SHIN'S POV:
Halos isang buwan narin ang lumipas, hindi kami nagkita ni Eso at ni Ate Ria. Aaminin ko, namiss ko ang presinsya ni Eso ang palaging pagbubuntot niya sa akin kung saan man ako pumunta. Ang pagiging madaldal at jolly niya. Kinalimutan ko ang nakita ko noon, baka nagmamalikmata lang ako.
"CHESTER! CHLYDE! Don't play!" Agad na awat ni Jessy sa dalawa na naglalaro imbes na mag insayo.
**
Napasalampak kami ng higa sa sahig matapos ang training namin. Si Kief at Kief kahit pawisan naghaharutan at nagyayakapan habang nakahiga. Kahit kailan talaga may taglay na kalandian ang dalawang yan.
"Shin? Andito ka ba?" Napantig ang tenga ko sa pamilyar na boses na biglang umalingawngaw sa Training room. Maski ang mga kapatid ko ay nakakunot ang noo na napatingin sa akin.
"Andyan sila hija, kakatapos lang ng training nila eh." Rinig kong boses ni Kevin, ang assistant ni Lolo. Napa-upo ako at agad siyang nakita na nakatayo sa pintuan. Sandali siyang nakatayo doon at nakatingin lang sa akin, at biglang napangiti nalang rin.
Tumayo naman ako para lapitan siya. Di ko alam kung anong gustong ipahiwatig ng kalooban ko, nagagalak at na masaya na ewan. Parang gusto ko siyang yakapin sa nararamdaman ko. Kaya nagulat nalang rin ako sa ginawa ko ng maramdaman ko ang maliit niyang katawan malapit sa akin. Naramdaman ko rin yung kamay niya sa likuran ko at tinatapik iyon.
Mga mahinang hiyawan ng mga kapatid ko ang bumalot sa likuran ko. Humiwalay ako sa kanya na may ngiti sa labi ng masilayan siya.
"Isang buwan kang wala sa ospital." Nakanguso niyang pahayag. Ngumiti ako at kinurot ang ilong niya na kinareklamo niya lang rin. Napatingin sa sa leeg ko kaya bigla siyang naglakad at kinuha ang isang towel tsaka nilagay sa leeg ko.
"Thanks." Sambit ko at pinunasan yung pawis ko. Naramdaman ko ring may bumato ng damit sa likuran ko kaya lumingon ako at sinamaan ng tingin ang mga kapatid kong nakangisi sa akin. Kinuha ko yung t-shirt tsaka sinuot. Hinila ko rin paalis roon si Eso at napunta kami sa sala.
"Naparito ka?" Tanong ko matapos utusan ang isang maid para dalhan kami ng maiinom at makakain.
"Gusto kitang kamustahin. Nasabi kasi ni Timothy na hindi ka muna makakapasok sa ospital para sa seguridad mo." Tumango naman ako sa kanya tsaka napasandal sa sofa.
"Yeah. Dito muna kami sa mansyon. Kamusta sa ospital?"
"Si Tamtam nakalabas na ng ospital pero araw-araw ring naroroon, gusto kasi akong makasama. At 'namimiss' ka na ng mga pasyente mo dun, Doc!" Napangiti ako sa kanya at kinuha ang tray sa maid tsaka inabutan siya ng inumin. Kinuha ko nalang rin yung isa, napatingin ako sa kanya ng may makahulugan siyang tingin sa akin at bumaling sa juice.
"One two three!" Pagbibilang ko at nagpaligsahan nanaman kami kung sino makauna makaubos ng juice sa baso. Nauna kong maubos yung inumin at dahil roon ay napanguso siyang muli kaya napatawa ako.
"Ang bilis mo naman!" Saad niya at napangiti nalang rin. Binelatan ko siya at nagulat ako ng bigla niyang pisilin yung pisngi ko.
"Aray! masakit!" Reklamo ko at inalis yung kamay niya sa pisngi ko. Tumawa naman siya habang sapo ko yung pisngi ko. Dun ko naman nahawakan ang kamay niya ng matagal. Napakalambot nun at masarap sa pakiramdam.
"Salamat Shin." Nagtaka ako sa bigla niyang pagpapasalamat.
"Saan?"
"Dahil nararamdaman ko na unti-unti kang naniniwala sa mga anghel. Biglang gumaan ang pakiramdam ko, kahit papaano. Konektado tayo Shin di lang dahil dyan sa kwintas ko kundi sa espirito santo. Basta't mataas ang pananalig mo at alam ko balang araw lubos mo ring paniniwalaan ang mga tulad ko." Nabitawan ko ang kamay niya at umupo ng maayos sa sofa.
Di ko alam, kinakabahan ako sa tono ng pananalita niya. Oo inaamin ko, unti-unti kong pinaniniwalaan ang katotohanang may anghel, sa pagkukubinsi ni Jessy at panunuod at pagreresearch ko tungkol sa mga Angel.
"Kung lubusan kang maniniwala, may ipapakita ako sayo. Bilang isang pasasalamat narin Shin, bibigyan kita ng isang regalo." Saad niya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na hustong nagpakabog ng dibdib ko.
Huminga ako ng malalim at inabutan siya ng cookies. Ngumiti naman siya at kumuha nun at kinain. Di ko rin tinanggihan ang pagsubo niya ng isang cookie sa akin, bagkus nagpaligaya pa sa loob ko.
Masaya ako sa piling ni Eso. Anghel o Tao, parang ayoko siyang mawala sa paningin ko.
"Eso? Sir Shin. Pasensya na, hija. Pero kailangan na nating umalis." Mabigat sa loob ko na napatingin kay Eso na nakangiti lang sa akin tsaka hinigpitan ang hawak sa kamay ko bago tumayo at nagpaalam sa akin.
Pinagmasdan ko sila na hanggang makalabas ng pintuan ng mansyon. Nanahimik muli ang mundo ko. Umupo ulit ako sa sofa at pinagpahinga ang ulo ko sa sofa.
"Someone is inlooooveee~" napamulat ako ng mata at nadatnan ang mga kapatid ko na magkakasama at nakangisi ng nakakaloko sa akin. Sinamaan ko sila ng tingin at tumayo, pero mabilis na nakalapit sa akin si Kuya Xian at Lem at hinila muli ako paupo.
"Do you have feelings for Eso, Kuya?" Malambing na tanong ni Jessy na nagbigay kaba sa akin.
"A-ano bang pinagsasabi nyo?! Hoy! Bitawan nyo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Humiga pa si Chlyde sa kandugan naming tatlo para mapigilan ang pagpupumiglas ko sa paa.
"Answer us first, Shin Myun!" Nag iintrigang saad ni Kuya Xian.
"W-wala! Bitaw nga! Chlyde, umalis ka nga dyan!"
"Well, kahit na wala akong alam tungkol sa pag-ibig Kuya. Napagmasdan ko ang mga magulang ko noon kung paano magmahalan. At nakita ko ang kislap sa mata mo nung nakatingin kay Eso. Admit it!" Maligayang saad niya at tumayo na. Nagsitabi pa yung iba sa kanya kaya pinalibutan na nila ako.
"Aminin mo na kasi Kuya!"
"Kuya in denial pa! Haha."
"Ano ka chix Kuya?!"
"You love her! Admit it! "
"OO NA! BITAWAN NYO AKO!" Biglang bulalas ko. Nanahimik pa sila sa bigla kong pagsigaw at unti-unting sumilay ang mga matagumpay na ngiti sa mga labi nila.
"I KNEW IT!" Sabay na saad nila at nagdiwang pa. Hindi na nila ako nilubayan hanggang lumalim ang gabi na 'yon, mabuti nalang nakapasok kaagad ako sa kwarto ko at pinagsarhan sila.
Hanggang ngayon, malakas parin ang kabog sa dibdib ko at di mapigilan ang ngiti sa labi ko ng mapagtanto ang totoong nararamdaman ko para kay Eso.
Okay. I like her, or more than that. But what's important is I get to admit it to myself and to the people around me.
But I don't know how to tell her.
--------------
![](https://img.wattpad.com/cover/73354655-288-k858487.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasy'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...