Chapter 35 (Thousand Years)

52 5 0
                                    

"Charm, remember this?" Tanong ni Nathan at dumukot sa bulsa nya. Inilabas nya yung necklace ko na may pendant na angel wings.

"We made a deal na ibabalik ko lang ito sayo pag alam na natin ang dahilan kung bakit tayo nagkita. So please hold on until that happens, okay?" He said as tears stream down his face.

"Promise." I said and wiped his tears. Tumigil na si Nathan sa pagsunod sakin at ipinasok na ako sa loob ng ER. I took a deep breath. Kaya ko 'to. Hindi na ako natatakot. Maraming tao ang naghihintay sakin sa labas.

************************

Nathan's POV:

Malakas ang hangin at madilim ang langit. Parang anytime pwedeng umulan. Nakaupo ako sa may tabi ng rooftop ng osiptal. Nakalawit ang binti ko sa baba. Tinitingnan ko yung singsing. I can't wait to see you again Charm. Excited na akong magising ka at makausap ka.

A light shone sa kanan at kaliwa ko. O________O

"Ariana! Raphael!" Bati ko sa kanilang dalawa. Bihira lang silang pumunta dito sa lupa. It's good to see them again.

"Nathaniel, nasa ER sya diba?" Tanong ni Ariana.

"Oo. Nagpapa-chemo." Sagot ko.

"Ikinasal ka na pala." Raphael said and smiled. I looked at my ring.

"Oo. Kanina. Birthday kasi ni Charm." I said.

"Alam mo, I have nothing against her. Napakabuti nyang tao. Hindi ko makakalimutan yung time na dinala nya tayo sa mall. That was one of my most memorable moments. Pero dahil nga ginawa ang tao na may maikling life span, I make sure na hindi ako masyadong maa-attach sa sino mang tao. But Charm, she's different. Diba?" Ariana said and smiled.

She's right. Kahit na anong pilit kong pigilan, wala eh. She's so irresistible.

"Tita Janine, Ate is going to be alright diba?" Narinig kong tanong ni Xelyn.

"Oo naman. Kaya yun ng ate mo." Sagot ni Tita.

Sumilip ako sa kwarto ni Charm. Nandun pa din silang lahat. Bukas yung TV at nanonood si Xelyn. I'm really glad na okay na silang lahat. Siguro this is a blessing in disguise. Kahit na na-diagnose si Charm, ito yung nagbigay daan para magkaayos ang pamilya nya. Everything is doing just fine. Sana palagi na lang silang masaya.

Several hours have passed at madaling araw na. Nakatulog na sila sa paghihihtay maliban sa mama at papa ni Charm. I wonder if tapos na yung chemo.

"Kayo po ba ang pamilya ni Miss Alfaro?" Narinig kong tanong ng nurse mula sa kwarto. Sumilip ako sa kwarto at pumasok ako sa loob. Dumaan ako sa bintana. I think tapos na. Finally, makikita ko na ulit sya.

"Kami nga po." Sagot ni Tita Janine.

"Pinapatawag po kayo ni Dok." Sabi nung nurse at lumabas na ng kwarto.

Ginising ni Tita Janine sina Audrey at lumabas na sila ng kwarto. Sumunod naman ako sa kanila sa paglalakad. Habang naglalakad, natanaw ko si Dok na nakatayo sa labas ng ER at naghihintay samin.

"Dok, ano pong nangyari? Okay na po ba ang anak ko?" Tanong ni Tito Paul.

Huminga ng malalim si Dok at tumingin kay Tito Paul.

"Ikinalulungkot ko pong sabihin pero.... patay na po ang anak nyo."

O_________________________O

Sumikip ang dibdib ko. Tumulo ang pawis ko. Para akong nagyelo sa pwesto ko. Namuo ang mga luha sa mata ko.

What did he just say? Patay? Patay na si Charm?

"A-Ano po ang ibig nyong sabihin?! Patay na ang anak ko?!" Nanginginig na tanong ni Tita Janine.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon