Chapter 24 (One Last Time)

58 6 1
                                    

"Kapag hindi tayo nagkita ng matagal at may iba ka ng buhay, maaalala mo pa kaya ako?" Tanong niya at tumingin siya sa mga mata ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga tingin nya. Sobrang seryoso ng tanong nya at hindi ko alam kung paano ako sasagot. Ano ba talagang nangyayari?

"O-Oo naman. Kahit anong mangyari, hinding hindi kita makakalimutan, Nathan. You're the best thing that happened to me." Sabi ko at nginitian ko sya.

"Pinky promise?" He asked and offered his pinky finger.

"Pinky promise." I answered and gave my pinky finger.

****************

Charm's POV:

"I'm sorry Charm. Kailangan ko nang umalis. Thank you for everything." Nathan said and smiled bitterly.

"S-Sandali! Nathan! Wag! Wag mo 'kong iwan! Nathaaaaaan!"

------------------------

I suddenly came to my senses. Hinahabol ko ang paghinga ko at tumingin ako sa paligid.

Hay, buti na lang panaginip lang yun. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun. Nakahiga pa din si Nathan sa tabi ko.

Sumandal ako sa katawan ni Nathan at niyakap ko sya ng mahigpit.

Naramdaman kong may humalik sa noo ko. Tumingala ako kay Nathan.

"Good morning." He said and smiled.

"Good morning. Alam mo, ang sama ng panaginip ko. Nagpapaalam ka daw sakin kasi aalis ka na. Buti na lang hindi yun totoo. Diba?" I asked.

"Yah. Wag kang mag alala. Panaginip lang yun." He said and smiled.

I buried my face on his chest and hugged him even tighter. Hayyy, ang sarap grabe. Para akong nasa langit! *o* Sana lagi na lang kaming ganito. Sana tuwing magigising ako sa umaga, si Nathan agad ang bubungad sakin. Sana lagi na lang masaya.

Bumangon na kami sa kama at naghilamos. Pumunta ako sa mesa at umupo. Nag hahain naman si mama ng mga pinggan.

"Anak, may pupuntahan ka ba mamaya?" Tanong ni mama habang naghahain.

"Opo. Kina Rence po ako mag nonoche buena. Kasama din po sina Audrey at Nathan." Sagot ko habang nag sasandok ng fried rice sa pinggan ko.

"Nathan? Sino yun? Kaklase mo?" Tanong ni mama at sumubo ng kanin.

Ay oo nga pala. Hindi pa nga pala ni mama kilala si Nathan.

"Ummm....opo." Sagot ko at sumubo din.

Tumingin ako sa kaliwa ko. Nakatayo si Nathan habang nakangiti.

"Si kuya po ba?" Tanong ko.

"Dito daw sya mamaya. Pero may dadaanan daw muna sya. Ewan ko ba dun. May bago yatang nililigawan." Sagot ni mama.

Ahhhh, siguro yun yung kinukuha ni kuyang number. Hokage talaga.

"Ahhh, mama." I called.

"Ano yun?" Tanong ni mama at sumubo ng ham.

"P-Paano po kung sabihin ko sa inyong may boyfriend na ako? Ano pong--------"

"ANO?!" Gulat na sigaw ni mama. Hay, inexpect ko na naman ang reaksyong yan.

"May boyfriend ka na?! May nagtyagang manligaw sayo?" Gulat na tanong ni mama.

"Mama naman. Sa ganda ko ba namang 'to. Pero seryoso, pwede po ba?" Tanong ko. Hay mama. Sagutin mo na lang.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon