SHIN'S POV:Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan si Eso na mahimbing ang tulog. Inayos ko naman yung damit niya. Napapansin ko rin na puro puti ang nga damit ni Eso.
'Isa akong anghel Shin...'
Napailing ako at lumayo ng konti sa kanya ng maalala ang nakita ko kanina. Ang isang parang kidlat ng liwanag na dumaan. Ang pagbalot ng liwanag kay Eso. Ang koneksyon niya sa kwintas na binigay niya.
Napasapo ako sa ulo ko at sumandal sa upuan. Napatingin nalang ako sa labas ng sasakyan at pinanuod ang mga nagtataasang mga buildings na nadadaanan namin.
"Sir, ayos lang po ba kayo?" Napatingin ako kay Ate Ria na lumingon sa amin.
"Opo, pagod lang." Sabi ko tsaka ngumiti sa kanya. Tumango lang siya at bumalik ang tingin sa harapan.
Lumingon muli ako kay Eso. Palaisipan ang pagkatao niya. P-pero, totoo kaya? Hindi!
Napahinga ako ng malalim at nanatiling tahimik sa upuan ko hanggang makauwi ako sa mansyon. Sinalubong pa ako ng kambal at ni Lem na nagrereklamo sa pagka istrikto ni Jessy sa kanila ngayon. Napatawa ako at napalingon muli sa sasakyan. Tulog parin si Eso, pumasok nalang ako sa mansyon pero ang isip ko pabalik-balik sa eksena kanina.
"Mababalian ako ng buto sa kanya." reklamo ni Lem habang minamasahe ang balikat niya, hinampas naman yun ni Kuya Xian kaya napasigaw si Lem.
"ARAAAAAY! Tangina! KUYA MASAKIT YUN AH!?"
"BWAHAHAHAHAHAHA!" Halakhak nina Ben, Chester at ng kambal sa pagsigaw ni Lem.
Napapailing ako at tumabi sa kanila sa sala. Habang si Jessy naman tahimik lang at nagbabasa, napansin ko naman si Sed na nakatingin sa kanya. Napangisi ako sa kapatid ko.
"Kuya! Kuya! Kuya! Kuya!" Napabaling ako sa kambal na nagsasalitan sa pagsasalita. Napakunot ang noo ko sa kanila.
"Oh?" Tanong ko.
"Kanina sa Religion and Ethics namin, napag usapan yung tungkol sa anghel. Naalala ka namin, diba di ka naniniwala dun?" bumalik tuloy ang pag-iisip ko kay Eso. Napatahimik ako at tumingin lang sa kanila.
"Ay! Ang ganda naman ng kwintas mo Kuya! Angel's wings yan ah? Kala ko ba hindi ka naniniwala?" Singit naman ni Jessy na nakangisi sa akin. Napahawak ako sa kwintas ko at humarap sa mga kapatid ko na nakatingin sa akin.
"Problema nyo sa kwintas ko? Kay Eso to, binigay sa akin." Sumilay ang nakakalokong mga ngisi nilang walo pati si Sed.
"Naniniwala talaga ako sa Anghel, Kuya. Nung nakita ko si Ate Eso, parang totoo talaga nga ang anghel. Para siyang anghel na bumaba dito sa lupa!" Saad ni Chlyde na nakangiti. Nagkatinginan naman kami ni Jessy sa sinabi ng kapatid ko.
"Lul! Crush mo lang si Ate Eso eh!" Sabay hambalos ng unan ni Chester sa kanya.
"Actually, I just saw more likely an Angel's activity at the hospital." Bumaling ang mga tingin nila sa akin na parang di makapaniwala at interesado sa sasabihin ko.
"Kasi nga totoo ang mga anghel Kuya!" Giit pa ni Jessica. I just shrugged tsaka nagpatuloy sa kwento ko.
"Nasa playground ako, kasama si Eso. Pero humiwalay kaagad siya at nakipaglaro sa mga bata." Tumango-tango naman sila, lumipat pa si Ben at Kief sa harapan ko at umupo sa lapag. "Nakita ko ang isang bata na nakasabit sa monkey bar na parang mahuhulog kaya nataranta ako at napasigaw. And then just like a lightning, may ilaw na biglang dumaan sa monkey bar at pagkakurap ko nakita ko yung bata sa lupa at nakatayo na."
Napasinghap pa sila at namangha.
"Di kaya multo yung bata?-Ouch!" Napatingin kami kay Kief ng bigla siyang hambalusin ng unan ni Sedrick.
"It's not ghost moron, It was an Angel who saved the kid." Sumang ayon pa yung iba at nagsihampas din ng unan kay Kief. Nagkibit balikat nalang ako at hinila ang laptop na nasa cofee table.
Nagresearch ako tungkol sa existence ng mga Anghel at tungkol sa mga uri nila. Tumabi pa sa akin si Jessy at naki-usyoso sa ginagawa ko.
"Kuya, play mo yan oh!" Turo niya sa isang video kaya pinindot ko iyon at pinanuod namin. Sa isang kalsada sa ibang bansa, parang na kuha ito mula sa cctv camera. Dumaan ang isang bisekleta na may karga, nataranta pa ako ng may makita ring truck na paparating. And just a second may dumaan na maliwanag na ilaw. At sa sumunod ay nandun na sa kabilang kalye yung mama na may dala ng bisekleta kasama yung tao? Na sumagip sa kanya. Tumigil pa yung truck at hinanap yung tao na akala niya nasagasaan niya.
Napanganga naman ako. Is this real?!
"Angels are real. Kaya nilang mag anyong tao upang magmasid sa mga mortal na nasa lupa na inaalagaan ng Ama sa itaas." Pahayag ni Jessy na seryosong nakatingin laptop screen.
"Are you serious? No! They're not real. " malakas kong sabi kaya napating muli sa akin ang mga kapatid ko. Tsaka ako umakyat upang magbihis. Pagkapasok ko sa kwarto ko napatingin ako sa litrato naming pamilya kasama ang mga magulang ko at nung sanggol palang ang kambal na karga nina Mom at Dad.
"They're not real, edi sana nailigtas ng mga anghel nayan ang mga magulang namin."
Hinagis ko ang hinubad kong polo sa kama ko tsaka pumasok sa banyo para maglinis ng katawan.
*
Maingay ang mga kapatid ko habang kumakain kami, pwera kay Lolo at Jessy pati si Sed na tahimik lang. Kahit di sinasabi ni Lolo masaya yan. Alam kong gustong-gusto kasi niyang magka apo na babae, kaso hindi pinalad ang mga magulang namin. Maski ako, gusto ko ng kapatid na babae. Kahit papaano, dumating naman si Jessy at napunuan ang kahilingan namin kahit di talaga namin siya kadugo.
One week lang binigay ni Lolo sa akin na makabalik sa opsital matapos ang pagsugod ng mga kriminal doon. Kaya pansamantalang hindi muna ako makakapasok muna sa ospital para narin sa kaligtasan namin. Pero biglang sumagi sa isipan ko si Eso na baka maghintay sa akin doon.
Naalala ko rin ang ginawa niyang pagligtas sa bata sa playground. Di ko alam pero nakaramdam ako ng takot at pangamba.
Takot dahil baka nga totoo siyang anghel at nasktan ko siya sa pagtanggi ang existence nila. Baka kamuhian niya ako. Pangamba baka dissapointed sa akin ang Diyos sa di pag maniwala sa nilikha niyang alagad upang mabantayan kami ng mabuti.
Nawalan na rin tuloy ako ng gana kaya tumigil ako sa pagkain at tumayo.
"Tapos na ako." Saad ko at lumabas ng dinning at dumeretso sa sala upang manuod ng telebisyon.
Di naman ako nanuod bagkus lumilipad ang isip ko kay Eso. At sa pagkatao niya.
---------

BINABASA MO ANG
Angel Of Mine
Fantasía'Lahat ng tao may anghel na nag-gagabay sa kanila, at ako isang anghel ang pinadala para sayo.' 'At first, I don't believe in Angels after what happened to my parents when I'm younger, but when she came everything change' -Shin Myun Exor †∵∵†∵∵†∵∵†∵...