"Pero hija, hindi ito dahilan para mawalan ka ng pag-asa. Proverbs Chapter 17, Verse 22. A cheerful heart is good medicine. But a crushed spirit dries up the bones. Kung sa palagay mo na.... wala ng paraan para gumaling ka, alalahanin mo lang yung mga taong naniniwalang makakapiling ka pa nila ng mas matagal. At isipin mo kung ano ba talaga ang rason kung bakit ka binuhay ng Diyos. Because everyone has their own purpose. Don't lose track of what's yours."
Biglang may tumulong luha sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan. Tumagos yung sinabi nya. Parang mas naliwanagan ako
"Ma! Bilisan nyo! Naiihi na ako!" Sigaw ng boses ni kuya. Mukhang nandito na sila.
Tumayo na sya at tumingin sakin.
"Uuna na ako. Wag mong kakalimutan ang sinabi ko sayo ha." He said at nagmamadaling naglakad papunta sa pinto.
"Salamat! Nathaniel." I said.
*********************
Charm's POV:
Gulat na lumingon sakin si Nathaniel. Yes, I know it's him. Sya yung anghel na nagpunta dito kanina, yung nagdala ng pagkain at yung janitor. Hindi ko alam kung bakit ang bait nya sakin but I'm glad he's here.
His face lightened up at parang naluluha sya na ewan. I smiled at him and he smiled back.
"Dahan dahan naman Alvin!" Narinig kong sigaw ni mama.
Nanlaki ang mata ni Nathaniel at agad syang lumabas ng kwarto. Sakto namang pagpasok nina mama at kuya sa loob.
"Oh anak, wag mong iiwanang bukas ang pinto ng kwarto mo. Baka kung sinong makapasok." Sabi ni mama at ibinaba na ang mga gamit sa sofa. Wait, hindi ba nya nakita si Nathaniel?
"Nandyan na sa bag yung mga gamit mo!" Sigaw ni kuya at nagmamadaling pumasok sa banyo. Hay, dito pa talaga sya dumayo ng pag-ihi. Hindi pa umihi sa bahay.
Audrey's POV:
"Audrey, Audrey, huy! Pansinin mo naman ako! Huy!" Pagmamakaawa ni Rence habang sumusunod sakin sa paglalakad papunta sa elevator ng ospital. Hmph! Manigas sya! Bwisit.
I pushed the button at pumasok na ako sa loob ng elevator.
"Uy! Audrey-!" He said at hinarang nya ang kamay nya sa pintuan ng elevator para hindi sumara. Tss. Buti na lang walang ibang tao dito sa elevator. Nakakahiya sya. Pumasok na sya sa loob at sumara na ang pinto ng elevator.
"Audrey naman, huy." Pagpapapansin nya.
"Sa tingin mo papansinin pa kita pagkatapos mong makalimutan na bumili ng flowers para kay Charm?! Wala man lang tayong dala para sa kanya!" I said with my arms crossed together. Tsh. Kainis talaga sya super. Kawawa naman si girl. Wala man lang kaming kahit anong dala para pagaanin ang loob nya.
"Sorry na nga eh. Pwede naman tayong dumaan muna sa flower shop diba?" He asked.
"Anong tayo? Isasama po ako? Eh kasalanan mo yan." I said and rolled my eyes.
"Oh, sige edi ako." He said.
"Wag na. Nandito na tayo eh. Ilang floors na lang nandun na tayo." I said and sighed.
"Hay nako Terrence Herrera. Ngayon pa nga lang makakalimutin ka na sa mga bilin ko sayo. Paano pa kaya pag mag-asawa na tayo? Eh baka pati anniversary natin, monthsary, weeksary, at mismong birthday ko pa ang makalimutan mo!" I said and rolled my eyes.
There was a complete silence. Wait, WHAT DID I JUST SAY?!
Pusang shinopao. BAKIT KO SINABI YUN?! AUDREY! ANG SIRA MO!
BINABASA MO ANG
Loving A Mortal
RomanceA story about a human who mysteriously bumped into an angel and happened to see him. She's a normal girl and he's an Immortal Angel. Can love blossom between two different creatures? Read the prologue for more info. :)