{19}

105 4 1
                                    

SHIN'S POV:

Ng makahanap kami ng mesa ay hinila nanaman ako ni Eso at pinaupo sa isang upuan at siya tong dumeretso sa counter upang bumili ng makakain.

Nginitian ko nalang ang mga pasyente at ilang Hospital staffs na binabati ako.

"Shin! Anong gusto mong kainin?" Malakas na saad ni Eso na lahat ata ng tao sa canteen narinig ang boses niya. Nahiya naman ako ng biglang nagsitinginan ang mga tao sa akin, bumaling ulit ako kay Eso na tila naghihintay ng sasabihin ko.

"Kahit ano dyan." Saad ko nalang at napasapo sa mukha ko sa pinanggagawa ni Eso.

Maya-maya ay may dumaan na dalawang pasyente sa tabi ko at kinausap pa ako habang nakamasid kay Eso na giliw na giliw na namimili ng pagkain.

"Bagay kayo, Doc." Ngumiti lang ako ng pagak sa kanila at napahawak sa batok ko.

Pero nakaramdam din ako ng tuwa sa sinabi nila.

"Ligawan mo kaya Doc?" Halos nabulunan ako sa sarili kong laway sa sinabi ng kasama ng isang pasyente.

"Ha-ha, magkaibigan lang kami." Depensa ko.

"Ay sayang naman, bagay sana kayo Doc eh." Ngumiwi lang ako sa kanila tsaka sila magpaalam at tsakto ring dumating si Eso dala ang isang tray ng mga pagkain.

"Kainan naaa! Pakabusog ka Shin, halata ang pagod mo oh! Lumalalim yung itim sa mga mata mo. Subsob ba sa training, rin?" Mahinang pahayag niya habang naka lean forward sa akin.

"Yeah." Saad ko at kumuha ng pagkain mula sa tray at sinimulang lantakan. Ngayon ko pa naramdaman ang gutom dahil sa mga pagkain sa harap ko.

Habang kumakain ay napansin ko si Eso na pinagmamasdan lang ako kaya umangat ako ng tingin sa kanya at nilapag ang tinidor na hawak ko at tumingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin habang nakalapag ang dalawang braso sa mesa.

"Ba't di ka kumakain?"

"Ayos na ako, ikaw lang inaalala ko. Sinabi kasi ni Leila, di ka pa kumakain. " napangisi ako at umiling. Minsan talaga tong si Leila, daming paraan.

"Kumakain na ako, kumain ka na rin." Sabi ko at nilagay sa harapan niya ang plato ng carbonara.

"Sige!" pahayag niya at sinimulang lantakan narin ang pagkain niya. Napangiti ako sa kanya, walang arte kung kumain. Ang sarap lang niyang panuorin. Pero napatigil rin ako ng bigla siyang napatingin sa akin at puno pa yung bibig.

"Bakit?" Tanong ko.

"V'at dshi kah yin kum'kain?" Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Napatawa pa ako ng sumubo pa siya kahit puno yung bibig niya.

Inabutan ko naman siya ng baso ng tubig, agad niya iyon kinuha ng nagsimula siyang umubo at panay hampas niya sa dibdib niya.

"Ang saraaap! Kain ka! Ikaw naman tong nakatitig sa akin." Nakaramdam ako ng pangangapal ng mukha sa sinabi niya. Kaya agad kobg kinuha ang tinidor at kumain narin. Halos nagpaligsahan kaming dalawa sa pagkain, at paunahan sa pag-ubos ng binili niyang pagkain.

"Go Doc!"

"Eso! Eso! Eso!"

Panay cheer ng mga tao na nakapaligid sa amin habang nag-uunahan kami ni Eso sa pag-ubos ng pagkain. Hinihigop na niya yung sabaw ng lomi at ganun rin ako, halos sabay naming nailapag yung mangkok at nagtagisan rin ng tingin tsaka namin inabot ang burger at nagsimula nanamang kumain.

"Wooooh!"

"Go! Go!"

Napangiti pa ako ng makita yung mukha ni Eso, lobong lobo yung pisngi niya at nagkalat yung ketchup sa pisngi niya kaya di ko napigilan yung tawa ko pagkatapos kong makainom ng softdrinks.

"Bakeet?" Tanong niya at nginuya ang pagkain tsaka uminom narin.

"Ang dungis mo!" Sabi ko na may malapad na ngiti. Kumuha naman siya ng tissue at pinunas sa pisngi niya, kumuha narin ako ng tissue at tinulungan siyang alisin ang dumi sa mukha niya na umabot pa hanggang sa ilong niya.

"Ayiieeeee~!" Napatigil rin ako sa ginagawa ko at napatitig nalang kay Eso na diretsong nakatingin rin sa akin tsaka napatingin sa paligid niya.

Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo kami sa isa't-isa at tila naging awkward ang paligid namin kahit na naghihiyawan yung kaninang nagchecheer sa aming dalawa. Narinig ko rin ang kakaibang tunog mula sa dibdib ko.

"Busog na busog na ako!" Napabaling ako sa kanya ng magsalita siya at hawak pa ang tiyan niya. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Halika na, babalik na ako sa trabaho." Sabi ko at tumayo tsaka hinawakan siya sa wrist niya at hinila patayo. Tamad na tamad pa siyang tumayo at nagpahila pa sa akin habang naglalakad kami. Nabibingi-bingihan nalang ako sa panunukso ng mga tao sa paligid namin, dahil ako mismo naguguluhan sa nararamdaman ko.

Nakasalubong pa namin si Tim na napansin ata kami kaya agad sumilay ang nakakalokong ngisi niya sa akin kaya sinamaan ko kaagad siya ng tingin, pero di nawala ang ngisi sa mukha niya.

Nagulat ako ng biglang hinila ni Eso yung kamay ko kaya napatigil ako at tumingin sa kanya. Nakanguso siya tsaka inayos ang damit niya.

"Labas tayo Shin, dyan lang sa palaruan. Gusto kong makipaglaro sa mga bata." Hyper niyang saad habang hinihila ang Doctor's Coat ko.

"Ikaw nalang, may trabaho pa ako." Sabi ko. Pero umiling lang siya at biglang hinila ang braso ko, di ko maintindihan yung lakas niya na nahila ako hanggang sa playground. Marami nga'ng bata na naglalaro.

"Doc! Ate Eso!" Masayang bati ng mga bata na nakakita sa amin. Ngumiti lang ako sa kanila at umupo sa bakanteng bench at namataan si Eso na nandun na sa mga bata at nakikipaghabulan. Napangiti ako sa ginagawa nila.

Eto ring si Eso, parang hindi matanda kung umakto. Wala siyang pakialam sa mga sinasabing masama ng ibang tao sa kanya, kesyo bata isip daw or magaslaw, at di nakaligtas sa akin ang pagsabi nila na malandi siya dahil dikit siya ng dikit sa amin. Kaya nabaling ang tingin ko sa dalawang nurse at isang matabang babae na nag-uusap. Yumuko sila at umalis. Napatiim bagang lang ako at kinalma ang sistema ko tsaka bumaling ulit kina Eso.

Napatayo ako ng makita ang isang bata na nakasabit sa monkey bar at parang mahuhulog.

"Yung bata!" Biglang saad ko. Napatingin din si Eso roon at halos mahigit ko ang hininga ko sa nasaksihan kong kakaiba.

Tila parang isang liwanag na dumaan sa bata at pagkakurap ko ay nasa lapag na yung bata, akay-akay ni Eso. P-papaano?

How? What?! What just happened?!

Papaano nakapunta si Eso sa bata? Eh halos magkabilang dulo ang kinaroroonan nilang dalawa. Nakaramdam ako ng mainit sa leeg ko kaya napahawak ako roon at nakapa ko yung kwintas ni Eso na biglang lumiwanag.

Napakurap ulit ako at tumingin sa kinaroroonan ni Eso. Pinaliit ko ang kata ko habang pinagmamasdan siya, may liwanag na bumalot sa kanya at namataan ko ang parang shadow ng liwanag sa likuran niya at napakalaki nun, p-parang pakpak?

WHAT KIND OF CREATURE IS ESO?!

-------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon