{22}

119 5 1
                                    

Shin's POV:

Nakaupo lang kaming lahat sa sala habang nanunuod ng tv. Pahinga muna kami matapos ang training namin. Nag-aagawan pa nga ang kambal at sina Chester at Chlyde sa remote kaya inagaw ko iyon mula sa kanya at ako na ang lumipat ng channel.

'Nandito ako ngayon sa lugar kung saan umano nangyari ang isang himala na naranasan ni Kristal. Umano, kamuntik na itong matamaan ng rumaragasang kotse sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla umano siyang napunta dito sa gilid ng side walk at umano ay dapat itong matatamaan ng nahuhulog na debree mula sa ginagawang building sa malapit ay tumalsik iyon at nailigtas siya. Nakunan ang pangyayaring iyon ng cctv. Eto po panuorin natin kung paano nangyari ang lahat. '

Nandun yung babae na naglalakad at nakita yung kotse na biglang dume-diretsong dumaan at nandun nanaman ang liwanag na dumaan at tinangay siya hanggang sa side walk, at kita din yung isang bakal na mahuhulog sa kanya ng nagpakita muli yung liwanag at pinatalsik yung bakal.

"WOAAH!"

'Nagawang islowdown ng mga eksperto sa computer ang naturang video, at nakita nilang isang katawan ng tao ang mula sa liwanag na nababalot ng puting kasuotan. At eto ang nagpapatunay na nasa panig parin natin ang Diyos, hindi niya tayo iiwan. Ililigtas tayo sa kapahamakan. At itong anghel na ito ang pinadala niya sa atin. Salamat.'

Pamilyar ang hubog ng katawan ng taong nasa liwanag. Di ako pwedeng magkakamali! Si Eso yan!

She really is an Angel! Napahawak ako sa kwintas niya ng uminit muli iyon.

There are Angels! And Eso is one of them!

Lumipas ang araw at yung tungkol sa anghel yung palaging laman ng balita hanggang sa social media. Nababahala na nga ako para kay Eso kasi hindi pa siya pumupunta dito sa mansyon kahit nandito naman si Ate Ria. Ang sabi naroroon lang daw sa ospital, pero minsan narin akong tumatawag kina Tim at nasasabi rin na minsan wala sa ospital si Eso.

Baka mapahamak siya sa pagtutulong sa ibang tao. Papaano kung may makalaman ng tunay niyang pagkatao?

"Shin! Hoy!" Malakas na kalabog sa pintuan ko ang nagulat sa akin. Bugnot kong binuksan yun at pagmumukha kaagad ni Kuya Xian ang bumungad sa akin.

"Oh?"

"Yung soon to be sister-in-law ko nasa baba hinahanap ka." Biglang nabuhayan ang dugo ko at inunahan si Kuya sa baba. Tinig kaagad ni Eso ang narinig ko habang nakikipag-usap sa mga kapatid ko. Di ko mawari yung tibok ng puso ko ng makita siya at masaya.

"Shin!" Masayang saad niya at sinalubong ako. Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya, naramdaman ko ang pagkabigla niya sa pagyakap ko sa kanya.

"*ehem* Get a room please!" Napahiwalay ako kay Eso at sinamaan ng tingin ang mga kapatid ko.

"Pumunta ako dito dahil gusto kitang makausap." Napawi ang ngiti ko sa biglang pagseryoso at lungkot ng boses ni Eso.

"Sige." Saad ko at dinala siya sa Gazebo ng mansyon. Nakita kong umaliwalas yung mukha niya ng makita ang mga halaman na nakapalibot sa gazebo at malalagong mga bulaklak.

"Wala akong tinago sayo tungkol sa pagkatao ko Shin. Simula palang noon diba sinabi ko ang totoong ako. Na isa akong anghel at may isa akong misyon." Panimula niya kaya pinagmasdan ko lang siyang naglalakad at dinadaanan ang mga bulaklak .

"Oo." Tanging sagot ko at nanatili sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siyang nakatitig sa ilang patay na halaman.

"Kaming mga anghel, di marunong magsinungaling Shin. Isang napakalaking kasalanan na ang pagsisinungaling. Ang manakit ng tao." Namangha ako sa ginawa niya. Ginawa niyang ibalik ang buhay ng halaman at namulaklak pa ito.

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon