Chapter 21 (Family)

43 6 0
                                    

"Sigurado po akong mahal pa rin kayo ni Charm dahil hindi naman sya masasaktan kung hindi nya kayo mahal. Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan nyo, kahit na gaano pa sya kagalit sa inyo, naniniwala po akong kaya nya kayong patawarin, dahil ganun ang isang pamilya." I said and smiled.

"Salamat hijo." Sabi nya at bigla nya akong niyakap. Pinispis ko naman ang likod nya.

Nararamdaman ko kung gaano nya kamahal si Charm. And I will do everything just to bring his daughter back to him.

**************

Charm's POV:

I yawned and rubbed my eyes. Nag inat ako ng braso ko at tumingin sa paligid. Wala si Nathan. Asan kaya yun?

Bumangon ako sa kama at tinanggal ang kumot ko. Brrrr. Ang lamig. No wonder four days na lang pasko na. Hayy, naeexcite ako. Ngayon ang first Christmas na icecelebrate namin ni Nathan ng magkasama. *o*

Humarap ako sa salamin para mag suklay.

O__________________O

Wtf. Pagang paga ang mata ko dahil sa kakaiyak. Buti na nga lang hindi na ganun kasakit ang ulo ko. Kinuha ko yung suklay ko at nagsuklay na.

*Growl*

Sabi na nga ba gutom na ako eh. Wala pa akong kinakain simula kanina.

I got out of my bedroom and walked to the kitchen.

"Hello dude. Oo nakuha ko na yung number nya pero mamaya ko na itetext. Syempre hahanap pa ako ng magandang tyempo. Oo salamat ha. Sige babye."

Hmmm, may nililigawan na ulit si kuya! *o* Talagang kinuha nya pa yung number ha. Bwahahahaha. I'm so happy for him! Matagal na din nung huli syang nagka girlfriend. Well hindi naman sila nagkaigi.

*Growl*

Ay nagugutom nga pala ako. Tumuloy na ako sa kusina at binuksan ang ref.

-,-

Wala pang pagkain. Bwisit naman oh. Siguro namamalengke pa si mama. Ang tagal naman. Hay. Alam ko na. Magpapasama na lang ako kay Nathan sa supermarket. Kaso wala pa nga pala sya.

Napatingin ako sa phone ko.
O.O Tama! GPS! Buti na lang inactivate ko yung GPS ng phone nya mula nung binili. Bwahahaha. Ang talino mo talaga Charm.

Dali dali akong lumabas ng bahay at sinundan yung GPS papunta sa phone nya. Ang saya. Para akong nag aadventure! ^.^

Patuloy lang ako sa paglalakad habang sinusundan ko ito. Hay, ang layo naman. Ang daming pasikot sikot. Parang kanina pa ako naglalakad ah. Ano naman kayang ginagawa doon ni Nathan?

Yun, isang kanto na lang! Yeeees! Finally!

Tumingin ako sa paligid nung barangay. Pamilyar yung paligid. Sobrang pamilyar.

My heart started beating fast. Parang ayaw ko nang tumuloy. Parang gusto ko nang tumigil. Parang hinihila na ako pabalik pero tuloy tuloy pa din ako sa paglalakad.

I don't like this feeling. Parang alam ko na kung saan ako papunta.

Pabagal na ng pabagal ang paglalakad ko hanggang sa tuluyan na akong tumigil sa paglalakad. Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko na si Nathan. Walang duda, sya nga. Nakatayo sya sa, sa tapat ng bahay ni papa. Lumapit pa ako ng kaunti and I saw the whole scene. Kausap nya si papa.

Biglang binalot ng inis at galit ang puso ko. What the hell is he doing here?!

Naglakad na papunta sa direksyon ko si Nathan. Agad akong nagtago sa likod ng isang poste. Naramdaman kong tumulo ang luha ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon