{11}

115 5 0
                                    


ESO'S POV:

Sa pagbigay ko ng kwintas ko kay Shin ay parang sinuko ko ang pakpak ko. At mananatili ako bilang isang normal na tao.

Oo ang kwintas nayun, yun ang pakpak ko. Korteng pakpak ko yun, at masakit sa pakiramdam ng may mawala na isang napaka importanteng bahagi sa akin.

"Ate Eso?" Napalingon ako sa pagtawag ng pangalan ko. Ngumiti ako sa batang lalaki kasama ang bantay niya.

"Oh, Tamtam bakit ka lumabas ng kwarto mo?" Tanong ko at nilapitan siya at pinaupo katabi ko.

"I'm bored Ate. At gusto kitang makita." Paglalambing niya at niyakap pa ako. Napatawa pa ako bahagya at niyakap rin siya, nagpaalam naman sa amin ang bantay niya upang kukuha lang ng inumin.

"Eh nandyan naman ang yaya mo ah?"

"Eeh, di naman kasi siya marunong kumanta eh." Sabay nguso pa niya na kinagigil ko sa pisngi neto.

"Ano bang gusto mong kantahin ni Ate?" Tanong ko at inayos ang 'dextrose' na nakakabit sa kanya.

"eto Ate, dali ipaparinig ko sayo." Saad niya at inabot sa akin ang 'headphones' na tinatawag nila at nilagay sa tenga ko. Nagsimula ng tumugtog ang musika at pinakinggan ko ito.

Pamilyar sa akin ang kanta, siguro naririnig ko na noon paman. Ingles ito.

Ngumiti naman ako sa kanya habang pinapanuod niya ako na pinapakinggan ang kanta na gusto niyang awitin ko. Napagmasdan ko naman ng maigi ang mukha ni Tamtam, may konting hawig siya kay Timothy. Pero bago paman nga ako makapagsimula kumanta ay dumating rin ang nasa isip ko kanina at tumabi kay Tamtam.

"Pa!" Galak na sambit ni Tamtam at yumakap kay Timothy na malawak ang ngiti sa bata. Napatanga naman ako ng mapagtanto na anak pala ni Timothy ang batang lalaki na kasama ko. Kaya pala magkahawig sila. Pero di ko naman alam na magka-mag anak pala sila ni Timothy.

Oo minsan ko na silang nakikitang nagkakausap at magkasama, pero di naman sumagi sa isipan ko na magkamag anak pala sila. At Mag-ama pa pala.

"Ginugulo mo nanaman Ate Eso mo?" Saad niya habang kinakalong si Tamtam. Pinanuod ko naman ang pag-uusap nilang mag-ama.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Timothy kay Tamtam at ganun din ang bata. Pero nakapag tataka, nasaan kaya ang Ina ni Tamtam?

"Nasaan ang nanay niya?" Biglang tanong ko na kinatigil nilang dalawa sa pagtatawanan. Nagkatinginan pa silang dalawa at sabay pang tumingin sa akin na kinatawa ko.

"Hindi ko alam." napanganga naman ako sa sinagot ni Timothy.

"Papanong?-"

"Hehe! Kwento sa akin ni Papa, iniwan lang daw ako ni Mama pagkatapos niya akong maipanganak dito sa ospital. Bigla nalang siyang nawala na parang bula. Hinahanp namin siya pero hindi namin siya mahagilap kung saan, nasa isip nga namin baka nangibang bansa na nga po eh." Bigla namang lumambot ang mukha ko at nakaramdam ng lungkot para sa kanilang mag-ama.

"Napaka madaldal mo talaga." Natatawang sambit ni Timothy at nilingon ang nurse na kasama niya at kinuha ang ilang gamot na dala nila. "Inom ka na ng gamot mo, para gumaling ka kaagad."

Hindi ko magawang sumingit sa dalawa dahil natutuwa silang pagmasdan. Alagang-alaga ni Timothy si Tamtam, nakakalungkot lang at hindi ito nakikita ng asawa ni Timothy. Kung sana alam ko lang kung nasaan siya, sana natulungan ko rin sila. Lalo na si Tamtam na hindi manlang naranasan ang buong pamilya. Ang pagmamahal ng isang ina.

Kung sa akin lang ay ayos na ako, kahit hindi ko man makilala ang pamilya ko. Basta alam kong inaalagaan naman sila ni Ama.

"Natahimik ka?" Napabalikwas ako ng tapikin ako ni Timothy.

"Ha? Ah, wala. Haha, nakakatuwa kasi kayo." Saad ko at pinisil ang pisngi ni Tamtam na kinalukot ng mukha niya.

"Ateee~ mashakit." Sabay nguso nito at nagtago sa dibdib ng Ama niya. Tumawa naman si Timothy at hinawakan ang anak niya.

"Pero, Timothy. Hindi mo manlang ba naisip na mag-asawa ulit? Para manlang mabigyan mo ng buong pamilya si Tamtam." Tanong ko na kinabaling niya sa akin at ngumiti. Ganun din si Tamtam na napaisip rin.

"Hindi na muna, basta masaya na kami ni Tamtam. Ayos na sa akin kahit walang asawa." Napangiwi naman ako.

"Eh dapat buo ang pamilya. May Nanay at may Tatay ang isang bata. Hindi mo masasabi na masaya kayo kung alam mong may kulang, 'wag mong itago na kahit papaano ay alam mong may kakulangan rin sa buhay niyong mag-ama." Umiling si Timothy sa akin at hinawakan sa ulo ang anak niyang si Tamtam na nakangiti rin sa akin.

"Minsan, makuntento ka nalang sa buhay na meron ka ngayon para maging masaya ka. Wag mong ipilit ang isang bagay na makakapag-pabago ng isang nakagisnan mo na noon. Kahit walang ina si Tamtam, basta't nakikita kong masaya siya, ayos na ako sa buhay."

Tama nga naman. Hindi ko nalang ipipilit ang gusto kong mangyari para sa kanilang dalawa at pinanuod nalang ang pagkukulitan nila.

"Kung pwede Ate, ikaw muna maging Nanay ko?" Napatigil rin naman ako ganun din si Timothy na nag-aalangang magsalita.

"Tamtam! Ano bang sinasabi mo? Nakakahiya ka." Suway sa kanya ni Timothy. Napangiti lang din naman ako at hinawakan ang pisngi ni Tamtam na mataba at namumula.

"Ayos lang rin naman. 'Wag kang mag-alala Timothy, ayos lang sa akin. Ano pa't naging magkaibigan tayo, at etong simpleng hiling lang ng anak mo ay hindi ko pa mapapagbigyan." Napakamot naman siya sa batok niya at nagkibit balikat lang rin din.

"See Pa? She said yes, ikaw lang tong nahihiya eh." Sabay bungisngis ni Tamtam na kinasuway ulit sa kanya ni Timothy.

"Stop that kiddo. It's not funny."

"*ehem* Am I bothering something?" Napatigil pa ako ng marinig ang boses ni Shin kaya mabilis akong umikot upang makita siya na papalapit sa amin.

"Ninong! Wala po, halika sali ka samin!" Tili ni Tamtam. Ngumiti lang din si Shin at tumabi sa akin kaharap kay Tamtam.

"So what's up here?"

"Ah, may nakita na akong Nanay-nanayan ko muna." Sagot naman ni Tamtam na may malapad na ngiti.

"Really? Sino?" Tanong ni Shin. Bigla namang bumaba si Tamtam sa pagkakandong niya sa Tatay niya at lumapit sa akin at humawak sa balikat ko.

"Si Ate Eso! Na siyang tatawagin ko nang Mama! Ang saya diba Ninong? May Mama na ako!" Sabay palakpak pa niya na kinagiti ko rin at pinisil ulit ang pisngi niya.

Wala lang rin naman sa akin ang pagtawag ni Tamtam na Mama niya eh. Handa naman akong tumulong pansamantala, hindi naman nakakasagabal ito sa misyon ko kaya ayos nalang rin. mas dumagdag pa ang naging pamilya ko dito sa lupa.

"Eso? Your Mom?" Humarap ako sa kanya at tumango, naramdaman ko namang gustong umupo ng bata sa kandungan ko kaya binuhat ko nalang siya.

"Wala namang masama, naghahanap ng kalinga ng isang ina ang bata. Pagbibigyan ko nalang. Bakit? May problema ba sa ginawa ko?" Tanong ko. Nakaramdam naman ako ng kamay na naglalaro sa pisngi ko kaya nakangiti kong nilingon si Tamtam na siyang may-ari ng daliri nayun.

"W-wala naman. Mabuti na yun at may kinikilalang ina pansamantala ang bata. " tumango naman ako at nakipaglaro kay Tamtam. Habang sina Shin at Timothy naman ay pinapanuod lang kami na nagtatawanan ng bata.

"Alam mo Ma, parang may kamukha ka." Biglang sambit ni Tamtam na kinataka ko kaya hinuli ko muna ang kamay niya at tiningnan siya.

"Talaga? Sino naman?" Takang tanong ko at humarap kay Timothy na sinusuri din ang mukha ko at napalingon kay Shin na nagtataka rin.

"Kamukha mo si Tita Emily Sol. Kapatid ni Papa ."

Emily Sol? Narinig ko na yun kay Timothy, nakapagtataka ang pangalan nayun. Sino kaya siya?

-------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon