{6}

105 4 0
                                    

ESO'S POV:

Bakit di niya ako pinaniniwalaan? Alam ko na yung babaeng yun yung ina ni Henna eh.

Hindi ako magkakamali, siya ang nakita ko na ina ni Henna.

"Eso? Hija, may problema ka ba? Malungkot ka." Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita. Si Lolo Jaena lang pala.

"Hindi po, ayos lang ako. " nakangiting saad ko at nagpaalam na siyang umalis. Nanatili ako sa upuan ko at pinapanuod ang mga Nurse at ilang Doktor na dumadaan at ilang pasyente na binabati ako.

Alam ko kasi eh, siya yung ina ni Henna. >3>

*bang*

Nataranta ako sa biglang may pumutok at biglang nagsilusob ang ilang di kilalang kalalakihan. Hinila ako papasok sa ward ng mga bata at tinulak ako. Napasubsob tuloy ako sa kama, tsaka ko nakita ang mga bata na nanginginig sa takot.

"Ate Eso. Huhu, sino po sila?" Umiling ako at lumapit sa kanya at pilit silang pinapatahan.

Nakita ko ang mga armas na dala nila at matatalim ang mga tingin sa amin. Maski ako natakot sa kanila at nanatiling tahimik. Sino sila?

'Ama, tulungan niyo po kami. Baka po mapahamak ang mga tao na naririto.'

'May dadating na tulong, anak.'

Napapikit ako sa takot na nararamdaman ko at para sa mga inosenteng tao na nakapalibot sa akin.

Ilang oras pa ang lumisan at nanatili kaming lahat sa loob ng ospital, may naririnig pa akong sirena ng mga pulisya sa labas at ilang paki-usap nila na sumuko na ang mga masasamang loob.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng ilang putukan ng armas. At ang pag-galaw ng mga tao na naririto. Rinig ko iyon kahit napakahina lamang ng tunog. Iyon na siguro ang tulong na sinasabi ni Ama.

Gugustuhin ko mang tumulong, wala akong magagawa. Ang kaya ko nalang gawin ngayon ay protektahan ang mga bata na kasama ko, gamit ang pakpak ko ay tinakip ko iyon sa amin. Kahit ako lang ang nakakakita, kahit ganitong pag protekta lang, sana nakatulong ako.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao, yung tutulong sa amin. Nandito na siya. Nakarinig ako ng suntukan at pagtulak ng isang tao.

"Officer Mask. We are glad you joined us here. " nakangising sambit nung lalaki. Yung babae na palaging nagliligtas kila Shin!

Nakipaglabas siya rito at minsan siyang natatamaan, wala akong magawa sa sitwasyon ko. Nagdasal nalang ako para sa sitwasyon namin. Ilang sandali lang ay natapos ang laban at pinosasan na sila, hindi ko manlang siya malapitan kaai binitbit na niya yung mga lalaki at palabas ng ospital. Panay kausap naman ako sa mga bata na naririto.

Sumunod kaagad ako sa kanya hanggang sa labas gusto ko siyang habulin pero nakasakay na siya sa sasakyan niya kasama si Shin, atsina Ate Ria naman ay sumunod din. Siguro dito muna ako, baka babalikan naman ako nina Ate Ria eh.

"Eso!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Timothy na hinihingal at mukhang nataranta habang papalapit sa akin.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" Pag-uusisa niya sa akin, madali pa nga niya akong napa-ikot at hinarap muli. Napangiti naman ako sa kanya ng maramdaman ko ang pag-alala sa kanya para sa akin.

"Ayos lang ako. Pero, yung mga tao na pumasok dito hindi ata. Nasaktan sila." Saad ko habang nakatingin sa mga kasamahan ng mga lalaki na nilalabas sa ospital ng mga pulisya. Narinig ko pang napatawa si Timothy.

"Masasama sila Eso, dapat lang sa kanila yan." Napatingin ako sa kanya at umiling.

"Dapat hindi tayo nagkasakitan, ang dapat ay magmahalan pa. Iyon ang sabi, mahalin mo ang kaaway mo. Hindi ba?" Napangiti pa siya lalo sa akin at napapailing pa.

"Yeah, but what they did is not right too. Dapat muna silang parusahan." Napanguso ako at sinulyapan ang mga lalaki na pinapapasok sa sasakyan ng mga pulis.

"Ganun ba? Sana ayos lang sila." Saad ko.

"Kakaiba ka talaga Eso, kakaiba ang kabaitan mo." Napangiti naman ako sa kanya tsaka niya ako niyaya pabalik sa loob ng ospital.

Sinamahan ko siya na tiningnan ang mga pasyente nila at tumutulong narin na pakalmahin sila dahil sa nangyari. Nag-alala rin ako kay Shin, ano kaya nangyari sa kanya?

Palpak kaagad ako sa misyon ko, hindi ko siya nabantayan.

'Patawarin nyo po ako.'

Ng maalala ko rin si Henna. Hala! Si Henna!

Tumakbo ako papunta sa kwarto niya at nakita na nakatulala lang ito at ng makita ako ay napaiyak pa ito kaya agad akong lumapit sa kanya upang patahanin siya.

"Shh. Tahan na Henna, wala na sila. Ligtas na tayo, magpasalamat tayo kay Ama at nagpadala kaagad siya ng tulong."

"Oo, salamat. Natakot ako kanina Eso, akala ko masasaktan kami."

Napangiti ako sa kanya at siniguro na ayos na ang lahat. At alam kong nagtataka kayo kung paano ko narinig ang boses ni Henna. Oo pipi siya, pero naririnig ko ang boses ng isip at puso niya. Eto ang isa sa mga espesyal na kapangyarihan ko, kaya kong bigyan ng boses ang hindi makapagsalita. Yun ang binigay ni Ama sa akin upang malaman ko kung ano ang gustong ipahiwatig ng mga tao na hindi makapagsalita.

"Si Shin? Nasaktan ba siya?"

"Hindi, pero yung tumulong sa amin ang nasaktan. Nakita ko na nasaktan siya."

"Ha? Sana naman ayos na siya." Sambit ko at nagdasal para sa kaniya.

"Kakaiba ka talaga Eso, naniniwala na ako na isa kang Anghel. Pero, bakit ka nga ba bumaba dito?"

"May isa akong misyon, Henna."

"Ano naman iyon?"

"Kailangan kong tulungan makabangon si Shin sa nakaraan na hindi niya makalimutan, at kumbinsihin siya na totoo kaming mga Anghel na tumutulong."

"Alam ko yan, nabanggit sa akin ni Shin din yan. Ang tungkol sa mga magulang niya. 'Wag kang mag-alala, Eso. Maniniwala rin siya."

"Sana nga." Saad ko at tumabi sa kanya sa higaan niya.

"Nahanap nyo ba ang ina ko?"

"Oo nahanap namin, pero hindi naniwala si Shin." Napanguso ako.

"May sasabihin ako Eso,matagal ng sinabi ng kinamulatan kong ina eto."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kinamulatang ina?

"Ampon ako, nakita ako nina Nanay sa labas ng bahay namin. Kaya hindi rin ako kinilala ng tatay-tatayan ko bilang anak."

Hinawakan ko ang likuran niya.

"Kukumbinsihin ko si Shin, kung ayaw niya. Ako ang pupunta sa iyong ina at sasabihin ko na ikaw ang anak niya."

Nakita ko ang pagkasigla sa kanya atngumiti ito sa akin.

"Napaka bait mo, at salamat sa lahat ng tulong mo Eso."

Kinindatan ko lang siya tsaka ko siya inabutan ng mansanas sa isang basket ng mga prutas. Pagkatapos ko siyang alagaan ay nagpaalam na akong lumabas at sakto namang nakasalubong ko si Timothy na kausap ang isang nurse.

"Timothy!" Tawag ko sa kanya tsaka ako lumapit sa kanila. Nagpaalam naman ang nurse sa kanya tsaka namang nakangiting lumapit sa akin si Timothy.

"Bakit Eso?"

"Kailangan ko ng tulong mo." Saad ko at hinawakan ang kamay niya.

-------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon