Chapter 31 (Nathaniel)

29 6 0
                                    

"CHARM WAG! WAG KANG MAGPAPAKAMATAY!"

Biglang may humila sa braso ko at muntik na kaming mahulog sa sahig.

"Ano ba girl! Hindi ako magpapakamatay! Ikaw ang papatay sakin sa sobrang gulat eh!" Inis kong sabi at inayos ko ang damit ko. Loka loka talaga ang babaeng ito.

"Hindi ka magpapakamatay? Eh anong ginagawa mo dyan sa terrace ng ospital? At sinong may sabi sayong pwede kang lumabas ng kwarto mo?" Tanong niya habang nakapamay-awang. Sino ba ito? Nanay ko?

"Magpapakamatay agad? Hindi ba pwedeng nagpahangin lang? Kumalma ka nga girl! Nakakainip kasi doon sa kwarto." I said and crossed my arms.

"Jusko, papatayin mo 'ko sa pag-aalala. Wag mo na ngang uulitan yan." Inis na sabi ni Audrey at hinilot ang noo nya gamit ang kamay nya.

"Yiiieee, OA sa pag aalala ang bestfriend ko." Pang aasar ko sa kanya with matching sundot sundot sa tagiliran. Hahahaha. Sweet naman po pala.

"Syempre naman. Mahal na mahal kita eh." She said and opened her arms.

"Love you girl." Sagot ko at niyakap ko sya ng mahigpit. Hayy, kahit baliw baliw itong babaeng 'to, I can't imagine my life without her.

*********************

Nathan's POV:

It has been almost two weeks, I guess? But those two weeks felt like forever. Ang tagal kong nawala sa tabi ni Charm, and I miss her so much. Every single day hurts like hell. Para akong nakakulong. Hindi ako pwede umalis ng langit at may mga anghel na nagbabantay sakin. But today is the day that I will see her again. The day that I will hear her voice and her laugh. The day that I will gaze upon her smile.

Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to at ayaw kong sayangin ang bawat segundo na pwede ko syang makasama, na pwede kaming bumalik sa dati.

Pinayagan na akong bumalik sa lupa. I think I've done enough to atone for my sins.

Ganun pa din ang itsura ng neighborhood nina Charm. Parang hindi ako umalis. Patuloy ako sa paglalakad papunta sa bahay nina Charm habang pinagmamasdan ang paligid. I miss this place so much.

Tumigil na ako sa paglalakad at tumingin sa bahay na nasa harapan ko.

Finally, I'm home.

Tumingala ako sa terrace ng bahay nila kung saan naroon ang kwarto ni Charm. Handa na ba akong harapin sya? Yes, I'm more than ready. Gustong gusto ko na syang makita ulit.

Lumipad ako papunta sa kwarto nya at hinawi ko ang kurtina. Nandito ang mama at kuya ni nya. Kumukuha sila ng damit sa cabinet ni Charm. Asan kaya sya? Bakit wala sya sa kwarto nya? At bakit iniimpake nila ang mga damit nya? Lilipat ba sila ng bahay?

"Pati po ba mga pantulog kukunin ko na din?" Tanong ng Kuya ni Charm sa mama nya.

"Oo anak. Bilisan na natin. Baka hinahanap na tayo ni Charm sa ospital. Papalitan pa natin sina Audrey sa pagbabantay kay Charm." Sagot ng mama nya.

 Wait, si Charm nasa ospital?! Anong ginagawa nya dun?

"Napagdesisyunan ko pong mag part time job muna, para makatulong sa pagpapagamot kay Charm. Medyo malaki na po yung gastusin sa ospital eh." He said.

Ano daw?! Pagpapagamot? May sakit si Charm?! Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari?

Tumingin ako sa labas. Ang pinakamalapit na ospital dito ay ang Saint Ferdinand General Hospital. Maybe I'll start from there.

Lumipad ako papunta sa entrance ng ospital. Pumasok na ako sa loob at agad pumunta sa Information Desk.

"Excuse me po, may pasyente po ba ditong Mary Charmeine Alfaro?" I asked the nurse.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon