ESO'S POV:KAMUSTAAA! Ako nga pala si Eso, tipid no? Pero yan talaga pangalan ko sabi ni Ama, yung mga magulang ko daw dito sa lupa ang nagbigay nun, kaso di ko kilala yung mga naging magulang ko eh.
Kwento ni Ama, sanggol palang ako ng umakyat ako sa kanila.
At eto ako ngayon, naging isang Anghel. At tinalaga ako sa isang tao para ako ang magbantay, at yun ay si Shin. Ewan ko nga bakit ayaw niyang maniwala sa akin eh nagsasabi naman ako ng totoo. >3>
Naka-upo lang ako dito sa labas ng opisina niya ng pinalabas niya ako. Di ko akalain na mas matangkad pala siya sa akin, nung sa langit kasi na pinagmamasdan ko siya mukhang maliit lang siya eh.
"Ah, miss?" Nakanguso lang ako habang ini-isway yung paa ko.
"Miss?" Napa angat ako ng tingin sa nagsasalita, isang doktor din. Kagaya ni Shin ko.
"Bakit?" Nakangiting tanong ko at tumayo. Nakita kong napatigil siya at pansin ko yung pagmasid niya sa mukha ko.
"A-ah, ikaw yung kasama nung pasyente kanina?" Napa isip ako at natandaan yung babae kanina na nakita kong nasagasaan ng sasakyan kanina. Sayang at di ko nailigtas, for sure masasabihan kung sino man ang nagbabantay na anghel sa kanya. Kasi, kakababa ko lang nun mula sa taas kaya di ako nakapag handa para sana makatulong.
"Ah, hindi. Pero kilala ko siya." Saad ko pa at umupo ulit.
"Ahm, okay. But, parang ngayon lang kita nakita. Not that I know everyone here in Manila, pero parang bago ka kasi sa paningin ko eh." Umupo rin siya sa tabi ko tsaka ako ngumiti sa kanya.
"Ah, oo bago lang ako dito sa inyo. Ako nga pala si Eso, kinagagalak kitang makilala." Sabay abot ko ng kamay ko sa kanya, nakita ko pang napatawa siya bahagya at inabot ang kamay ko.
"Kinagagalak rin kitang makilala, ako si Dr. Timothy . Pilipinong-pilipino ka pala, saang probinsya ka galing?"
"Di ako galing sa mga probinsya." Nakangiti ko paring sagot. Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Shin kaya napatayo ako at inabangan siyang lumabas.
"What are you still doing here?" Bakit ang sungit niya, Ama? Wala naman akong ginagawa eh.
"Iniintay kita." Masayang sambit ko. Tiningnan niya lang ako at umiwas rin at napapailing.
"You knew each other?" Saad ni Timothy. Hehe, di ko na kelangan silang tawagin sa mga propesyon nila. Kung nasa itaas ka, pantay-pantay lahat. Walang Doktor, walang artista, walang kahit na sino. Ang importante ay anak at nananalig ka kay Ama.
"No." Nalungkot naman ako sa sinagot ni Shin. Pero tama nga naman siya, di naman niya ako kilala eh, pero diba nagpakilala na ako?
"Aahh, tapos na pala shift mo bro. Uwi ka na?" Humarap naman si Shin kay Timothy at tumango.
"Kayo na bahala dito, pinapadali kasi akong umuwi ni Lolo eh. Alam mo na, delikado daw kasi ang buhay namin ngayon." Oo alam ko din yun, nasilayan ko ang mga tangka sa buhay nila ng mga kapatid niya, at kilala ko din kung sino ang nagliligtas sa kanila. Hihi
Pero dahil alam ko din na ayaw niyang ipagsabi ang katauhan niya kaya nirespeto ko.
Bigla namang may lumapit sa amin na mga kalalkihan at dalawang babae, na alam kong nagbabantay din kay Shin. Ngumiti ako sa kanila at bumati.
"Sir, hahatid na po namin kayo." Pahayag nung isang babae matapos akong nginitian at batiin. Mabait siya! ^_^
"Okay." Tanging sambit ni Shin at sumama sa kanila. Habang naiwan naman ako kasama si Timothy, pero nakatingin parin ako kina Shin na paalis. Haay, ang laki-laki na niya talaga.
"So, you're going home too? Gusto mo hatid na kita?" Napabaling ako kay Timothy at umiling nalang.
"Wag na, salamat nalang. Ingat ka." Paalam ko at tumakbo palabas ng ospital, nakita ko pa na paalis na yung sasakyan nila Shin, kaya ang ginawa ko ay nagtago sandali para gawin ang mahika ko na hindi makita ng mga tao, naging katulad ako ng ispirito na lumulutang at di nakikita habang sinusundan ang sasakyan nina Shin.
Oo, pinababa muna ako dito sa lupa. Pero mabait sina Ama at Maestro, habang ginagawa ko ang misyon ko di nila inalis sa akin ang kapangyarihang taglay ko bilang isang Anghel. Ang pakpak ko? Nasa akin din, pero tinatago ko sa mga tao. Bawal kasing ipakita sa mga tao eh, at isa pa bawal din malaman ng mga tao na mga anghel kami.
Pero kung kinakailangan, gagamitin namin ang anumang kapangyarihan meron kami para maprotektahan ang mga tao sa paligid namin.
"Kuyaaaaa!" Napangiti ako sa mga kapatid ni Shin na sinalubong siya at nakanguso na nakatingin sa isang babae na kasunod lang nila.
Hala, siya yung babae na palaging nagliligtas kina Shin, ah? Ang galing, nandito pala siya? Magpapasalamat ako sa kanya kapag may pagkakataon ako.
Sa ngayon, kelangan ko muna maging ganitong anyo para makapagmasid sa kanila. Lalo na kay Shin.
"You'll start tomorrow, I know you're tired from work, Kuya." Saad nung babae. Tumango naman si Shin at inakbayan yung babae hanggang makapunta sila sa sala nila. Ako naman nakalutang lang na katabi niya.
'Eso, anak. Pasensya ka na, pero napagsabihan ako ni Ama. Ang kapangyarihan mo na mawala-wala sa mata ng mga tao at paglutang mo ay aalisin ko muna pansamantala.'
Rinig kong mensahe ni Maestro sa utak ko.
'Hala, Maestro. Bakit po?'
'Para daw maranasan mo mamuhay bilang isang normal na tao. Pero isa ka paring anghel. Para maranasan mo ang isang buhay na hindi mo naranasan noon palamang, anak. '
'Ganun po ba? sige po. At salamat po Ama, binigyan mo ako ng pagkakataon na maranasan bilang isang tao. Nirerespeto ko po ang kagustuhan nyo.'
'Bukas na bukas, anak. Mawawala pansamantala ang kapangyarihan mong iyan. Sa ngayon, bibigyan ka namin ng oras. Mag-ingat ka anak.'
'Salamat po Maestro, Salamat po Ama.'
Napangiti ako. Napakabait talaga ni Ama, binibigyan ako ng pagkakataon para maging isang normal na tao. Na dapat na naging sa akin, nakakalungkot lang kasi maaga akong umakyat sa taas noon.
Salamat po.
-----
BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasía'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...