Chapter 3 (11:11 Wish)

137 11 0
                                    

Maya maya biglang uminit sa paligid. Para akong binalot ng kumot.

Kumalas ako sa yakap nya at tumingin sa kanya.

O_____________________O

Totoo ba ang nakikita ko?!

Nakayakap sakin ang isang malaking pakpak ng anghel. Puting puti ito at nakakabit ito sa.... sa likod ni Nathan. O_____O

I can't believe my eyes. Totoo nga. Totoong may pakpak. Totoo syang anghel.

I looked at his eyes.

"I'm Nathaniel. An Angel." He said and smiled.

**************

Charm's POV:

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Di ako makapaniwala sa nakikita ko. He's really an angel.

Hinawakan ko ang pakpak nya at tinitigan ng mabuti. Ganito pala ang pakpak ng isang anghel.

I can't believe I'm right in front of a real angel.

Maya maya, biglang naglaho ang pakpak niya. I looked at him.

"Bakit mo inalis?" I asked.

"Baka may makakita pa sa akin. Mahirap na." Sagot niya.

Umub-ob ako sa railing ng terrace at tumingin sa kanya.

"Anong ginagawa ng mga anghel dito sa lupa?" I asked.

"Mga Arkanghel lang ang pinapadala dito sa lupa. Archangels are high-raking angels. Kumbaga, mas mataas ang tungkulin namin kaysa sa mga normal na anghel. Ang mga taong namamatay ay pumupunta sa langit at nagiging isang anghel. Pero ang isang katulad ko na arkanghel, hindi nagmula sa tao. I am naturally an angel." Pagpapaliwanag nya.

"So madami pang tulad mo dito sa lupa?" Masaya kong tanong.

"Oo. At may kanya kanya kaming tungkulin. Ako, isa akong Angel of Fire, Angel of Energy at Angel of Life purpose. My job is to encourage a person's faith in his or her dreams. I ignite the energy of passion, pursue life purposes and I am in charge of helping a person to let go of their past." He answered.

"Talaga? Parang ang hirap naman ng tungkulin mo." I said.

"Sa una. But I'm getting used to it. Sa tagal ko na ba namang nandito sa lupa."

"Wait, ilang taon ka na ba?" Tanong ko.

Nag isip siya at tumingin sakin.

"9.8 trillion years? Or maybe more than that." Sagot niya.

Para akong nabingi sa sinabi nya.

"Talaga?! Ang tanda mo na pala!"

"Kung titingnan mo sa edad ng tao, ganun na nga. Hindi naman tumatanda ang isang anghel eh." He said.

"So, hindi rin kayo namamatay?" Tanong ko.

"Yes. We're immortals." Sagot niya.

I sighed. Tumingin ako sa langit. The sky was full of twinkling stars. Ang ganda ganda ng langit.

"Sana anghel na lang din pala ako. Para hindi ako namamatay." I said.

"What makes you say that? Ang sama kaya maging imortal. Everyone dies before me. Minsan nakakapagod na ding mabuhay eh."

"Hoy wag mong sabihin yan. Madaming tao ang gusto pang mabuhay pero sadyang namamatay." I said and looked at him.

"You're right... I'm sorry." He said and looked away.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon