EPILOGUE

74 8 2
                                    

Nathan's POV:

Madilim ang langit. Malakas ang buhos ng ulan. Parang pati ang langit, nagluluksa sa pagkamatay ni Charm. Basa ang mga damo sa malawak na sementeryo kung saan nakalibing si Charm.

Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang itim na tent na sinisilungan ng puntod niya. Kakatapos lang ng libing ni Charm. Umalis na ang lahat ng mga nagluluksang kamag-anak at kaibigan niya. Simula noong binawian siya ng buhay sa ospital, hindi na ulit ako bumalik, hindi na ako muling nagpakita sa pamilya ni Charm, hindi na ako muling dumalaw sa kanya. Ngayon na lang ulit ako pupunta sa kanya.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kinaroroonan ng puntod niya. Sa bawat paghakbang ko, tumatalsik ang putik sa sapatos ko. But whatever, kanina pa naman ako nababasa ng ulan.

Tumigil na ako sa paglalakad nang makarating na ako sa puntod ni Charm.

REST IN PEACE

MARY CHARMEINE M. ALFARO

1998-2017

Noon tinatanong ko ang sarili ko kung totoo bang wala ka na. Ngayon, nasa harapan ko na ang sagot. You are no longer by my side.

Lumuhod ako sa tapat ng puntod niya.

"Charm, I'm sorry kung ngayon na lang ulit ako dumalaw. Wala ako noong padasal at burol mo. Ayaw ko kasing..... makita na wala ka nang buhay eh. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pero, panatag na ang loob ko ngayon. Kasi, sa kabila ng pagkawala mo, alam kong masaya ka na. Nabuo na ang pamilya mo, at kinasal na tayo. Eto, suot ko nga yung wedding ring natin oh." I said as tears roll down my cheeks. Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita kay Charm.

"Sya nga pala, alam ko na yung sagot sa deal natin. Alam ko na kung... *hik* bakit tayo nagkita. Alam ko na kung bakit hindi ka tumagos sa katawan ko, alam ko na kung bakit nakita mo 'ko. Kaya ito, binabalik ko na sayo yung... necklace mo, tulad ng napag-usapan natin." I said at ipinatong ko na yung necklace nya sa puntod nya.

"Sayang lang, wala ka na dito para suotin ito." Pinunasan ko ang luha ko at huminga ako ng malalim.

"Noong mga araw pagkatapos kang bawian ng buhay sa ospital, yung mga araw na mas pinili kong wag kang puntahan, I made up my decision. Pinipili kita Charm, dahil alam kong hindi ko ito pinagsisisihan. I have been choosing to find the reincarnation of the person I loved  but today, I think I have to change my plans. I think, the reason why I kept on wishing to meet your reincarnation is because.... I was never contented. Siguro, naiisip ko na gusto ko pa syang makasama, na hindi pa sapat yung pinagsamahan namin, but now, I'm choosing to let you go. To let go of all the hatred and selfishness that lived inside me. Pinalaya mo ako Charm. Kaya napag desisyunan kong palayain ka na din."

I took a deep breath.

"I won't find your reincarnation anymore. Hindi na ulit ako mag mamahal pa ng iba. Because you are more than enough for me. Ayaw kong makalimutan ka. Ayaw kong mabura lahat ng masasayang alaala natin ng magkasama. I don't want to forget how kindhearted you are. Ayaw kong makalimutan kung gaano kita kamahal. And I think it's right for me to say that... You are the last person that I loved."

Tumayo ako at pinunasan ko ang mga luha ko. For the last time...

"I will always love you Charm."

Naglakad na ako palayo sa puntod. Paglabas ko nung tent, maaraw na. Maaliwalas na ang langit. Mukhang sumasabay talaga ito sa nararamdaman ko. I looked up in Heaven and smiled. I'm home.

Loving her comes with great risks and sacrifices. I did things that I have never done before. I made decisions that I never thought I could make. I disobeyed rules that I obeyed for the longest time.

But those things made me stronger, it made me who I am today. An angel who chose to let go, to be contented and to love a single person for the rest of my life, just like in our vows.

So if you're gonna ask me what's the best thing that ever happened to me, I would say it was,

Loving a Mortal.

***********************

Author's POV:

Thank you po sa pagmamahal, pag tangkilik at pag-vote sa bawat chapter ng story na 'to. (^.^) Salamat! Salamat! Salamat!

Ps. Kuya, salamat sa pagtulong sakin sa pagbuo ng plot nito at sa last-minute changes sa ending. Hahaha.

To God be the Glory!

Loving A Mortal by BradShin
All Rights Reserved 2017

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon