Chapter 13 (Life Purpose)

116 10 1
                                    


"Nathan? Charm?" Tawag ni Rence mula sa kusina.

"Yes?" Sigaw ko.

"Hindi nyo naman tinapon dito sa kusina malapit sa ref yung diaper ni Honey diba?" Rence asked sarcastically.

O___________________O

Oh no. Oo nga. Dun tinapon ni Nathan yung diaper imbis na sa labas. Kaya pala nangangamoy.

Lumabas si Rence mula sa kusina at tumingin saming dalawa.

"A-Alis na kami! Babye!" Nagmamadali kong sigaw at agad kong hinigit si Nathan palabas ng bahay nina Rence.

"Chaaaaaaarm! Nathaaaaaan!" Sigaw ni Rence.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Nathan habang tumatakbo kami palayo sa bahay nila.

"Basta tumakbo ka na lang!" Sagot ko.

And that's how we ran for our lives.

*****************

Charm's POV:

"Grabe! Pagod na pagod ako! Buti na lang nandito itong kama ko para paligayahin ako." *o* Masaya kong sabi habang pagulong gulong ako sa kama at niyayakap ang unan ko.

Grabe! Namiss ko 'to!

"Wala ka pa ngang isang oras nag eexercise, pagod ka na agad? Tamad ka lang." Sabi ni Nathan at umupo sa paanan ng kama ko.

"Uy grabe ka. Palibhasa di ka napapagod dyan eh." I said and rolled my eyes. Napaka kontra bida talaga nito.

"Ang taba mo pala nung bata ka pa noh?" Nathan asked.

"Tama. Bata. Noon lang yun noh. Sexy na kaya------ANONG SABI MO?!" Agad akong bumangon sa kama ko.

Hawak hawak ni Nathan yung photo album ko nung bata pa ako.

"B-BAKIT NA SAYO YAN? AKIN NA NGA YAN!" Galit kong sigaw at agad kong inagaw sa kanya yung album. Tinago ko ito sa likod ko para di nya makuha.

Napaka pakialamero nya talaga! Gosh nakakahiya! Hubad pa man din ako sa mga baby pictures ko! Argh. My innocent body. T.T

"Why? What's the problem? Tinitingnan ko lang naman ah." Tanong nya.

"B-Basta. Wag mo na nga akong tanungin!" I said and looked away.

Napatingin ako sa kanya. Pinagmamasdan nya ng mabuti yung kwarto ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Mahilig ka palang mag picture noh?" Tanong niya habang nililibot ng tingin ang buo kong kwarto.

"Ano bang sinasabi mo?" I asked.

"Kasi tingnan mo, puno ng pictures itong dingding ng kwarto mo, tapos ang dami mo pang photo albums. May nakita din akong camera sa loob ng cabinet mo nung inayos ko yung damitan mo." Sagot niya.

Para akong nabingi sa sinabi nya.

"INAYOS MO ANG DAMITAN KO?!" Gulat kong tanong. Gosh! Ang dumi dumi pa man din nun! Nakakahiya to the highest level. So ibig sabihin nakita nya din yung mga underwear ko?!

"Oo. Ang kalat kasi eh." Sagot niya. Hay, napaka neat freak talaga ng lalaking 'to.

I sighed.

"O-Oo. Mahilig akong kumuha ng pictures, pero dati lang yun." I said and looked down. Biglang nag iba yung atmosphere samin.

"Bakit? May nangyari ba?" He asked.

I took a deep breath and looked at him.

"Photographer si Papa. Lagi syang kinukuha para mag cover sa mga weddings, birthdays, debuts at marami pang iba. Tapos palagi nya akong kasama noon, siguro mga five o six years old pa lang ako nun. Ewan ko ba pero gustong gusto ko talagang makakita ng mga camera, ng mga taong nakangiti, ng mga studios. I got so attached to it, then one time, nakakuha si Papa ng offer galing sa Tour agency na mag cover ng tourist spots sa San Francisco." Pagkwekwento ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon