{14}

99 4 0
                                    

ESO'S POV:

"Eto suotin mo." Pinapanuod ko lang si Ate Ria na naghahalungkat ng mga damit ko sa cabinet.

Sabi niya, tinawagan daw siya nung Jessy at gusto akong papuntahin sa bahay nina Shin mamaya.

"Sige." Nakangiting sambit ko at kinuha ang damit na binigay niya tsaka naman ako dumeretso sa banyo upang magbihis.

*

"Mamaaaaa!" Nakangiti kong sinalubong si Tamtam kasama niya ang bantay niya at ang ama niya.

"Tamtam!" Saad ko naman tsaka ko siya niyakap at binigyan ng halik sa pisngi niya.

"Ma, ang ganda mo. May lakad ka ba?" Napatingin naman ako sa damit ko. Naka bestida kasi ako na puti na hanggang tuhod ko, at pinasuot din ako ng sapin sa paa ni Ate Ria.

"Bolero ka talagang bata. Haha. Oo may lakad ako, pupunta ako sa bahay ng Ninong Shin mo." Nakangiti kong sambit. Tumango naman siya at lumingon sa Ama niyang papalapit sa amin.

"Talaga?" Tanong niya na kinatango ko. Tsakto naman dumating na ang van lulan nina Shin. Mag-isa lang kasi akong dumeretso dito sa ospital.

"Hi Shin!" Bati ko sa kanya pagkababa niya. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti at binati rin ako pabalik. Hinagod naman niya ang ulo ni Tamtam bilang pagbati sa bata at tanging tango para kay Timothy na katabi ko.

"Mamaya Eso, pinapapunta ka sa amin." Saad niya na nakahawak pa sa batok niya. Nakyutan naman ako sa ginawa niya kaya napangiti ako. Ng biglang may sumulpot sa tabi niyang pamilyar na babae sa akin.

"Hi! Ikaw ba si Eso? I'm Jessica, Kuya Shin's friend." Pakilala niya at inabot ang kamay niya sa akin. Napatanga ako at wala sa sarili na inabot ang kamay niya.

"Ako pala si Eso." Saad ko. Tumango naman siya at hinawakan ang braso ni Shin.

"Punta ka mamaya sa mansyon, pinapapunta ka ni Lolo. Gusto ka ata makilala. Right Kuya Shin?"ngiting aso ang binigay niya kay Shin na kinaiwas niya ng tingin kay Jessica, napahagikgik naman ako at tumango sa sinabi niya.

Siya ang babaemg palaging nagliligtas kina Shin! Waah, gusto ko siyang makilala ng lubusan!

"So, off to your work Kuya. Go go!" tulak niya kay Shin papasok. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. "Eso, can I talk to you for a while?" Napapitlag pa ako at tumango.

"Sige!" Masayang sabi ko at tiningnan muna si Tamtam at nagpaalam.

Dumeretso kami sa opisina ni Shin at nadatnan na naroroon siya at nakaupo sa palaging inuupuan niya sa likod ng mesa nito.

"Kilala kita." Agad na saad ko pagka sara niya ng pintuan. Nakataas ang dalawang kilay niya sa akin pagkalingon at sinipat si Shin sa likuran ko.

"What?"

"Diba ikaw ang palaging nagliligtas kina Shin? Ang babaeng nakamaskara?" Kita ko ang pagkagulantang at kaba sa mukha niya pagkasabi ko nun. Naramdaman ko rin ang kamay ni Shin sa balikat ko at pinalibot ako upang humarap sa kanya.

Kagaya ng mukha ni Jessica ay ganun din siya.

"P-papaano?- I mean, anong pinagsasabi mo Eso?" tarantang saad niya sa akin at may pilit na ngiti pa.

"Totoo! Palagi ko siyang nakikita na nililigtas kayo sa masasamang tao. Diba?" Lingon ko sa kanya na malalim ang iniisip. Tulala siyang tumango sa akin at di maalis ang titig sa akin.

"P-pero. How?"

Ngumiti ako sa kanya at binaba ang mga kamay niyang nasa balikat ko.

"Alam ko Shin. Diba sabi ko sayo, isa akong anghel? Mula sa itaas namamatyagan kita mula bata hanggang paglaki mo ngayon." Bumalik sa seryoso ang mukha niya at napapailing sa akin.

"Nagkakamali ka lang Eso, hindi siya yun."

"Eh? sabi niya eh! Tumango kaya siya, nagsisinungaling ka Shin. Alam mo bang masama yun?" Saad ko at naramdaman ang paghapdi sa likuran ko sa gawing malapit sa pakpak ko.

"Ouch!" Daing niya at napahawak sa kwintas ko.

"Shin, wag kang gumawa ng masama. Ni magsinungaling wag mong gawin. Masama yun, naaapektuhan ako." Sambit ko habang hawak ang likuran ko. Nakaramdam naman ako ng kamay sa balikat ko, napatingin ako kay Jessica na seryoso ang mukha at tila naniniwala sa sinasabi ko.

"I saw that. How the necklace shine, and your back ache, i saw a little light at your back, Eso. Is that supposed to be your angel wings?" Napatahimik ako at tumango. Humarap siya kay Shin na tila naguguluhan at di parin naniniwala sa sinasabi ko. Napanguso nalang ako at pinanuod ang paglapit ni Jessica kay Shin at hinila siya sa sulok.

Masinsinan silang nag-uusap, at kita ko ang pagtutol at pagtanggi sa mukha ni Shin.

Hindi ko mawari ang paghapdi ng init sa likuran ko kaya napaupo muna ako sa upuan habang hawak ang likuran, pero ng sunod-sunod na ang paghapdi ay di ko nanapigilang kumawala ang daing sa bibig ko. Kita ko ang pag alerto nina Shin at Jessica at daling lumapit sa akin.

"She's so pale! Quick! You're a doctor Kuya! Do something!" Pagwawala ni Jessica habang nakamasid lang sa akin at hinayaan si Shin na lumapit sa akin at sinuri ako. Ang paghapdi sa likuran ko ay unti-unti naring nawawala ng makita ko ang kwintas ko at ang pag-aalala sa mukha ni Shin para sa akin.

"She's normal now. I don't know what happened to her, but to what you're two saying, I still don't believe it." Malamig niyang sambit at lumabas. Napadaing naman ako ng tila may pumitik sa likuran ko. Nakita ko si Jessica na nakatingin lang sa likuran ko at lumapit, tsaka may kinuha doon.

"I-is this?" Napalaki ang mata ko ng makita ang hawak ni Jessica. Isang importanteng bahagi sa pagkatao ko. Ang balahibo ng pakpak ko.

"A-ang.." sambit ko at naramdaman ko ang pag init ng sulok ng mga mata ko habang minamasdan ang balahibo na unti-unting nangingitim at naging abo ng tuluyan.

"Anong nangyayari sa akin?" naluluha kong sambit habang hawak ang braso ko. Lumapit sa akin si Jessica at humawak sa balikat ko.

"I'm sorry about that. Medyo matigas pa ang puso ni Kuya Shin at sarado ang isipan niya tungkol sa uri mo. Matapos ang insidente na nangyari sa mga magulang nila." Tumango naman ako sa kanya at napatuko nalang.

Mahihirapan pa talaga ako neto.

--------------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon