo na sa dibdib ko.

Ewan ko pero, sumisikip ang dibdib ko at malalim ang hininga ko.

"Hi Eso! San punta mo?"

"Oy, Peter ikaw pala. Papunta ako kay Shin. Ikaw?"

"Pabalik sa nurse station, hatid na kita?"

"Ha? Wag na, ayan na yung opisina niya oh. Haha salamat nalang. Paalam."

Nagkatinginan kami ni Timothy ng narinig namin ang boses ni Eso na may kausap, hinintay pa namin ang ilang saglit ay nagpakita na ang bulto niya sa pintuan at ngumiti sa amin. Napakunot naman ang noo ko ng makaramdam ng kakaiba sa katawan ko. Sa simpleng pag ngit niya naghuhuremantado ang dugo ko.

"Eso! Ikaw pala, nadaanan mo ba si Tamtam? Hinahanap ka nun kanina eh. " napatingin naman ako kay Timothy ng kausapin niya ito.

"Ah oo, nadaanan ko siya kanina. Makulit nga at ayaw matulog, kaya sinamahan ko muna hanggang mahimbing na ang tulog bago ako umalis." Saad niya at papalapit sa amin.

"Haha, pasensya ka na kay Tamtam. Medyo may pagka makulit nga talaga yun." Tumango lang ito atsaka humarap sa akin kaya parang bigla ring tumalon ang diwa ko ng lumapat ang tingin niya sa akin.

"Ayos ka lang Shin? Aligaga ka, kinakabahan ka pa." Saad niya at akmang hahawakan na sana ang noo ko ng pigilan ko ang kamay niya.

"I-I'm fine. Thanks." Sambit ko tsaka binitawan ang kamay niya. Ngumiti lang siya at tumango. Napatingin din ako kay Tim na nakangisi sa akin.

"Well! Mag iikot pa ako sa mga wards, so maiiwan ko muna kayo. Bye!" Paalam ni Tim at dire-diretsong lumabas ng pintuan at iniwan kaming dalawa ni Eso sa silid na'to. Dun ko ulit narinig ang kakaibang kalabugan sa dibdib ko ng mapagtantong dalawa nalang kami rito at nakatingin pa siya sa akin. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at inayos ang coat ko.

"Kumain ka na? Tara, meryenda muna tayo." Saad niya at tumayo tsaka hinila ang braso ko. Nung lumapat ang balat niya sa akin ay tila may boltaheng kuryente ang biglang dumaloy sa akin kaya napabitaw ako sa hawak niya at tumayo nalang at pintalikod sa akin.

"Ahmm, ano. Mauna ka, susundan nalang kita." Saad ko. Pero napapitlag ako ng bigla siyang umikot sa akin, napayuko pa ako para makita ang mukha niya.

"May problema ba Shin?" Nakanguso niyang saad. Sunod sunod ang paglunok ko habang nakamasid sa bibig niya kaya napapikit ako at iniwas muli ang tingin ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya at pinatalikod muli sa akin.

"Mauna ka na." Sambit ko. Akmang aalisin ko na ang kamay ko ng magulat ako na hawakan niya ito at nagsimulang maglakad kaya napakaladkad ako kasama niya.

"Taraaaa!" Saad niya habang hawak parin ang kamay kong nasa balikat niya at nagsimulang maglakad papuntang canteen.

Nagkatinginan pa ang ilang nurse at Doktor sa amin gayundin ang mga pasyente na nakangiti rin sa amin habang pinagmamasdan kami ni Eso na naglalakad. Ako naman tong di di magkamaliw ang nararamdaman habang hawak hawak ni Eso ang dalawang kamay ko hanggang sa makarating kami sa canteen.

---------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon