Chapter 10 (Guilt)

78 9 0
                                    

"W-Wala na ba yung palaka?" Tanong ko. Gosh di na naman ako makatingin sa kanya! >///<!

"Oo. Umalis na. Sige na. Matulog ka na." Sagot nya.

Humiga na ako sa kama ko ng hindi tumitingin sa kanya. Sobrang awkward huhu. T.T

Nagtaklob ako ng kumot sa mukha ko.

"Goodnight." He said.

"G-Goodnight."

Pagpikit ko, nakita ko na naman yung kanina! Argh! Di ako makakatulog nito!

*****************

Charm's POV:

"Ano yang binabasa mo?" Tanong ko kay Nathan habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin sa kwarto ko. Buti na lang di na ako masyadong na aawkward sa kanya. Pero gosh puyat na puyat ako. Di kasi maalis sa isip ko na muntik na kaming magkiss. Argh Charm. Tama na, okay?! Tapos na yun.

"Libro tungkol sa first aid." Sagot niya habang nagbabasa.

"First aid? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Sabi kasi ni Raphael mag aral daw ako ng basic na panggagamot para magamot daw kita pag may nangyari sayo o kung kanino man." Sagot niya.

Hmmm, kaya pala. Pero sabagay, mabuti na din yun. Mahirap kasi talaga pag wala kang alam sa mundo.

"Pero wait, nagreview ka na ba para sa long test mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Pero konti lang." He answered.

"Diba dapat magreview ka muna bago ka mag aral ng first aid?" I asked.

"Don't worry Charm. I'll be fine." Sagot niya at isinara na ang libro nya.

Will he really be okay? Hay ang tigas pa man din ng ulo nito.

******************

"Get one and pass." Utos ni mam at inabot ang test paper sa nakaupo sa unahan.

Ipinasa na yung test paper sakin at kumuha ako ng isa. I looked at the paper.

Yes alam ko ito. At ang isang ito. At ito pa. Bwahahahaha. Buti na lang talaga nagreview ako. *o*

"A-Ano 'to?" Gulat na tanong ni Nathan.

Napatingin ako kay Nathan. Mukhang hirap na hirap sya. ^__^" Kasi naman di muna nagreview.

Kumuha na ako ng ballpen sa bag ko at isinulat ko na ang pangalan ko sa test paper.

Ma-------

Ha?! Bakit ayaw sumulat?

Kumuha ako ng extrang papel sa bag ko at sinulatan ko.

Oh sht. Napakamalas ko talaga. Tsaka pa nawalan ng tinta. Wala na pa man din akong extra ballpen. Hay napaka wrong timing.

Napatingin ako kay Audrey. Yes tama.

"Girl." Bulong ko sa kanya. Bawal mahalata ni Mam. Baka mapagkamalan pang nangongopya ako.

"Hmm?" She asked and looked at me.

"May ballpen ka pa?" Tanong ko.

"Isa lang 'to. Wait, don't tell me wala kang dala." Sabi nya at pinanlakihan ako ng mata.

"Nawalan ng tinta eh." ^.^

"Hay naku girl. Bawal pa man ding lumabas para bumili ng ballpen. Wala din naman akong lapis. Pano ka na?" She asked.

Oo nga pala. Terror pa man din ang teacher namin sa History. What should I do?!

"Charm? Anong problema?" Tanong ni Nathan. I looked at him.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon