SHIN'S POV:
"She's really worried to the pregnant girl yesterday. If you just saw her face." Kwento ni Leila sa amin ang nangyaring panganganak ng isang pasyente niya. Kasama niya pala si Eso kahapon kaya pala hindi ko mahagilap.
"At pinangalan pa sa kanya ang baby. Ang cute nga ni Eso ng marinig ang pangalan niya na pinangalan din sa baby." Natatawang saad pa ni Leila at uminom ng kape niya.
"Really? What's the name?" Tanong naman ni Timothy na kasama namin.
"Eso Chandria. Pero napansin ko siya sa labas ng ER, mukhang tulala at parang may dinadamdam. Di ko alam kung anong problema niya, di ko nalapitan kasi tinawag narin ako ng ilang nurse sa isa pang pasyente." Napaisip naman ako sa sinabi niya at agad lumipad ang isip ko kay Eso kung nasaan siya.
Nabalik lang ang pag-iisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ni Timothy at agad niya itong sinagot, nabasa ko kaagad ang pagkunot ng noo niya at iritasyon sa kausap niya. Napabuntong hininga pa ito.
"Fetch her in the cemetery, mamaya madepress pa siya." Kasusap niya. Namuo na kaagad sa isipan ko kung sino ang tinutukoy niya sa kausap niya. Hindi na iba sa akin si Timothy, simula ng nag aaral palang kami nina Leila ay magkakaibigan na kami.
"Your Mom?" Tanong ko at humigop sa kape ko. Nakita ko pa ang pag-iling ni Leila at pinaglaruan ang kutsarang hawak niya.
"Yeah. Nasa sementeryo nanaman." Sambit nito at kumawala ng isang malalim na buntong hininga.
Naikwento na sa amin ni Timothy ang tungkol sa buhay niya at sa Mama niyang nadepress matapos mamatay ang kapatid niyang babae. Dalawa na nga lang sila, namatay pa yung isa. Nasa tabi lang kami ni Timothy habang nagdadalamhati sila sa pagkawala ng bunsong kapatid niya. Halos magkakapatid na nga ang turingan namin noon, nakita namin kung paano nila mahalin ang sanggol.
"Di maka move on si Tita. Hayaan mo Tim, matatanggap niya rin yun." He just shrugged at napasapo sa noo niya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaibigan ko. Nakita ko kung paano siya magdalamhati para sa kapatid niya.
"I hope so. Lalo na ngayon, parang may nararamdaman akong malapit lang si Emily Sol sa paligid ko." Napantig naman ang tenga ko sa sinabi ni Timothy at kinilabutan. Nakaramdam din ako ng kakaibang pakiramdam nang sinabi yun ni Timothy, parang may kakaiba nga sa paligid namin.
"Hmm? How come?" Usig ni Leila at tiinukod ang dalawang braso sa mesa.
"I don't know." iling niya at sumandal sa upuan niya. Napangisi naman ako sa kanya. Halata na namimiss ang kapatid eh. "It's been years, pero parang kahapon lang. Lalo na kay Mama."
"She loves your sister so much that she can't forget about her, bro." Salita ko. Tumango naman siya at tinitigan ang cheese cake na nasa platito niya.
"Like your parents Dr. Shin?" Napangisi ako at tumango.
Napatingin naman ako sa relos ko at nag ayos.
"Malapit ng matapos ang break time, tara na." Nagsitayuan nalang naman din sila at agad kaming inakbayan ni Leila kahit mas matangkad pa kami ni Timothy sa kanya. Naalala ko tuloy ng nag aaral pa kami. Kaming tatlo lang ang palaging magkakasama, kahit nung elementary palang kami. Oo may ilang kaibigan din kami, pero kaming tatlo talaga ang palaging magkakasama. Hanggang ngayon, di ko aakalain na magkakasama parin kami. Maski ang trahedya na nangyari sa akin, nakaramay rin silang dalawa sa akin.
"Papa! Ninong Shin! Ninang L!" Napalingon kami sa isang tinig na tumawag sa amin, napangiti kami kay Terrence na papalapit sa amin.
"Tamtam!" Tili ni Leila at sinalubobg ng yakap ang anak ni Timothy. Pinugpog pa niya ito ng halik sa mukha.
"Hoy hoy hoy! Leila, baka maubos yung bata!" Awat ko sa kanila. Inungusan lang niya ako at humarap kay Tamtam.
"Namimiss ko lang anak ko! Wag ka nga Shin, ikaw kasi mag asawa ka na nga. Ikaw nalang napag iwanan eh!"
"Not yet." Sagot ko.
"Papaano magkaka asawa yan eh, maski syota wala yan." Dugtong pa ni Tim na kinahalakhak ni Leila at nagsimula nanamang mang asar. Inungusan ko lang ang dalawa na nakasunod sa akin. Paliko na ako sa hallway ng may bumunggo sa akin kaya napaatras kaming dalawa.
"Shin!" Masayang tili niya at tumayo ng tuwid sa harapan ko. Si Eso lang pala.
"Mama!" Lumingon siya sa likuran ko at ngumiti sa mga taong nakasunod sa akin. Napatitig pa ako sa mukha niyang maaliwalas at nakangiti. Di ko maintindihan kung bakit parang nahihibang akong pagmasdan siya ng ganun.
"Saan kayo pupunta?" Magiliw niyang tanong. Naramdaman ko namang tumabi sa akin sina Leila at Tim.
"Babalik na sa trabaho, kakatapos lang ng break time. Ikaw? Saan patungo mo?" pahayag naman ni Leila na karga na pala si Terrence.
"Papunta ako kay Lola Hermina, nangako kasi ako na bibisitahin ko siya." Tumango naman sila habang ako nakatitig lang sa kanya.
"Ah, sige. Alis na kami. Shin gumalaw ka na!" Sabay halakhak ni Leila at kinangisi lang ni Timothy. Inismiran ko naman sila at hinila nalang palayo si Eso papunta sa isang pasyente na gusto niyang puntahan. Nakangiti naman itong nagpahabol ng paalam, habang naghihiyawan ang dalawa kong kaibigan.
Ako na ang kumatok at naunang pumasok sa room ni Mrs. Hermina . Nakangiti niya akong binati at mas lalong umaliwalas ang mukha niya ng masilayan si Eso na kasunod ko.
"Hija! Salamat naman at nakabisita ka." mahin-hin niyang saad. Lumapit maman si Eso sa kanila at hinawakan ang kamay niya.
"Syempre naman po, kamusta na kayo?" Nakangiti lang akong pinagmasdan sina Eso at ang pasyente na nag-uusap. At maya-maya ay nagrequest pa ito ng awitin mula kay Eso.
Ako naman tong excited, di ko alam pero gustong-gusto kong pakinggan ang malamyos na tinig ni Eso, naaalala ko kasi si Mommy sa kanya na kinakantahan din kami noon.
Nakakahipnotismo ang tinig niya, malamig iyon at puno ng saya at pagmamahal. Pero ramdam ko din ang lungkot sa tinig niya. Bakit siya nalulungkot? Dahil ba sa hindi parin niya makita ang pamilya niya?
Nakakapagtataka na talaga ang katauhan ni Eso para sa amin. Di ako naniniwala sa ginigiit niya na isa siyang anghel. Napaka impossible na mangyari iyon, isang anghel? Tapos nandito sa lupa at anyong tao? Sino maniniwala don?
"Parang anghel ang kumakanta sa akin, hija." Saad ng Ginang at napansin ko ang pagsulyap sa akin ni Eso at umangat ng tingin sa krus na nakasabit sa itaas ng dingding.
---------------

BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasía'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...