Chapter 33 (Wings)

30 4 0
                                    

"Sorry..." She said and bit her lower lip.

"Para saan?" I asked habang patuloy kong pinipispis ang ulo nya.

"Kasi.... hindi kita maalala eh. Kahit kaunti." She said.

"Okay lang yun. Wag mong pilitin ang sarili mo. Kung nakalimutan mo man yung mga alaala natin noon, then let's make new memories together, yung puro masasaya." I said and smiled at her. She smiled back as tears streamed down her face. Niyakap ko sya habang pinipispis ko ang likod nya.

Ganito nga pala ang pakiramdam kapag niyayakap ko si Charm. I missed the warmth of her hug. I missed how our arms entwine with each other. I miss her so much.

Kumalas na sya sa yakap at tumingin sakin.

"Gusto pa kitang maalala. Maliban sa pagpapanggap na isang staff sa ospital, janitor at counselor." She said and chuckled. Hay, it feels so nice to hear her laugh and to see her smile.

"Sige. Ipapakilala ko sa'yo kung sino si Nathaniel na minahal mo." I said and smiled.

************************

Charm's POV:

Umalis muna si Nathaniel. May hahanapin daw syang bagay na importante. Magaan ang loob ko sa kanya kahit na hindi ko sya maalala. I must have loved him so much. Masaya din syang kausap at halata sa kanya na napakabuti nya.

Biglang humangin at gumalaw ang kurtina. It's him.

"Nahanap mo na?" Tanong ko habang nakatingala sa kanya.

"Oo. Nahanap ko na lahat." He said and sat on the bed. Binuksan nya yung bag na dala nya at inilabas ang isang notebook.

"Ito ang diary mo. Dito mo sinulat lahat ng naging karanasan mo, yung masasaya, pati na din yung malulungkot. Nandyan din ako." He said and smiled.

"Talaga?" Tanong ko at kinuha ko yung diary mula sa kanya. Hmm, so diary ko pala 'to. I opened it and looked at the pages.

Day 6,510 (June 8th)

Dear Diary,

I met a crazy guy who's claiming himself that he's an Angel. His name is Nathaniel. Binigyan ko sya ng nickname na "Nathan". Binigyan ko din sya ng damit ni kuya. And he looks so handsome with his blonde hair!
Ps. Secret lang 'to.
Also, Joshua came back to school. I was so surprised.

"Nagkabangga tayo noon, first day of class mo. I was supposed to be invisible to the human eye noong mga sandaling yun, pero... I mysteriously bumped into you, at nakita mo pa 'ko. Pumunta ako sa kwarto mo pag-uwi mo sa inyo. Syempre, nagpakilala ako na isa akong anghel. And as expected, hindi ka naniwala at pinagkamalan mo pa akong takas sa mental." Masaya niyang pagkwekwento.

Napangiti ako habang pinapanood sya. Ang saya saya nya habang nagkwekwento. Siguro ganoon din ako kasaya ng mga panahong yun. I must have been really special to him.

"Kahit na hindi mo pa 'ko ganun kakilala, ipinanghiram mo 'ko ng damit sa kuya mo. Sobra ang pagmamalasakit mo sa iba, that's one of the reasons why I fell in love with you." He said and smiled.

>////////////< !!

Pusang shinopao. Bakit ako kinikilig?! Shet. Namumula ang mukha ko. Ang init grabe. KYAAAAAAH! Para akong sasabog!

Tumayo sya at may kinuha ulit sa bag nya. Nilabas nya ang isang pantalon at t-shirt.

"Ito yung damit ng kuya mo na pinahiram mo sakin. That was the first time that I received something from a human. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng mga sandaling 'yun. And I think, hindi pa kita napapasalamatan." Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa mga mata ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon