Chapter 25 (Lonely Bells)

36 5 0
                                    


Sabay nating sasalubungin ang pasko diba, Nathan?

Sabay pa tayong aattend sa first birthday ni baby Harry diba?

Sabay pa tayong manonood ng fireworks sa New Year diba?

Diba Nathan?

Pero bakit? Bakit ganito? Bakit ka umalis? Bakit mo 'ko iniwan?

Pati ang sulat na iniwan mo para sakin, wala na.

Bakit lahat na lang ng taong mahal ko, iniiwan ako?

Katulad ka lang din pala ni papa. Iiwan mo din ako.

**************

Charm's POV:

A cold breeze touched my cheeks. I slowly opened my eyes but I closed it aftwerwards. Sobrang sakit ng ulo ko. Parang binibiak sa gitna.

"Nathan?" I pulled my blanket.

"Nathan..... Pakuha naman ng tubig...." I muttered but no one answered. Hay, saan na naman kaya yun pumunta?

Dahan dahan akong bumangon at tumingin sa paligid habang sapo ng kamay ko ang ulo ko.

"Nathan? Nathan asan ka?" I asked and looked under my bed. Pero wala din sya dito.

"Nasa terrace ka ba?" Tanong ko at naglakad ako papunta sa terrace at agad na hinawi ang kurtina.

"Na-----" Biglang humangin ng malakas at nasilaw ako sa liwanag ng araw.

Wala sya dito.

Tama.

Wala na nga pala sya dito.

Umalis na nga pala sya. How stupid of you Charm.

Sunod sunod na tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Sobrang sakit. Parang binibiak ang puso ko.

Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga ulap.

"Nathan, bumalik ka na ba sa langit? Kung babalik ka din naman dyan, sana...... sinama mo na ako. Tutal, maikli lang naman ang buhay ng tao..... Pupunta din naman ako dyan pag tagal." I said and wiped my tears.

Napatingin ako sa kama ko. Parang kahapon lang, pag gising ko, katabi pa kita. Tapos ngayon wala ka na. Ang bilis mo namang nawala.

"Charm! Charm!" Lumingon ako sa likod ko. Sino yun?

"Sa baba!" Sigaw nung boses. I looked down. Oh, sina Audrey at Rence lang pala.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naghilamos at dumiretso sa salas.

"Wala pa din syang kinakain mula kagabi. Nag aalala na nga ako eh. Pag nagpatuloy pa 'to, magkakasakit na si Charm." Narinig kong kwento ni mama kina Audrey at Rence.

"Girl!" Masayang bati ni Audrey. I sat beside her.

"Anak, buti naman lumabas ka na ng kwarto mo." Sabi ni mama.

"Dinalhan ka namin ng pagkain." Rence said. May hawak syang plastic na may tupperware sa loob na may lamang pagkaing niluto namin ni Audrey kahapon. Hindi na nga pala namin nakain yung handa dahil sa nangyari.

"Kumain ka na girl. Magkakasakit ka nyan." Sabi ni Audrey at nilabas ang isang tupperware mula sa plastic na dala ni Rence. Sa loob ng tupperware ay may lamang..... slice ng cake na binili ni Nathan. Yung part na may nakasulat na ' Nathan.'

Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko nang makita ko yung cake. Parang bumabalik lahat ng alaala namin ni Nathan,

"Sorry! Sorry girl!" Gulat na sigaw ni Audrey at agad binalik yung tupperware sa  loob ng plastic.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon