Chapter 9 (Angels' Day Out)

84 10 4
                                    

"Shopping?" Naguguluhang tanong ni Ariana.

"Oo bukas! Tutal Saturday naman, wala kaming pasok! Mag shoshopping tayong lahat at bibili tayo ng mga bagong damit! Para na rin may masuot kayo dito." Masayang sabi ni Charm.

"Charm, di mo na kailangang-----" Bulong ni Nathan.

"Don't worry! Kami ni Audrey ang bahala!" Sabi nya at nag apir silang dalawa.

Hay, kahit kailan talaga ang dalawang ito.

"Sounds nice. Okay, we're in!" Ariana said and smiled.

"Yehey!" Tuwang tuwang nagtatalon sina Charm at Audrey.

Isa na namang weird na araw. Parang panaginip lang lahat ng ito.

****************

Charm's POV:

KRIIIIIIIING! KRIIIIIIIING!

I suddenly came into my senses. I opened my eyes and turned off my alarm clock. Agad akong bumangon sa kama ko.

It's Saturday! And Saturday means Shopping Day! Yipeee!

Excited na ako mamaya! *o*

Agad akong kumain at naligo. Umakyat na ako ng hagdan pagkatapos ko maligo at pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis.

Nakabalot lang ako sa towel habang tumutulo ang tubig mula sa buhok ko.

"Wow..... Ang ganda naman pala ng-------" Agad na sinikmuraan ni Nathan si Raphael. Hay, kahit kailan talaga sya.

Lumabas na silang dalawa ng kwarto ko. Naiwan na lamang kaming dalawa ni Ariana sa loob.

"Sigurado kang okay lang na nandito ako?" Tanong ni Ariana.

"Oo naman. Babae ka naman eh. Papahiramin muna kita ng damit." Sagot ko habang hinahalungkat ko ang cabinet ko. Kailangan kong makahanap ng damit para sa kanya.

Dress, short, pants.... Palda! Tama!

Kinuha ko na yung palda at pinatong ko sa sahig. Pang taas naman.

Tshirt, Crop top, Off shoulders, Polo shirt..... Hanging blouse!

"Ito! Bagay na bagay 'to sayo!" I said and showed her the blouse. Ang galing ko talaga!

Dahan dahan nyang inabot yung blouse at palda. Pinagmasdan nya itong mabuti.

"Hindi ako makapaniwalang magsusuot ako ng ganito." She said.

"Okay lang yan. Isuot mo na." I said and smiled at her.

Tinulungan ko siyang magbihis dahil first time nya, pati ako nagbihis na din.

Hay, ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko may kapatid akong babae.

Pagkatapos ko syang bihisan, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Sa harap, sa likod at tagiliran.

"Hmm... Parang may kulang." I said.

"Ano yun?" She asked.

Ano nga ba? Isipin mo Charm. Ano pang kulang? Isip isip isip.

"Alam ko na!" I blurted out.

Agad akong pumunta sa shoe rack. Doon nakalagay ang mga sapatos ko. Tama, sapatos ang kulang sa kanya.

Rubber shoes, flats, heels, wedge..... Sandals!

"Tada! Sandals!" I said and showed her the sandals. Kinuha nya yung sandals at pinagmasdan nya ito.

"Sa paa ba ito sinusuot?" Tanong nya habang ineexamine ang sandals.

"Oo." Sagot ko.

Kumuha naman ako ng flat shoes para sa dress ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon