Chapter 6 (Real Tears)

127 11 0
                                    

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nakahiga na ako sa kama at malapit na akong matulog.

"Aalis na." Sagot niya.

"No. Stay. Dito ka muna. Hintayin mo na akong makatulog." I said and smiled.

"P-Pero....." Tumingin siya sa labas at nag isip. He looked at me and sighed.

"Okay fine. Dito muna ako." Sabi niya at umupo siya sa kama ko.

I smiled at him and closed my eyes.

***************

Charm's POV:

Iminulat ko na ang mga mata ko at may nakita akong likod ng isang lalaki na nakaupo sa tabi ko.

I yawned ang rubbed my eyes. Is this Nathan?

Tinapik ko ang likod nya at agad syang lumingon sakin.

"Gising ka na pala." He said with an angelic smile.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko at kinamot ko ang ulo ko.

"Kagabi pa. Hindi naman ako umalis sa tabi mo eh." Sagot niya.

>//////< Ano daw?!

Agad akong umiwas ng tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gosh. Ang bilis nya talagang mabago ang mood ko.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Kasi sabi mo dito lang ako sa tabi mo." Sagot niya.

Bigla akong napangiti sa sinabi nya. Ang anghel na 'to talaga. He makes me smile effortlessly.

Niyakap ko siya sa likod nya. Ang init nya.

Natigilan siya at niyakap nya din ako. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at pumikit ako.

Wait, what?!

O_________________O

Agad akong kumalas sa yakap. Why the hell did I do that?!

Gosh Charm. Nadala ka na naman. Nakakahiya ka talaga.

Tumingin ako sa kanya. Namumula ang mukha nya. Siguro nagulat din siya sa ginawa ko.

Agad akong bumangon sa kama at umiwas ng tingin sa kanya.

"S-Sige. Kakain na ako." Agad akong lumabas ng kwarto.

Whooo ligtas na ako. Umayos ka Charm. Kumalma ka lang okay? Kalma lang. Act natural.

***************

"Class, do you know what day it is?" Tanong ni mam. Nasa loob na kami ng room.

"Tuesday!" Sagot namin.

"And Tuesday means P.E.! At ang activity natin ngayon ay one kilometer running at volleyball. So get your things and head to the field." Utos ni mam.

Nagsitayuan na sila at tumayo na din ako para mag ayos ng gamit.

"Anong gagawin?" Naguguluhang tanong ni Nathan habang palinga linga sa paligid. Di pa nga pala sya nakakaranas ng ganito.

"Tatakbo tayo sa field ng one kilometer at mag lalaro ng volleyball." Sagot ko.

"Di ako maalam nun." He said.

"Manood ka na lang. Madali lang yun." Lumabas na ako ng classroom at pumunta sa locker ko. Nag bihis na ako ng P.E. Uniform at nagsuot ng rubber shoes.

"Charm!" Tumatakbong papalapit sa akin si Rence. Tumatagaktak ang pawis nya at mukhang pagod na pagod na sya.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon