Chapter 19 (My Angel)

62 7 0
                                    

"Ma! Nandito na po ako!" I called. Lumabas si Mama sa kwarto nya at lumapit sakin.

"Anak! Ibaba mo muna yang gamit mo." Nag mamadaling sabi ni Mama at tinulungan akong ibaba sa sahig yung mga bag ko.

"May dumating nga pala dito kanina, pinabibigay ito sayo." She said and handed me an envelope. Color mint green sya at may ribbon. Ano kaya ito? Love letter?

Inabot ko ito at binuksan.

'Together with our families, we, Krystal & Archie request the honour of your presence in our marriage on Saturday, the eighth of August, two thousand and sixteen at ten o'clock in the morning at San Agustin Church. Reception to follow. Hope to see you there.'

******************

Charm's POV:

"Mam Krystal!" I shouted as I rushed inside the bride's room.

Nagtinginan sakin yung mga make up artists na parang nagtataka.

"Ay, sorry po." ^.^ I whispered. Masyado lang akong excited. Hihi.

"Charm! Buti dumating ka agad." Masayang bati ni Mam Krystal at ngumiti ng bahagya.

"Waaaaw. Ang ganda nyo po mam, sobra." *o* I said in amazement. Sobrang gandang bride talaga ni Mam. Inaayusan sya ngayon ng mga make up artists. May nag kukulot sa buhok nya, may nag mamanicure sa kanya at naglalagay ng make up. Ganito pala talaga pag kinakasal.

"Talaga? Thank you. Excited na ako at kinakabahan para mamaya." She said. Si Mam Krystal at si Sir Archie yung icinover ko dati nung nagsusukat pa lang sila ng weddin gown at suit. Ngayong ikakasal na sila, ako din ang photographer and at the same time, videographer na din.

"Relax lang po kayo Mam. Siguradong excited na din si Sir Archie." I said.

"Asan na nga pala si Nathan?" She asked while looking around.

"Nasa room po sya ni Sir. Syempre po, no boys allowed. Sige po, mag sisimula na po akong mag film." I said. Kinuha ko na yung DSLR at nag simula na ako sa pag fifilm at pag pipicture habang nilalagyan ng make up si mam.

Kailangan ko munang hanapin yung magandang angle at tsaka ko pipicturean.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang wedding planner.

"Ms. Krystal, get ready na. Malapit nang mag simula." She said.

"Okay po. Salamat." Sagot ni mam. Tumayo na si mam at saglit na nagbihis ng wedding gown nya. Lumabas na sya sa pinabihisan nya at nagpakita sa amin.

Waaaaaaw. Ang ganda nya! Super! *o* Bagay na bagay sa curls ni mam na may touch of brown yung wedding gown na mabulad. May maliit syang crown at may kwintas. Hayyy, siguro ang saya saya ni mam ngayon. Naiimagine ko tuloy pag ikakasal na ako. ^.^

"So, how do I look?" She asked.

"Sobrang ganda po." Sagot ko.

"Thank you Charm. Oh, I almost forgot. Pwede pakidala nitong CD kay Archie? Kailangan na kasi ito ngayon eh." She said and gave me a CD.

"Sige po mam. Ako na pong bahala." I said and grabbed it.

"Thankyou!" She said.

Lumabas na ako ng bride's room at naglakad sa labas.

Hmmm, saan kaya dito ang room ng groom? Ang dami kasing kwarto dito eh, nakakaligaw.

Ay, baka ito. Tumigil ako sa tapat ng isang kwarto na may nakasulat sa pinto na 'Groom' at kumatok pero walang sumasagot. Binuksan ko yung pinto at pumasok sa loob.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon