{4}

128 3 1
                                    


SHIN'S POV:

"Umuwi ka na sa inyo. Or gusto mo ipahatid na kita." Pagkukumbinsi ko sa kanya. Kailangan ko ng umuwi, pero di ako makaalis kasi ayaw humiwalay sa akin ni Eso.

"Saan naman ako pupunta, Shin? Wala akong tirahan." Nakangiti pa niyang pahayag. Napasapo naman ako sa noo ko, tsaka naman lumapit sa akin ang mga tauhan ni Jessy.

"Ate Ria." Tawag ko sa kanya tsaka naman siya lumapit sa akin.

"Yes, sir?"

"May alam ka bang pwedeng tirahan pansamantala ng kaibigan ko?" Turo ko kay Eso na nakangiti sa amin.

"Diba siya yung babae kahapon?" Tumango naman ako sa sagot niya.

"Ako po pala si Eso. Salamat pala sa pagbabantay kay Shin, ah?"

"Ah? May alam ako, sir. Dun sa unit ko po, ako lang naman mag-isa doon eh. Pwede naman siya dun, para naman may makasama ako." I sigh in relief.

"Riana Watson?" pati ako nagulat sa biglang pagsambit ni Eso ng pangalan ni Ate Ria, teka paano niya nalaman yun? Ni hindi ko pa nga sila pinakilala eh.

"Papaano mo nalaman, Ma'am?" Gulat na tanong ni Ate Ria.

"Hehe, nakita na kita eh." I just smiled tsaka humarap kay Ate Ria.

"Salamat, Ate. Don't worry, mukhang mabait naman siya eh. Kung may gagawing kalokohan, ikulong mo nalang." She just chuckled tsaka tumango at giniya na kami palabas ng ospital. Sumakay din si Eso sa van namin, dahil dito nakasakay si Ate Ria.

Pagkatapos daw nila akong ihatid, uuwi narin naman kasi si Ate Ria. Isasabay niya nalang daw.

"*yawn* Ano to? Bakit parang gustong bumagsak ng talukap ng mga mata ko?" Napangisi naman ako sa kanya. Para siyang bagong silang na bata, parang walang alam sa buhay. Pero napaka madaldal naman.

"Matulog ka na, Eso." Natatawang pahayag ni Ate Ria.

"Po? Baka po kasi anong mangyari, bab-*yawn*"

"Just sleep." Sambit ko naman, napatingin siya sa akin na inaantok na ang mata tsaka naman bumagsak ang ulo niya, i hear her soft snore.

For just hours later, parang ang gaan ng loob ko sa kanya. She's somehow, i don't know, parang kilala ko na siya or something. One thing for sure ay kilala niya ako, stalker ko nga ata. Pero, bakit parang ayos lang? Lumalapit pa nga sa akin eh.

"Sir, andito na po tayo." Napapitlag ako at napatingin kay Ate Ria.

"Uwaaaaah! Kuya, ayoko na! Ayaw ko na, masakit na!" Boses kaagad ni Kief ang umalingaw-ngaw sa buong mansyon.

"Sige, salamat. Mag-ingat kayo." Paalam ko at bumaba ng van. Tsaka na ito nagdrive palayo. Napapangiti nalang ako ng maalala ang mga ginawa ni Eso sa ospital.

She's really a nice person.

**

ESO'S POV:

"Ate Riana, ano po yang dala mo?" Tanong ko. Nagtataka kasi ako sa bitbit niyang isang case?

"Ah, mga gamit ko sa trabaho. Wag mong hawakan to, baka masugatan ka." Lumayo naman ako sa hawak niya at lumipat sa kabilang gilid niya habang naglalakad parin kami papasok sa isang napakataas na gusali.

Sobrang taas, parang aabot nga hanggang sa taas eh. Pwede ko kayang makausap si Maestro mula doon?

Hehe, alam ko naman kahit saan eh. Nakikinig lang naman sila ni Ama.

"Sabihin mo nga Eso, saan ka ba talaga galing? At parang nainibago ka sa lahat. Ni ultimong pagtulog, di mo alam?" Ngumiti naman ako sa kanya tsaka rin pumasok sa isang biglang bumukas na parang kahon.

"Anghel po ako Ate Riana. Bumaba ako dito sa lupa para sa isang misyon." Napatigil pa siya at tiningnan ako tsaka ito tumawa. Tsaka ko naman may naramdamang mainit sa leeg ko. Hala yung kwintas.

"Ang galing mo talaga magbiro Eso." Napanguso naman ako. Di naniniwala si Ate sa akin.

Sumunod ako sa kanya hanggang pumasok kami sa isang pintuan, at pagkapasok namin ay isang malawak na silid at may hagdanan pa. Para siyang bahay.

"Ano palang buong pangalan mo Eso?" Sumunod ako sa kanya hanggang umakyat sa hagdanan.

"Di ko po alam, Eso lang ang alam ko. Yun daw po kasi ang binigay ng mga magulang ko sa akin." Tumango naman siya tsaka pumasok sa isang pintuan. Nanatili lang ako sa labas hanggang makalabas ulit siya sa pintuan tsaka ako giniya sa isang pintuan rin.

"Eto ang kwarto mo. At bukas Eso, aalamin natin ang katauhan mo. 'Wag kang mag-alala, malalaman din natin kung sino ang mga magulang mo." Bigla akong natuwa sa sinabi ni Ate Ria at napayakap ako sa kanya.

"Napakabait mo po Ate Ria. Salamat, pero baka mapagod lang kayo kakahanap." Napangiti ako ng tipid sa kanya tsaka na muna siya nagpaalam sa akin at magluluto pa daw siya.

Tsaka nanaman uminit yung kwintas na binigay sa akin ni Ama bago ako bumaba dito sa lupa.

'Bakit po?'

'Bakit mo sinabi na isa kang Anghel sa, binibini?'

'Eh diba po sabi niyo, masama magsinungaling? Kaya sinabi ko po ang totoo.'

'Tama naman anak, pero dapat pangalagaan mo ang sikreto mo. Ang pakpak mo, tanging ang binabantayan mo lang ang makakakita niyan kung matatapos mo ang misyon mo.'

'Eh maestro, ibig sabihin hindi ko magagamit yung pakpak ko hangga't di natatapos ang misyon ko?'

'Hindi naman sa ganun, magagamit mo. Pero sa paningin ng mga tao, lumulutang ka lang. Wala silang makikitang anumang pakpak mula sayo, anak.'

'Ganun po? Sige po.'

'Mag-iingat ka anak.'

Tumango naman ako atsaka nagdasal bago ako napa-upo sa higaan na malaki. Dito natutulog ang mga tao. At dahil isa na akong tao, dito narin ako matutulog.

Nakakapanibago ang mga nangyayari sa akin. Nagugutom na ako, kelangan kong kumain gaya ng mga tao. Kailangan ko rin dapat matulog. At, pati ba yung pagligo, gagawin ko rin?

"Eso? Kakain na tayo, halikana." Napatayo ako at sumunod kay Ate Ria. Mabilis na nakababa si Ate Ria at pumasok kaagad sa kusina. Kaya ang ginawa ko ay lumipad nalang pababa. Ang pakpak ko, sayang at hindi ito nakikita ni Ate Ria.

Tinago ko muna ito tsaka sumunod kay Ate Ria sa kusina nila.

Pagkatapos kumain ay tumulong ako kay Ate Ria sa gawain, ang kaso wala akong alam kaya pinapanuod niya muna ako sa mga gagawin ko.

"Hihi, pwede ka na mag-asawa Ate Ria." Napatigil siya at tumingin sa akin.

"Haha, di pa pwede Eso. May trabaho ako, at nandito ka naman eh. " nakangiti niyang pahayag habang pinupunasan niya ang kamay niya, sumunod parin ako sa kanya hanggang sa sala at binuksan ang malaking salamin at biglang may lumitaw na mga tao roon. Hala! Parang yung bukal sa itaas. Napapanuod namin ang mga tao.

"Ang galing! Paano yan nangyari Ate?" Tanong ko. Ngumiti lang siya at may pinakitang maliit na parang kahon sa akin at may pinindot ito.

"Remote ang tawag dito, at 'yan naman ay TV." Tumango ako at pinanuod ang mga ginagawa niya. Eto pala ang mga ginagawa ng mga tao.

Ang galing!

----------

Angel Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon