Chapter 14 (Wedding Dress)

86 12 3
                                    

"Kumapit ka ng mabuti." Utos nya.

"Ha?------AAAAAAAAHHH!"

He flipped his wings rapidly at bumulusok kami ng lipad. Grabe! Ang bilis namin! Ang lakas pati ng hangin na nanggagaling sa pakpak nya!

"Wait, may nakakalimutan ka." He said

"Ano?" I asked.

May binunot siya sa bulsa nya at inilabas ang....camera ko? Nasa kanya pala ito all this time?

"Kunin mo." He said and handed me the camera.

Kinuha ko naman ito mula sa kamay nya. Hay, ngayon na lang ulit ako nakahawak ng camera. Ang sarap sa pakiramdam.

Isinabit ko yung lace ng camera sa leeg ko at nag picture ako ng langit, ng stars at moon.

Nagawa ko na ulit hawakan ang camera ko at kumuha ng pictures. And it's all because of this Angel. Hay, I'll never forget this moment.

*****************

Nathan's POV:

I knocked on the door of our school's faculty room. Pumunta ako ngayon sa school para gawin ang isang mahalagang bagay. I just thought of it yesterday and now I'm trying on it. Wala masyadong mga estudyante ngayon kasi weekend.

Bumukas ang pinto at lumabas ang isang teacher.

"Yes? Sinong kailangan mo?" She asked.

"Umm.. Nasa loob po kaya si Mam Krystal?" I asked.

"Oo. Pasok ka." She said.

"Salamat po."

Pumasok na ako sa loob ng faculty room. Ang daming teachers sa loob at may kanya-kanya silang ginagawa.

"Mam Krystal! May naghahanap sa inyo!" Tawag nung teacher na pinagtanungan ko.

Bumaba ng hagdan si Mam at lumapit sakin. She's our History teacher.

"Oh Nathan! Kamusta ka na? What brings you here?" She asked.

"Ahm, may gusto lang po sana akong ipakiusap." Sagot ko.

"Ano yun?" She asked.

"Narinig ko po kasi na malapit na kayong ikasal kay Sir Archie." I said.

"Oo malapit na nga. Bakit?" She asked.

"Kung wala pa po kayong nahahanap na photographer para mag cover sa wedding nyo, baka po pwedeng....si Charm na lang." I said. Whoo finally nasabi ko na.

"Charm? Alfaro? Is she a photographer?" Tanong nya.

"Di pa naman po sya professional pero alam ko pong magagawa nya ng maayos ang pag cocover sa wedding nyo. So please mam, get her as a photographer." I said and bowed my head. I wish she would agree.

"Oh sige. Oo naman, pumapayag ako. She's one of my lovely students anyway. Sabihin mo pwede na syang magsimula mamaya. Magsusukat ako ng wedding gown at si Archie naman, ng tuxedo. Pumunta sya mamaya sa Wedding Shop para mag cover, okay?"

"Yes mam! Salamat po! Salamat po talaga!" Masayang masaya kong sabi. Yes! Finally! Matutuwa si Charm nito!

"You're welcome Nathan." She said and smiled. Lumabas na ako ng faculty room. Hay, I can't wait to tell Charm.

*******************

Charm's POV:

"Charm!" Malakas na sigaw ni Nathan pagpasok sa kwarto ko.

"Ay kabayo mo!" Sigaw ko at nabitawan ko ang phone ko. Jusko. Aatakihin ako sa puso nito.

"Wag mo nga akong gulatin! Tsaka saan ka ba galing?" Galit kong tanong.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon