Eso's POV:
"Timothy?" Saad ko at tinulak ang pintuan ng opisina niya gamit ang paa ko. Habang bitbit ko ang mga pinapakuha niyang records daw ng mga pasyente niya.
"Tulungan na kita. Sabi ko naman kasi sayo, ang nurse nalang eh." Saad niya at kinuha ang ilan sa mga papel na nakatambak.
"Kaya ko naman eh, at diba pagsisilbihan kita. Kabayaran sa pagbili mo ng mga gamit ko?" Napakamot nalang siya sa ulo niya at nilapag ang mga papel sa mesa niya.
"Kusa ko iyon binigay sayo. Kaya ayos lang." Umiling ako.
"Hindi. Kaya magtrabaho ka na dyan at bibisitahin ko muna ang anak mo. Balik na dun." Sambit ko at tinulak siya ng mahina pabalik sa upuan niya. Narinig ko pa ang pagtawa niya at umupo nalang rin.
"Sige na. Kanina ka pa nun hinihintay." Tumango naman ako at tumakbo papunta sa silid ni Tamtam, narinig ko pa ang munting tinig nito na kumakanta.
"Wow! Ang galing mo naman pala kumanta Tamtam!" Pahayag ko at bumaling siya sa akin na may malapad na ngiti.
"Mama! Bakit ngayon lang po kayo?" Nakangusong saad nito at sinalubong ako ng yakap. Pinisil ko ang pisngi nito at lumebel sa kanya.
"May pina-utos lang ang Papa mo sa akin. " sambit ko at niyakap siya. Nakapagtataka, akala ko gumagaling na si Tamtam, pero ilang araw na siya rito.
"Si Papa talaga, pinahihirapan ka ba Ma? Pagsasabihan ko!" Matapang niyang saad at bumulusok palabas kaya hinabol ko hanggang sa opisina ng Papa niya.
"Tamtam! Saglit!" Habol ko sa kanya. Pero nakapamewan na ito sa harapan ng Ama niya na nakangiwing nakangiti sa anak niya.
"Papa! Bakit mo naman inuutusan si Mama? Baka po mahirapan siya, natagalan tuloy siyang pumunta sa akin!" Tumulis ang nguso nito at namula ang pisngi.
"Eh siya ang nagpumilit eh. Wala naman akong nagawa kasi umalis kaagad siya. Sorry na." paglalambing niya kay Tamtam at hinawakan ang balikat nito.
"Haaynako Terrence. Halika nga dito, walang kasalanan ang Papa mo. Nagpumilit kasi ako, at may utang na loob pa ako sa Papa mo kaya ako nalang ang gumawa ng utos niya." Saad ko at lumapit sa kanila. Tumango naman si Timothy bilang pagsang ayon sa sinabi ko.
"Ganun po ba?" Tumango ako at pinaharap siya sa amin ni Timothy na nakaupo parin sa upuan niya.
"Napainom ba sayo ang gamot mo Terrence Adrian Valderama? Oh baka naman hindi?" Tanong ng ama nito.
"Syempre naman Doc Timothy Adam Valderama!" Napatawa naman ako sa dalawa dahil nagtawagan pa talaga sa buong pangalan.
Nagpaalam nalang rin ako kay Timothy at sinama si Tamtam sa pag iikot sa ospital ng marating namin ang Emergency Room. Maraming pasyente ang naroroon at napatalon rin ako ng may biglang sumigaw na tila nasasaktan ito.
"Ma?" Napatingin ako kay Tamtam na biglang natakot at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Tinawag ko ang isang nurse at binigay muna si Tamtam at hinanap yung sumisigaw.
Namataan ko ang isang babaeng buntis. Agad akong natigagal ng makita ang paghihirap niya kaya mabilis ko siyang dinaluhan at tinawag ang mga doktor at nurse. Akmang aalis sana ako ng hinawakan ako sa kamay ng babae kaya nanatili muna ako habang sinusuri siya ng nga doktor.
"She's about to give birth! Transfer her!" saad ng Doktor at agad siyang sinunod ng mga nurse, malaput na kami sa operating room ng makita ko si Ate Leila na paparating sa amin at nginitian pa ako.
Papasok na kami sa Labor Room ng akmang bibitawan ko na sana ang babae pero hindi niya ako binitawan. Tiningnan pa ako ni Ate Leila at hinayaan nalang akong sumama sa loob.
Abot abot ang pagdadasal ko para sa kanya at sa magiging anak niya. Maski ako nahihirapan sa sitwasyon niya, ang higpit nga ng pagkakahawak niya sa kamay ko eh.
"Ate, nasaan po ang pamilya niyo? Yung asawa niyo po dapat ang kasama niyo dito." Kausap ko sa kanya habang naghihingalo parin siya at umiiyak na.
"Ayoko. Ayaw kong makita ang hayop nayun." Napasinghap ako sa sinabi niya at nanahimik nalang habang dinadaluhan siya nina Ate Liela para tulungan siya sa panganganak niya.
"Sige Ate, hingang malalim lang po kayo ha? Kumalma kayo, hingang malalim.." saad ko at tinulungan siya sa paghinga para kumalma siya. Ramdam na ramdam ko kasi ang nerbyos at takot niya.
Isang anghel ang lalabas ngayong araw, isang anghel ng mundo. Bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang nangyari sa akin noon, pero di ko sinisisi sina Ama sa nangyari sa akin. Kahit sanggol palang ako noon. Pero ngayon, matutunghayan ko ang pagsilang ng isang munting anghel. Nawala man ako noon, pero ngayon makikita ko ang isang supling na magpapatuloy sa kanyang buhay at magdadagdag ligaya sa kanyang pamilya.
"Okay, Miss. When I say push, push okay?" Kausap ni Ate Leila sa kanya. Tumango lang ito at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Kaya mo po yan. Nandito lang ako." Saad ko sa kanya. Pantay na ang paghings niya pero malalim ito. Ng magsalita si Ate Leila ay siyang pagsigaw niya at paghigpit ng hawak sa akin.
"Isa pa Miss. Push." Napangiwi ako ng sumasakit na ang kamay ko sa higpit ng hawak niya at siya ring pagrinig ko ng munting iyak. Kaya napatingin ako kay Ate Leila na hawak ang sanggol na umiiyak.
Siya ring paghinga ng malalim at pagngiti ng kanyang ina sa kanya.
"Congratulations Miss, it's a beautiful baby girl." Nakangiting pahayag ni Ate Liela at may kung anong ginawa pa sa bata tsaka niya binigay sa isang nurse ang bata para malinisan.
Nagulat ako ng biglang tumingin sa akin ang babae at ngumiti.
"Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" Ngumiti ako sa kanya.
"Eso, po." Malumanay kong saad at tinunghayan ang sanggol na karga ng isang nurse papalapit sa kanya at binigay ito sa kanyang ina.
"Eso Chandria." Napanganga ako ng nasambit niya ang pangalan ko habang nakamsid sa baby niya.
"Eso Chandria ang ipapangalan ko sa kanya." Napakurap ako ng ilang beses tsaka sumilay ang ngiti sa labi ko at di mawari ang galak sa aking puso.
Napatingin ako kay Ate Liela na nakangiti sa akin at tumango.
"T-talaga po? Naku salamat po ah? Pwede po siyang hawakan?" Saad ko. Tsaka siya tumango tsaka ko hinawakan ang munting kamay ni Eso Chandria tsaka ako napangiti ng malapad.
Nilipat na sina Eso Chandria at ang kanyang ina na si Bernadette ang pangalan sa isang kwarto para sa kanila. Tsaka ko hinanap si Tamtam na nakikipag usap sa mga nurse kung saan ko siya iniwan. Ng makita niya ako ay tumalon pa ito sa kanyang kinauupuan at tumakbo palapit sa akin.
"Mama! Saan ka po galing?" Nakanguso ito tsaka ko siya kinarga at kinurot ang kanyang ilong.
"Sinamahan ko yung babae, nanganak kasi. Wala siyang kasama." Napakurap ito at biglang nagningning ang kanyang mga mata.
"Woow! Talaga po? babae po or boy ang baby niya?" Napatawa ako at sinagot siya tsaka ako lumapit sa mga nurse at nagpasalamat tsaka kami bumalik sa opisina ni Timothy, kaso wala na siya doon kundi pinuntahan ang mga pasyente niya.
Buong araw na iyon nakipag kwentuhan ako kay Tamtam na walang sawa sa kakatanong at puno ng energy ang katawan.
---------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/73354655-288-k858487.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasy'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...