{9}

103 4 0
                                    


ESO'S POV:

"Timothy?" Sabay katok ko sa pintuan ng opisina niya. Tsaka ako pumasok at nadatnan siyang may tinago sa ilalim ng mesa niya.

"Eso, bakit?" Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Maski nagtataka kung ano yung tinago niya ay sinabi ko ang pakay ko. Napag isipan ko narin ang sinabi ni Ate Ria noong nakaraang araw tungkol sa pagkaroon ng trabaho.

"Pwede mo ba akong bigyan ng trabaho? Kahit ano!" Napakunot naman ang noo niya at ngumisi sa akin sa sinabi ko.

"At bakit gusto mo magkatrabaho?"

"Kailangan ko ng pambili ng mga gamit ko, nahihiya na kasi ako kay Ate Ria na palagi nalang akong nanghihiram sa kanya ng mga gamit." Napatango naman siya at tumayo tsaka nilapag ang damit pang doktor niya sa upuan at lumapit sa akin.

"Ibibili nalang kita, di mo na kailangan magtrabaho." Napailing ako.

"Nako, kailangan kong pagtrabahuhan yun. Sige na! Kahit anong trabaho, pwede mo akong maging utusan!" Pag gigiit ko. Napakamot pa siya sa ulo niya tsaka napa isip.

"Sige, pero ako nalang kasi bibili ng mga gamit mo. Tara na, wag na makulit." Napanguso nalang ako at nagpati anod sa kanya hanggang sa sasakyan niya. Napangiti nalang din ako sa aura niya.

Nakapag tataka talaga simula ng una kaaing magkakilala. Napaka gaan ng loob ko sa kanya. Pero napaisip ko na, siguro mabait na tao si Timothy kaya napagka gaanan ko ng loob. At totoo naman.

"Alam mo Eso, kung nandito lang si Emily Sol. Siguro magkakasundo kayo."napalingon ako sa kanya sa biglang pagbangit niya ng isang pangalan. Tsaka naman siya nanahimik ulit kaya hindi ko nalang muna uungkatin kung ano yung nabanggit niya.

Huminto kami sa isang napakalaking gusali na tinatawag nilang 'Mall' daw. Dun ako dinala ni Timothy, at hinila ako papunta sa loob nito at pumasok sa isang 'shop' na nandodoon na nagbebenta ng mga damit. Napakaraming damit.

Napatanga nalang tuloy ako at napamangha sa laki ng tindahan nayun. Kasama ko si Timothy na nagpipili ng mga magagandang damit na naroroon, hinayaan ko nalang siya ang pumili at pinapa sukat sa akin.

"Nako Timothy! Tama na yan, napakarami na niyan. Nakakahiya na." Pigil ko sa kanya ng i-aabot na sana niya ang tatlong piraso na damit dun sa babae na nakasunod sa amin at may bitbit ng mga damit na pinamili ni Timothy.

"Ayos lang Eso, sige na. Para sayo to." Napangiwi nalang ako at hinayaan nalang siya kahit nahihiya na ako sa mga ginagawa niya. Pero, kapalit naman nito ang serbisyo ko para sa kanya eh.

"Ang cute niyo naman po, ang sweet ng boyfriend mo Ma'am." Sambit ng babae.

"Haha. Nagkakamali ka, hindi ko kasintahan si Timothy." Pagtatama ko sa babae. Humingi naman siya ng paumanhin at sumunod nalang sa amin ulit.

Ilang oras din ang ginugul namin sa kakabili lang ni Timothy ng mga gamit ko. Nakakahiya, marami ng napagkakamalan kaming magkasintahan kahit hindi naman totoo.

"Huwag mo nalang silang pansinin. Nagugutom ka na ba?" Umiling ako sa kanya at dumikit pa lalo sa kanya ng mapansin ko ang ilang grupo ng mga kalalakihan at kababaihan na nakatingin sa amin.

"Bakit ganun sila makatingin? Lalo na yung mga babae, parang galit sa akin?" Narinig ko ang pagtawa niya bahagya at pinatong niya ang braso niya sa ulo ko.

"Naiinggit lang yan, may gwapo ka kasing kasama."

"Ganun? Dapat sumama ka rin sa kanila, para hindi na sila mainggit." Tumawa na siya tsaka napapailing.

"Hindi ko naman sila kilala eh, bakit ako sasama sa kanila? Tsaka ayaw ko sa kanila, mga mukhang hindi gagawa ng tama eh. At isa pa mga bata sila." Nagkibit balikat nalang ako at tumango. Kung saan saan pa niya ako dinala hanggang sa makabalik kami sa ospital.

Tinulungan niya akong ilipat ang mga pinamili namin sa van na sinasakyan namin tsaka sabay na kaming pumasok sa ospital. Nadatnan pa namin si Shin na naka-upo sa loob ng canteen at ng mamataan kami ay biglang napatayo at lumapit sa amin.

"Saan kayo galing?" Agad na salubong niya sa amin at panay pabalik-balik ng tingin sa amin ni Timothy.

"Namili lang kami ng mga gamit ni Eso, wala daw siyang mga ginagamit daw eh. Kaya sinamahan ko na." Tumango naman ako bilang pagsang ayon. Nanatili ang seryosong tingin ni Shin tsaka na siya tumalikod sa amin at naglakad palayo.

Nakaramdam naman ako ng mabigat sa kanyang kalooban kaya nagpaalam muna ako kay Timothy tsaka ko hinabol si Shin hanggang sa loob ng opisina niya.

"Shin, ayos ka lang ba?" Tanong ko. Napaikot pa siya paharap sa akin at tila nagulat na sinundan ko siya.

"Wala, nasanay lang ata ako na palagi mo akong sinusundan. Kaya, nagtaka ako kung bakit nawawala ka kanina." Tumango naman ako at pinanuod siya na tila hindi alam ang gagawin sa loob ng opisina niya.

"Ah okay? Gusto mo bang samahan kita sa pag-ikot ngayon sa mga pasyente mo?" Dun siya napatigil at humarap sa akin.

"Sige." Sagot niya at naunang lumabas ng opisina niya. Nakasalubong pa namin si Timothy na nakangiti sa akin.

"Timothy, gusto mong sumabay sa amin? Mag-iikot kami sa mga pasyente." Alok ko. Napatingin pa siya sa aming dalawa ni Shin at biglang napangisi at umiling nalang.

"Kayo nalang Eso, may gagawin pa kasi ako eh. Salamat."

"Ako dapat ang magpasalamat. Hehe, salamat ng marami Timothy. Huwag kang mag-alala, pagsisilbihan kita bilang kabayaran sa tulong mo." Umiling naman siya at ginulo ang buhok ko na kinaguso ko naman.

"Sige, una na kayo." Tumango naman ako at hinarap si Shin na seryoso parin ang mukha sa amin at nakatingin lang sa direksyon ni Timothy.

"Shin? Tara na!" Saad ko at hinila ang braso niya papunta sa mga pasyente niya. Nakangiti lang ako sa bawat pasyente na nabibisita namin. At pansin ko kay Shin ang pagiging tahimik niya.

Siguro nga nangungulila na siya kay Henna. Matapos kasi ang ilang araw at napatunayan namin na si Ginang Felecity nga ang ina ni Henna ay kinuha na siya neto.

"Shin, bisitahin naman natin si Henna." Suhestyon ko na kinabaling niya sa akin at tumango.

Kahit papaano nakaramdam ako ng siya mula kay Shin sa sinabi ko.

----

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon