Chapter 18 (Invitation)

65 8 2
                                    

Humiga na ako at ganun din sya.

Omg. Katabi ko si Nathan sa pagtulog. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wait, humihilik ba ako? Baka ma turn off sya sakin! Omg Charm. Umayos ka. Bawal kang humilik o magtulo ng laway. Sobrang nakakahiya.

Something warmed my hand. Napatingin ako kay Nathan.

O______O He's holding my hand! Omg!

"Kumalma ka nga. Matulog ka na." He said. Hay, ang galing talaga nito makiramdam.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa kamay nya at humarap ako sa kabila.

I'm glad that everything is now clear to me. I am in love with this Angel.

*****************

Charm's POV:

I rubbed my eyes and stretched my arms. Ang sakit ng likod ko. Ang tigas naman kasi ng hinihigaan ko. Nag inat inat ako ng katawan ko at kinapa ko yung tabi ko.

Omg. Asan si Nathan?!

Agad akong nagmulat at bumangon. I looked around the cave. Wala sya.

Lumabas ako ng kweba at tumingin sa paligid.

"Nathan!" I called onto him. Napatingin sya sakin.

Lumapit ako sa kanya at umupo ako sa tabi nya. Nakaupo sya habang naghuhukay ng lupa.

"Bakit ka naghuhukay?" Naguguluhan kong tanong.

"Para ilibing sila." Sagot niya at kinuha ang isang towel na parang may laman sa loob.

"Sino?" I asked. Ano bang sinasabi nito?

"Yung mga alitaptap." Sagot niya at dahan dahang ibinuhos ang mga patay na alitaptap sa hinukay niyang lupa.

"Paggising ko kasi kanina, patay na sila at nakakalat sa paligid natin. Alam mo naman sila, maikli lang ang buhay." Sabi nya habang tinatakpan na ng lupa yung hinukay niya.

Biglang may tumulong luha sa pisngi ko.

What the hell is happening to me?

Maya maya pa ay sunod sunod na pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Charm? Bakit ka naiyak?" Nathan asked.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko and I took a deep breath.

"S-Siguro kasi, naaawa ako sa kanila. Kasi hindi sila nabibigyan ng pagkataon na mabuhay ng matagal. Ang ganda ganda nilang tingnan kagabi habang lumilipad sila sa loob ng kweba. Tapos ngayon, paggising natin, wala na sila." I answered as tears kept on falling from my eyes.

"Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mamatay, since I'm immortal. Pero minsan naiisip ko, sana hindi na lang ako ganito. Sana tao na lang din ako, so I can understand your feelings more." He said while looking straight into my eyes. Yung tingin sa mga mata nya, parang may halong assurance. Na okay lang yan, wag ka ng umiyak. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam.

"CHAAAARM! NATHAAAAAN!"

Napalingon kami sa sumigaw.

"AUDREY!" Masaya kong sigaw at agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

"OMG GIRL! BUHAY KA! BUHAY KA PA!" Mangiyak ngiyak na sigaw ni Audrey habang niyayakap ako ng soooobrang higpit.

"A-Aray ko naman! Saglit girl! Bitawan mo 'ko!" I said as I push her away. Nubayan. Ang sakit. Parang dinudurog ang mga buto ko sa katawan.

Kumalas na sya sa yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko na parang ayaw akong pakawalan.

"Saan ka ba nanggaling, babae ka?! Alam mo bang magdamag kaming naghahanap sa inyo?! Akala namin na-kidnap na kayo ng alien! Jusko naman girl! Pwede ba sa susunod, magsabi muna kayo kung gusto nyong mag lambuchingan sa kweba?!" Galit na sigaw ni Audrey sa pagmumukha ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon