Chapter 27 (Seeking Answers)

36 7 0
                                    


Hindi ko namalayang umiiyak na din pala ako habang nakatitig ako sa mga mata nya.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit and I buried my face on his chest while we are both crying.

I feel bad about myself. It was all my fault. Kasalanan ko kung bakit nasira ang mga pangarap ni Joshua. If only I had been there, hindi sana ito mangyayari.

I can feel his pain lingering through his body. Sobra syang nasaktan. He had always loved soccer with all his heart, at sa lahat ng tao, ako ang pinaka nakakaalam nun. But I was the one who made him stop playing. Kung nandun lang sana ako, hindi sya madidistract at hindi sya magkaka inujry.

I have to make it up to him. I need to.

**********************

Charm's POV:

"Mmmmmm!" I said habang nag-iinat ng braso at gumugulong sa kama. I feel sooo much better now. It feels like I'm a brand new me. Hindi na masama ang pakiramdam ko. Parang balik na ako sa dati.

Wait, ano na nga bang date ngayon?I lost track of time ever since nung...... nung...... Wait, ano nga bang nangyari nun? Feeling ko may nangyari bago mag Pasko kaya ako nadepress. Pero hindi ko maalala kung ano. Well, hindi naman siguro yun importante.

Bumangon ako sa kama at tumingin sa kalendaryo.. Omg. IT'S ALREADY DECEMBER 30! AT BIRTHDAY NGAYON NI BABY HARRY! I promised Papa at Tita Sasha na pupuunta ako sa birthday ni Harry. Kailangan ko nang magmadali.

Agad akong naligo at nagbihis. I hurriedly rushed outside our house.

Biglang may bumusinang kotse sa labas ng bahay namin.

O__________O

"Joshua?! Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong habang sinisilip si Joshua sa loob ng kotse. Kung saan saan talaga ito sumusulpot.

"Sasamahan ka, papunta sa birthday ni Baby Harry. Kahit na hindi ko sya kilala. I thought importante si Baby Harry sa'yo since sinulat mo sa kalendaryo na birthday nya ngayon." Sagot ni Joshua.

"Hay nako, tsismoso ka talaga kahit kelan. Tara na!" Sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse ni Joshua and we started to move.

"Punta muna tayo sa tindahan ng damit ng baby. Bibili akong regalo." I said. Kasi naman nakalimutan kong birthday ngayon ni Baby Harry eh, sayang.

"Okay, sure."Sabi nya at tumigil na kami sa tapat ng tindahan ng damit ng baby.

Bumaba na ako sa kotse nya at pumasok na kami sa loob.

"Good morning mam and sir! Damit po ba para sa anak nyo?" Tanong nung saleslady pagkapasok namin sa loob.

A-Anak?! Srsly? I looked at Joshua. Umiwas naman sya ng tingin. Hays, mukha ba kaming mag asawa?

"H-Hindi po! Para po sa kapatid ko." I answered with an awkward smile.

"Ah, sige po. Lalaki po o babae?" She asked.

"Lalaki po." Sagot ko.

"This way mam." Sabi nya at sumunod naman kami ni Joshua sa kanya.

"Pili na po kayo." Sabi nung saleslady at itinuro yung mga damit.

Whooo. That was awkward.

Lumapit sakin si Joshua at bumulong.

"K-Kapatid? May iba ka pang kapatid?" Gulat na bulong ni Joshua. Oo nga pala. Hindi pa nya alam ang tungkol dun.

"Half brother ko si Baby Harry. Anak sya ni Papa kay Tita Sasha. Remember when I told you na iniwan kami ni Papa? Yun ay dahil nabuntis nya si Tita Sasha. Pero okay na kami. Napatawad ko na si Papa." Sagot ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon