SHIN'S POV:"Para sa kaibigan ko! At sana tumino ka na at nahanap mo na ang katapat mo, alagaan mo si Ate Ria, kundi patay ka." Napatawa ang nga tao sa sinabi ko at inangat ang baso ng inumin ko at gayundin sila.
"Congrats Bro!" Sambit ko at uminom sa baso at bumalik sa upuan ko. Tumatawa pa si Leila ng makaupo ako sa tabi niya, nakatingin siya kina Tim na masama palang tingnan ni Ate Ria.
"Hala ka Tim! Alagaan mo si Ate Ria!" Sigaw naman ni Leila at ngumisi sa kanya. Napapailing nalang ako at hinayaan sila. Napahawak naman ako sa kwintas na suot ko at sumariwa muki ang ala-ala ko sa babaeng minahal ko.
'Eso, kung saan ka man alam ko nakamasid ka sa akin ngayon. Mahal kita, wag mong kalimutan yan.'
Napahinga ako ng malalim at inubos ang inumin sa baso ko.
ILANG BUWAN narin ang nakalipas ng mawala sa buhay ko si Eso, at ngayon naman may tragedya pang nangyari sa pamilya ko. Si Sedrick nahostage pa ng isang kriminal. Si Jessica naman wala na kaming balita sa kanya matapos siyang ilipad papunta sa America para doon na raw ipapagamot.
Comatose si Jessy dahil sa sagupaan nila sa kriminal na tinutugis nila.
"Ninong Shin, laro tayo!" Napatingin ako sa gilid ko at ngumiti kay Terrence at nagpahila nalang sa kanya hanggang sa labas ng hotel kung saan ginaganap ang reception ng kasal ni Tim at ni Ate Ria.
"Teka lang Tam, dahan dahan lang sa pagtakbo." Saad ko at hinabol siya hanggang sa playground. Binantayan ko lang siya habang naglalaro siya kasama ng ilang bata na guest din sa hotel.
"Slow down Yaena!" Napalingon ako sa boses na'yun. Napakapamilyar kasi, kahit na Ingles yung salita. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang batang babae na dire-diretsong tumakbo palapit sa playground. Napailing nalang ako at binalik ang tingin kay Terrence na nakikipaghabulan sa mga bata na naroroon.
Nakita ko ang likuran ng babae na humahabol dun sa bata. Napakapamilyar kasi, pero impossible kasi wala na siya eh. Winaksi ko nalang ang nasa isipan ko, siguro nga dahil sa pagka miss ko sa kanya kung saan saan ko nalang nakikita ang istura niya maski ilang babae iniimagine ko na siya yun, pero maya-maya ay nagigising ako na hindi yun.
Bumalik nalang ang tingin ko kay Terrence na nakikipaghabulan sa mga bata at panay akyat sa mga bars sa playground. Habang yung babae naman ay nakabuntot dun sa babaeng bata, nakapagtataka. Gusto ko na ngang tumayo para lapitan siya dahil may kutob ako, pero pinapapaalala ng isipan ko na wala na siya kaya nanatili nalang ako sa upuan ko at nakasulyap sa anak ng kaibigan ko na halos pawisan na sa kakatakbo.
Sumandal lang ako sa bench at nilabas ng cellphone ko upang i-check kung may impormasyon na ang ilang mga kapatid ko kung nasaan sina Jessy sa America, pero wala. Kaya napagtripan ko nalang na kumuha ng litrato sa playground at kay Terrence na hawak ang batang babae at sabay na tumatakbo palayo dun sa isang kalaro nila na siguro ang 'taya'. Naalala ko na nakipaghabulan din kami sa Private Island namin noon kasama si Jessy.
"Yaena! Don't climb in that! Hey little boy, don't climb you might fall!" Napabalik ang attensyon ko dun sa babae at sa mga batang sinasabihan niya. Nasipat ko na si Terrence na umaakyat sa bars kaya tumayo ako at sinigawan para marinig niya ako kahit malayo sila.
"TAM! Wag kang umakyat dyan!"
"Opo!" Dahan-dahan namang siyang bumaba. Pero nadulas yung isang paa niya kaya napatayo ako at akmang tatakbo na upang saluhin sya pero nagulat ako sa liksi at bilis nung babae at nasalo si Tam pero pati siya natumba rin.
"Terrence!" Nag-alalang saad ko at agad siyang dinaluhan at sinuri ang katawan niya. Ni hindi ko napansin yung nagligtas sa kanya at nabaling ang buong atensyon ko sa bata.

BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasy'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...